banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Former Senator Ramon Revilla suffers series of strokes

ramon_revilla.JPG

At press time ay kasalukuyan pa ring inoobserbahan ang dating aktor at senador na si Ramon Revilla, Sr. sa St. Luke’s Medical Hospital.

Kanina bago magtanghali, September 30, ay naibalita sa mga radyo ang pagkakaroon ng series of stroke attacks ni dating Senator Revilla. Nakatakda sanang magpa-executive check-up lang sa St Luke’s ang ama ni Bong Revilla. Regular itong ginagawa ng 81-anyos na patriarch ng pamosong Revilla clan sa pulitika at showbiz.

Nakausap ang isa sa mga anak ni Senator Revilla na si Marlon Bautista—nakatatandang kapatid nina Bong, Princess, Strike, at Andeng. Ayon kay Marlon, sinamahan daw ni Andeng ang ama nila sa ospital kaninang umaga, pero dun na raw ito inabutan ng atake. Bigla na lang daw itong “nanghina, pinagpawisan, nahilo, at tumawag ng pag-alalay” bago pa man isagawa ang naturang check-up.

“Stroke na pala yun,” sambit ni Marlon sa PEP.

Napag-alaman din ng PEP na ang series of strokes ay nagdulot ng pagbabara sa ilang ugat sa ulo ng dating senador kaya’t agaran itong ipinasok sa operating room, kung saan matagumpay namang nagawa ang angioplasty procedure. Hindi pa matiyak kung brain o cerebral hemorrhage ang naging sanhi ng atake ni dating Senator Revilla.

Oobserbahan pa raw sa mga susunod na araw ang kalagayan ng dating action superstar at politician. Pero ayon sa huling impormasyon na nakalap ng PEP, “nasa stable condition na ito at nagpapahinga na.”

Dagdag ni Marlon, “Medyo hindi nga lang muna puwede ang maraming tao.”

Humihingi ng dasal at panalangin ang pamilya Revilla para sa agarang paggaling ng ama.

Kasalukuyang nasa Asian Hospital naman si Bong at ang misis nitong si Lani Mercado nang matanggap nila ang balita tungkol sa nangyari kay Senator Revilla. Dinala ni Lani si Bong sa hospital kahapon, September 29, dahil sa sobrang pananakit ng ulo o severe migraine ng asawa.

Nagpadagdag pa ng kalituhan ni Lani ang natanggap na tawag mula sa anak na si Inah Revilla, Ibinalita nito na nasa birthing room na siya ng Makati Medicel Center at tila malapit nang manganak sa anak nila ng asawang si Vince del Rosario.

Kase-celebrate lang ng 42nd birthday ni Bong at isang malaking party ang inihanda ni Lani para sa kanya, na ginawa sa C3 Events Place noong September 24. Sa nasabing okasyon, dumalo si Inah na malaking-malaki na ang tiyan.

“Sana hindi ngayon at tiyak na aalis ako rito’t sasamahan ko siya sa ospital!” ang sagot ni Lani nang biruin ng press na paano kung biglang manganak si Inah habang nasa birthday party ng anak.

Idinadalangin PEP na gumaling na gumaling at maka-recover si Mang Ramon sa stroke, na gumaling na si Bong sa kanyang migraine at makapanganak nang maayos si Inah.

PEP



Text Link Ads


Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Popularity: 27% [?]

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.