Dennis Trillo rushed to hospital after freak accident
Nakarating na nagkaroon ng freak accident si Dennis Trillo habang nagti-training ng parkour na gagamitin niya sa Gagambino. Na-sprain ang muscle nito sa binti, dahilan para hindi siya makatayo, kailangan pa naman nitong mag-rehearse para sa Twenty/Twenty concert ni Ogie Alcasid bukas sa Araneta Coliseum.
WHAT IS PARKOUR? Ayon sa Wikipedia (online free encyclopedia), parkour, founded in France by David Belle, “is the art of movement and is an activity with the aim of moving from one point to another as efficiently and quickly as possible, using principally the abilities of the human body. It is meant to help one overcome obstacles which can be anything in the surrounding environment and can be practiced in both rural and urban areas.”
First time gagamitin ang parkour sa isang local TV series at masuwerte si Dennis na siya ang unang susubok nito.
Galing si Dennis sa taping ng Gagambino, 5 a.m. na sila na-pack-up and by 10 a.m., nagti-training na siya ng parkour. Nahulog ang actor, di maganda ang bagsak at hindi makatayo. Dinala siya sa ospital at ipina-X-ray agad. Malaki ang pasasalamat niya nang malamang na-sprain lang siya at walang buto na nabali.
Excited na nga si Dennis sa Gagambino at naging pilyo sa pagkukuwento tungkol sa gagamiting costume. Sabi nito: “Na-fit ko na ang costume, pero di ko pa ginagamit. Medyo hapit siya, pero walang nasakal at di puwedeng walang umumbok.”
Inamin din nitong matinding pressure sa kanya ang bago niyang project, lalo’t papalit ito sa Dyesebel na mataas ang ratings mula noong pilot episode hanggang ngayon. Sa tulong nina Direk Toppel Lee at Don Michael Perez, sa ganda ng istorya at kooperasyon ng buong cast, naniniwala si Dennis na papatok din ito sa viewers.
LEARNING FROM EXPERIENCE. Sa takbo ng interview ng PEP, naalaala na naman ni Dennis ang pinagdaanan niyang “delubyo” sa kanyang buhay. Inisip na lang niyang hindi lahat ng tao ay mapi-please niya at ang ipinagmamalaki lang niya, never niyang ginamit ang kanyang personal life para sa publisidad.
“Natutunan ko sa nangyari sa akin na sagutin ang isyu as honest as I can. Ang lowest time sa buhay ko ay noong time na maraming tumitira sa akin. Ngayon, natutuwa ako na di na masyadong negative ang nasusulat sa akin at kailangan ko na ring mag-move on.”
“It was a learning experience na dumadaan sa buhay at stage ng bawat artista. Na-down ako, pero inisip ko na lang na mas maraming tao ang mas malaki ang problema sa akin. Nakagaan din ng loob ko ang malamang kahit dumaan ako sa maraming problema, marami pa rin ang naniniwala sa talent na puwede mong i-offer at marami pa rin ang nagbibigay ng projects.”
WORKING WITH JUDY ANN AGAIN. Nabanggit nitong may dalawa siyang bagong endorsements at maganda ang feedback ng Mag-Ingat Ka Sa…Kulam nila ni Judy Ann Santos na showing sa October 1. Malakas ang fear factor ng movie sa direksyon ni Jun Lana.
How was it working again with Judy Ann?
“Isang big opportunity for me na muli siyang makasama and this time, leading lady ko na siya. Mabait siya at parang hindi superstar kung kumilos, totoong tao si Judy Ann at di mahirap abutin. Masaya nga dahil ‘pag break time sa shooting, anak niya at anak ko ang pinag-uusapan namin.”
DENNIS’S SONG. What is the song of your life?
“The song of my life is Couldn’t Ask For More by Edwin McCain (kinanta nito sa harap ng PEP at maganda nga ang lyrics).
“The song speaks for itself at sinasabing kahit ano ang nangyari sa buhay at career ko, masuwerte pa rin ako sa dami ng blessings. One time, nagmumuni-muni ako at narinig ko siya at bumagay sa sitwasyon ko.”
EXCITED FOR HEART. Isa pang nagpapa-excite kay Dennis ay matutupad na ang dream niyang makatrabaho si Heart Evangelista. Silang dalawa ang tampok na pareha sa isa sa mga episodes, “Tsinoy,” ng Dear Friend.
Unang lipat pa lang ni Heart sa GMA-7, nagpahayag na si Dennis na crush niya ito at pinangarap makatrabaho. Kaya nga, kahit sa S.O.P. lang sila nagkakasama, masaya na siya at triple tiyak ang katuwaan niya na makakatambal niya sa isang episode ng Sunday drama series ang actress.
Abangan n’yo na lang kung kailan ang airing ng “Tsinoy.”
PEP




