Mocha’s Hershey delas Alas admits admiring groupmate Mocha Uson
Unit-unti nang nakakahinga nang maluwag si Hershey delas Alas, isa sa members ng all-female group na Mocha dahil umuusad na ang kasong libel na isinampa nila kontra sa tabloid na Pinoy Parazzi. Any day daw ay magsisimula na silang mag-hearing. Ayon pa kay Hershey, handa na raw siyang humarap sa korte.
“Ang gusto lang naman po namin ay mabigyan ng leksyon ang ginawa sa aming pambabastos at paglalathala ng mga mapanirang-puring larawan kasama pa ang paglalarawan sa amin bilang lesbians,” pahayag ni Hershey.
Pero nililinaw rin ni Hershey na iginagalang nila ang mga lesbians.
“As I’ve said before, I have nothing against lesbianism. Pero gusto ko lang sabihin na I am not a lesbian. Kasi po bilang miyembro ng all-girl group, mahirap po sa amin na ma-tag as lesbians lalo na’t ang target audience namin ay mostly men. E, hindi naman po kami talagang lesbians. Okey lang po sana na magkaroon ng ganoong isyu kung totoong mga lesbians kami. Aaminin ko po may mga kaibigan po kaming lesbians, pero it doesn’t make us lesbians,” paglilinaw ni Hershey.
Hindi ba siya nagdalawang-isip na kumalas na sa grupo matapos ang anila’y pambabastos na ginawa sa kanila?
“Hindi ko po naisip yun. Hindi ko po puwedeng iwan sa laban na ito ang aking best friend na si Mocha [Uson]. Bago pa man po kami nagsampa ng kaso ay ipinaliwanag na sa amin ng abugado naming si Atty. Rado Dimalibot kung ano ang kakaharapin namin. At saka paano ko po maipaglalaban ang karapatan ko kung iiwanan ko ang grupo ko?
“Naiintindihan ko po sina Bez at Grace kung hindi man sila sumama sa amin ni Mocha sa pagdedemanda. Kasi po talagang naapektuhan ang kanilang mga pamilya. Kaya po gusto ko pa ring ituloy ang kasong ito.”
ATTRACTION. Sina Hershey at Mocha ang talagang pinupuntirya ng intriga dahil larawan nila ang lumabas na naghahalikan. Pero at some point, were they really attracted to each other?
“Mocha and I have been friends for a long time now and we’re undeniably close to each other, but that doesn’t mean that we are sexually attracted to each other.
“I admire her, especially if she’s wearing super sexy clothes, only because I want to wear what she’s wearing. You see, ‘attraction’ has a lot of meaning! Yung pagki-kiss naman, para naman sa mag-best friends, parang balewala lang yung smack na kiss, di ba? It’s just a friendly kiss.”
INSECURITY IN THE GROUP? Si Mocha ang pinakasikat sa kanila, especially, na sa pangalan pa nito isinunod ang name ng grupo nila. Minsan ba ay na-insecure si Hershey kay Mocha?
“Naku, wala pong ganyan sa amin ni Mocha. As I’ve said, best friends po kami. Wala pong dapat ma-insecure dahil nagsisimula pa lang kami. Tatlo pa lang kami noon bago naging lima ang members, magkasundo na kami ni Mocha. ‘Tapos ngayon na nabawasan na kami ng isang member sa pag-alis ni Bambie, mas naging close pa po kami ni Mocha kasama na ni Bez at Grace.”
Sumasagi rin ba sa isip niya na magkaroon ng solo career?
“Ha? Ako? Not in the near future. I still enjoy working with Mocha. We’re not just group mates, we’ve been friends since college and we’re still having fun as a group. Right now, hindi ko po iniisip na magkaroon ng solo career.”
Ano ang natutunan niya sa mga kontrobersiya at intrigang kinakaharap ng grupo nila?
“Noong una, talagang I felt devastated. Pero natutunan ko na rin na huwag masyadong damdamin ito dahil makakaapekto lang sa work. At saka kung alam mong nasa tama ka, dapat ipaglaban mo. Kung sobra na at marami na ang naaapektuhan pati na ang pamilya mo, dapat manindigan ka. Fight for your rights,” pagtatapos ni Hershey.
PEP





2 Responses to “Mocha’s Hershey delas Alas admits admiring groupmate Mocha Uson”
By Empress Balita on Sep 30, 2008 | Reply
Hay naku, I hope hindi lang promo ito.
Empress Balita’s last blog post..Podcast Edition: Episode 2
By chuva on Oct 1, 2008 | Reply
Haha! Hi Empress! Welcome to my blog! Musta na mars?
chuva’s last blog post..Celebrity sighting in MILANO