Judy Ann Santos still undecided whether to renew her contract with ABS-CBN or not
Supposedly, ngayong araw, October 8, sana ang renewal of contract ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN. Pero hindi ito natuloy dahil pinag-aaralan pa raw niya ang kontrata.
“Nakuha ko lang kasi ang contract yesterday, e, hindi ko pa nababasa. Ayoko namang pumirma ng kontrata na hindi ko pa nababasa. Nangyari na kasi sa akin yun at ayoko namang ako ang maipit bandang huli or production ang maipit. We‘re still talking about it. I have to consult with my lawyer. It’s gonna be a different stage already, so ang daming kailangang i-consider.
“At saka, siguro part din ng pagtanda na you have to be responsible for whatever contract you have to sign,” paliwanag ni Judy Ann nang makausap siya kaninang tanghali sa thanksgiving party para sa box-office success ng Matakot Ka Sa…Kulam.
Ayon kay Juday, marami raw bagay-bagay na dapat niyang i-consider sa pagpirma ng kontrata. Tulad ng plano niyang pag-aasawa at ang posibilidad na magbuntis siya pagkatapos niyang magpakasal.
“Siyempre, kung hindi naman ako puwedeng magbuntis at wala sa kontrata yun, e, kawawa naman ang matris! Hindi naman yun puwedeng lumabas na lang bigla!” biro niya.
Kasama ba sa kinu-consider ni Juday ang napabalitang paglipat niya sa GMA-7?
“Well, whatever talks I have right now, it’s still open. The possibilities are still open. I have good relationship with ABS and GMA, and I value both,” saad ng young superstar.
May offer ba ang GMA sa kanya?
“There are talks, there are talks,” pag-amin niya. “Pero siyempre, in due respect with ABS-CBN, I have to consider them first because kung anuman yung nangyaring tampuhan na naayos din naman namin, hindi ko naman iaalis na kahit paano, yung kontrata ko ay sa kanila naman umusbong.
“Pero siyempre, yung utang na loob ko rin naman sa pagtulong ng GMA sa akin sa lahat ng proyekto ko, nandoon pa rin. It’s not that I’m torn, but it’s because I’m thinking as a professional already. At sana mantindihan,” paglilinaw ni Judy Ann.
Kapag nagdesisyon ba siyang i-renew ang kontrata niya sa ABS-CBN ay sisiguraduhin na niyang walang anumang tampuhan na magaganap?
“Well, siyempre, yun naman ang hindi ko masasagot. Kasi may mga insidenteng hindi ko hawak. May situwasyon na nangyayari na lang. Siyempre, tao ka lang. Hindi mo naman masasabi kung kailan ka hindi masasaktan. Pero nagiging honest lang naman ako sa nararamdaman ko.
“Ayoko namang magtrabaho na magpapaka-plastic ako na okey ako, ‘tapos hindi naman pala talaga ako okey. May mga tao lang talaga na hindi nakakaintindi na okey lang naman na maging honest sa opinion mo. Opinion lang naman yun, di ba? Hindi ka naman pumatay ng tao,” pagtatapos ng aktres.
PEP





One Response to “Judy Ann Santos still undecided whether to renew her contract with ABS-CBN or not”
By emily on Oct 9, 2008 | Reply
Hi juday pls sa kapamilya network kaparin.. dina kita mapapanood nyan.. number one pa naman kitang idol.. ayoko kasi sa GMA eh.. kahit na anjan kami sa pinas kapamilya talaga kami eh..