banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Angelica Panganiban happy with her Villain of the Year award

angelica_panganiban.JPG

Mag-isang dumating si Angelica Panganiban noong Friday night sa Embassy Bar para sa Supreme to the Extreme Awards.  Nakausap ng si Angelica bago pa ang awards night kaya wala pa siyang masyadong masabi sa mapapanalunang award.

It turned out na ang Villain of the Year award pala ang mapapanalunan niya dahil sa primetime series nilang Iisa Pa Lamang. Pero may ideya na rin siya bago pa man pumunta na sa pagiging kontrabida raw niya siya na-recognize.

“Parang tungkol sa pag-aapi ko yata. Actually, nagulat ako. Akala ko hindi siya totoo.  ‘Tapos, yun, totoo pala siya. Siyempre, happy…sobrang happy,” nakangiti niyang sabi.

How did she feel na yung character na ginagampanan niya sa Iisa Pa Lamang ay tumatatak talaga?

“Siyempre, tuwang-tuwa ako. Ang tagal kong hinintay ang ganito kalaking break. Mabigyan lang ako ng tamang project, sabi ko talaga, ibubuhos ko talaga ang lahat ng naipon kong gigil, di ba?

“Ngayon na dumating na, talaga namang best in effort naman ako. Sana yun ang mapanalunan kong award,” natatawa pa niyang sabi.

Hindi ba siya natatakot na baka matype-cast na nga siya nang tuluyan sa mga villain roles, especially, now na binigyan pa siya ng award na may kaugnayan dito?

“Hindi naman, kasi wala namang taong nagalit sa akin. Actually, yun ang kinatakot ko. Pero lahat ng tao kasi, kapag ‘gray’ kasi ang character mo, minsan, kumakapit talaga ang mga tao, mas maraming nakaka-relate, di ba?”

Wala pa naman daw point na may bata or taong nagalit sa kanya.  Kung dumating man daw yung point na yun, may ibang pananaw na si Angelica rito.

“Sabi nga nila, di ba, it only means na effective ang ginagawa mo.”

 

JEALOUS OF JUDAY? Nasa Bacolod daw ang boyfriend niyang si Derek Ramsay kung kaya’t hindi niya ito nakasama that night.  Pero nilinaw nga ni Angelica na walang katotohanan ang isyung pinagseselosan niya ang leading lady ni Derek sa bago nitong soap na si Judy Ann Santos.

“Uy, hindi, ha…ano ba? Ikakasal na si Ate Juday,” sey niya. “Never na naging isyu yun, never talaga…”

Siya na rin ang nagsabi ng posibleng dahilan kung bakit daw siguro sila naiintriga ni Juday.

“Siguro kasi, mag-aaral na ako ng culinary arts. May school na kumuha sa akin para mag-endorse ng school nila. Kapalit nu’n, mag-aaral ako sa Global Innovative.”

Supportive naman daw si Derek sa pag-aaral niya.

“Actually, gusto nga rin niyang sumama at mag-aral. So, hindi talaga totoo yung isyu na yun. Si Ate Juday pa ba naman ang pagseselosan ko,” natatawa na lang niyang pahayag.



Text Link Ads


Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.
Stumble it!