More Recent News

Martin Nievera reveals plan to hold a concert with ex-wife Pops Fernandez

martin_nievera.JPG

Hindi tahasang nilinaw ng Concert King na si Martin Nievera kung may katotohanan ang kumakalat na balita na nagkakalabuan na diumano sila ng partner nito na Katrina Ojeda.

Sa isang interview na ipinalabas ng Entertainment Live! kahapon, October 11 ay ikinuwento ni Martin na nito lamang ay magkasama sila ni Katrina at ng kanilang anak na si Santino.

“Katrina’s fine,” bungad ni Martin. “I was just with her and the baby. To see them together is poetry.”

Bagama’t positibo ang nabanggit na pahayag ay marami naman ang naguluhan sa kasunod na sinabi ni Martin. Inamin ng veteran singer-performer na magulo ang kanyang isip sa kasalukuyan, ngunit hindi naman nito tinukoy kung ano ang eksaktong dahilan.

Sabi ni Martin: “My private life is really so confusing right now. And I’m in the state where I really don’t know if I’m doing the right thing, if I’m really in the right place. It was nice to see them [Katrina and Santino] but now I’m back to work.”

Sa kabilang banda naman ay masayang ibinalita ni Martin na maayos na ulit ang relasyon niya sa kanyang ex-wife na si Pops Fernandez matapos ang ilang hindi pagkakaintindihan. Dumating pa nga sa punto na, bagama’t hindi naman nila parehong sinasadya ay nagpalitan sila ng maaanghang na salita laban sa isa’t isa sa pamamagitan ng ilang interviews na kanilang pinaunlakan.

At bilang ebidensya na maayos na ulit ang kanilang relasyon bilang magkaibigan ay mapapanood sina Martin and Pops kasama ang kanilang mga anak na sina Robin at Ram sa latest music video ni Martin. Hindi nalalayo ang concept ng video sa Christmas theme ng bagong album ni Martin.

“She loved the idea,” kuwento ni Martin nang mapag-usapan kung ano ang reaksyon ni Pops nang alukin na lumabas sa kanyang video. “They liked the concept that this was a family.”

May masayang balita din si Martin para sa mga fans nila ni Pops. Ayon kay Martin, may posibilidad na mag-concert ulit sila ni Pops na magkasama para sa Valentines next year.

Si Martin daw ang unang nag-suggest kay Pops na magsama sila ulit sa isang malaking concert.

“Hey would you like to do shows together again?” tanong daw ni Martin kay Pops. “We should work together again soon.”

Dahil nga daw dun ay tuluyan nang nakalimutan ng dalawa kung ano mang hidwaan meron sila.

“That broke the ice,” sambit ni Martin, “parang nakalimutan lahat.”

PEP

Related Posts with Thumbnails
«
»

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com