Jomari Yllana flattered at Ara Mina’s reference to him as peg for her next lover
Kung gusto ni Jomari Yllana na magbalik sa top shape, nagagawa naman niya. Disiplina lang naman yun. Nagawa niya yun sa Bench Blackout show, na ilang araw lang bago ang event, at saka siya nag-umpisang magpapayat.
Hanggang ngayon, nang makahuntahan si Jomari while he was doing TV guestings sa TV 5 for his reality TV show na Philippines’ Scariest Challenge, kapansin-pansin ang ganda ng kanyang pangangatawan.
“To be honest about it, nakakadagdag siguro yung walang masyadong intriga. Kung mayroon man, naaayos, lalo na tungkol sa love life.
“Three years na kami ni Pops [Fernandez], and we’re going strong. Sa maturity level na lang siguro. Pareho na kaming mature sa maraming bagay, sa pakikipagrelasyon, kaya nakakapag-adjust kami,” sabi na lang ni Jomari.
Nasabi rin ni Jom na kino-consider nila ni Pops ang mag-spend ng Christmas together sa U.S. Baka nga raw ang invitation ni Martin Nivera sa kanila sa Las Vegas ay paunlakan nila.
“Pero, depende pa rin yun sa magiging plano, at hindi natin alam kung ano ang magiging changes.
“Hindi lang naman recently lang ginawa ni Martin ang i-invite kami sa U.S. Last year, ganoon din, at may possibility, baka this year, matuloy na. Wala namang problema,” banggit ni Jomari.
SUPPORTING AIKO AND ANDREI. Nananatiling maganda rin ang tratuhan nila ni Aiko Melendez, at kung ano ang makapagpapaligaya rito-lalo na ang pakikipagrelasyon sa boyfriend nitong politician, si Vice-Mayor Patrick Meneses-supportive naman si Jomari.
“I see to it na may time ako para sa anak naming si Andrei, na ngayon pa lang, nahihilig na sa motocross at car racing. Lagi niyang nasasabi kay Aiko na yun ang gusto niyang gawin, pero napakabata pa niya for that.
“So, ang encouragement namin, kailangang mag-aral na muna siya. Siguro, hanggang kiddie races na muna ang ipapagawa namin sa kanya,” nasabi pa ni Jomari.
ARA’S PEG. Ang isa pang babaeng minsang naging bahagi na ng buhay ni Jom ay si Ara Mina, na ang peg pa rin yata sa lalaking gustong mahalin ay yung gaya ni Jom. Take note, kaya nasabi ni Ara na imposibleng mahumaling siya kay Manny Pacquiao gaya sa ibinabalik na mga intriga sa aktres.
Hindi si Polo Ravales ang naging peg ni Ara, na ex-boyfriend din niya, huh! Kung hindi si Jom, kaya ano ang sey ng aktor tungkol dito?
“Ganoon?” at natawa siya. “Well, ako naman ay nagpapasalamat kay Ara dahil diyan, dahil naging maganda naman ang kinahinatnan ng paghihiwalay namin.
“Kahit nga naging maintriga yun, at the end of the day, naging magkaibigan pa rin kami. Kapag nagkakasama kami ni Hazel [Ara], tawanan lang kami nang tawanan.
“Napagtatawanan na lang namin ang mga bagay-bagay na nangyari sa nakaraan. Dapat lang naman na makapag-move on na kami.
“Kaya lang naman nasasabi ni Hazel yun, dahil siguro napuno na siya sa mga intriga. Idol ko rin naman si Pacman, pero kung nasabi ni Hazel yun, flattered talaga ako, at maraming salamat.
“Pero, magkano na ba ang cloning ngayon? Mga dalawang milyong dolyar ba?
“Seriously speaking, I only wish the best for Hazel, at sana, matagpuan din niya yung guy na para talaga sa kanya. Mag-enjoy lang sana siya. We’re really good friends naman, at tuwing nagkikita kami, puro asaran lang,” naipagtapat na lang ni Jom.
PEP




