Lovi Poe denies report that Jolo Revilla bought 100 tickets for her concert
At 19, Lourdes Virginia Poe, or more popularly known as Lovi Poe, has blossomed into a woman, hence, the title of her second album and the title of her first major solo concert is Bloom. This will be held on October 16, Thursday, at Music Museum.
Nakausap si Lovi kagabi, October 12, sa Penthouse ng Imperial Palace Suites, kasama ang manager niyang si Leo Dominguez.
Iba-ibang type of songs daw ang bubuo sa repertoire ni Lovi. Ano ang feeling na magkakaroon na siya ng solo concert?
“Nervous and excited. Kasi nga po, first solo concert ko ito, and I’m happy na pumayag pong mag-guest sa akin si Kuya Ogie [Alcasid], Dennis Trillo, Jay-R, Jan Nieto, at si Aljur Abrenica. All boys po ang guests ko sa concert,” kuwento ni Lovi.
Bakit kasama si Aljur Abrenica, pero wala si Marky Cielo na paborito niyang leading man?
“Ni-request ko po si Marky, para sana may dance number kami. Pero ang SonyBMG po ang pumili kay Aljur, kasi may duet kami sa latest album ko sa kanila, ang ‘Save The Sunlight’ na kakantahin din namin sa concert,” paliwanag ng young singer-actress.
Iba-iba ang type ng songs na bubuo sa repertoire ni Lovi. May mellow songs, pop, jazz, na magpapakita raw ng different sides of her.
May number ba siya para sa daddy niya, the late Fernando Poe, Jr.?
“Surprise po kung may song ako dedicated to my dad. Sana po manood kayo para malaman ninyo. May mga songs po ako from my two albums na kakantahin ko sa concert,” ani Lovi.
Bloom is produced by Dream Concept Asia in cooperation with GMA-7 and Regal Films. It is directed by Joven Tan with Eric Naravez as musical director. For tickets, please call 891-9999.
Na-confine pala recently si Lovi dahil sa overfatigue. Bukod sa paghahanda niya sa concert, patuloy rin siya sa pag-aaral niya.
A high school graduate from Colegio de San Agustin in 2006, she’s a first year college, taking up Psychology sa Miriam College with 12 units load at full load naman siya sa Business Management sa International Business School (IBS) in Makati. Hindi raw mahigpit ang IBS dahil naiintindihan nila ang pagiging artista and singer niya.
“Gusto ko pong magkaroon ng business na clothing line at magtayo ng Filipino restaurant. Maganda po sa IBS, puwede ka nang magtayo ng business habang nag-aaral ka at hands-on sila sa pagtulong sa iyo.”
Nakatapos na rin ng isang indie film si Lovi, ang Walang Hanggang Paalam katambal sina Joem Bascon at Jacky Woo, sa direksiyon ni Paolo Villaluna. May kissing scene daw sila ni Joem, pero very natural daw ang eksenang ‘yon.
Kasama rin si Lovi sa dramedy na La Lola ng GMA-7 at magsisimula pa lamang siyang mag-taping.
ON JOLO REVILLA. Natawa naman si Lovi sa biro ng publicist niyang si Jun Lalin na bumili raw si Jolo Revilla ng 100 tickets kaya wala nang mabiling tickets sa concert niya sa Ticketnet.
“Hindi naman po totoo ‘yon,” nakangiting wika ni Lovi. “Pero thankful po ako sa suporta ni Jolo sa aking concert.”
Iyon ba ang reason kung bakit nagbu-bloom siya?
“Hindi naman po,” sagot niya. “Siguro po nagbu-bloom ako dahil I’m okay and happy sa mga nangyayari sa akin ngayon. Dream come true nga po sa akin ang concert kong ito.”
Wala bang offer na magtambal sila muli ni Jolo pagkatapos ng Kaputol Ng Isang Awit? Okey lang ba sa kanyang makatrabaho muli si Jolo?
“Wala pa pong bagong offer. Pero okey lang po sa akin na makatrabaho muli si Jolo,” nakangiting sagot ni Lovi.
Kumusta naman sila ni Jolo ngayon?
“We’re friends pa rin po ni Jolo. Ayoko na pong palakihin pa ang mga issues. Wala naman po akong masasabi against him. All I can say is he’s a good person,” saad ni Lovi.
Dumalaw ba siya sa lolo ni Jolo na si former Senator Ramon Revilla, na naka-confine ngayon sa St. Luke’s Medical Center?
“Nagpadala lang po ako ng flowers and get-well card,” wika ni Lovi.
PEP

Popularity: 23% [?]

















