banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Joross Gamboa’s laptop allegedly stolen by trusted masseuse

joross_gamboa.JPG

Strike two na si Joross Gamboa sa usaping nakawan.

Nabalita kamakailan na bukod kay Jennylyn Mercado, nanakawan din si Joross ng sinasabing handler ng bagong manager niyang si Becky Aguila. Pero ayon kay Joross, maliit na halaga lang naman daw ang nakuha sa kanya ng handler na nagngangalang Mel at kikitain pa rin naman daw niya ang perang nanakaw sa kanya. Kaya nga hindi na lang daw niya ito masyadong iniisip.

Pero nitong apat na araw na ang nakaraan, hindi na lang pera ang nanakaw kay Joross.

This time, ang personal computer niya sa mismong loob ng bahay nila sa B.F. Homes, Paranaque, ang nakuha sa kanya. Kilala pa man din ng pamilya ni Joross ang suspect sa pagnanakaw.

Ang masahista raw ng pamilya nila for two years ang pinaghihinalaan nilang nagnakaw ng kanyang laptop.

Linda ang pangalan ng kanilang masahista na taga-Laguna. May mga pagkakataon daw talaga na sa bahay na nila ito pinapatulog lalo na’t kung inaabot na ito ng gabi. Kadalasan, madaling-araw na raw kung ito ay umalis at umuwi.

Naniniwala ang mommy ni Joross, si Monet Gamboa, na may kasalanan din siya sa nangyari dahil sa naging sobrang pagtitiwala niya rito. Since two years na nga raw labas-masok sa kanilang bahay si Linda, kaya’t pinagkatiwalaan na nila.

Although, in the past two years, may mga ilang gamit na raw si Joross na nawawala, tulad ng mga mamahaling shades or shirts nito, hindi raw nila inisip o pinaghinalaan na baka ang masahista nila ang kumukuha. Mas inaakala pa raw nilang na-misplace lang ang mga naturang bagay na nawala.

Pero nitong Martes, October 21 nga, ang mismong laptop na raw ni Joross ang nawala. Tiwalang iniwan daw ito ni Joross sa kanilang dining table pagkatapos gamitin. Laking-gulat na lang daw ng pamilya nang paggising ni Joross kinaumagahan ay wala na ang laptop niya at wala na rin ang masahista.

Isa pang aminadong pagkakamali ng mommy ni Joross ay hindi pagkuha ng kumpletong pangalan ng kanilang masahista. First name lang daw nito ang kanyang natatandaan. Hindi rin daw niya nahingi ang exact address nito. Sinubukan daw nilang kunin ang exact information sa dati nitong pinagtatrabahuhang massage parlor, pero nawala na rin daw ang files nito sa kanila.

Pina-blotter na ng mommy ni Joross ang masahista sa Las Piñas police matapos daw na hindi na nito sagutin ang mga tawag at text messages nila.

Panawagan na nga lang ng mommy ni Joross at ni Joross mismo, sana raw ay makunsensiya ang kanilang masahista at isauli ang kinuhang laptop. Importante raw kasi ang naturang laptop kay Joross dahil naglalaman ito ng maraming personal na bagay at impormasyon sa aktor.

Baka nga naman ‘pag ibinenta na ang kanyang laptop ng nagnakaw, kumalat ang mga personal na impormasyon at iba pang bagay-bagay tungkol kay Joross sa publiko.

Nakahanda naman daw silang magbigay ng pera sa masahista kung nangangailangan lang ito ng pera kaya nagawa ang pagnanakaw. Basta ibalik lang ang nanakaw na laptop.

PEP



Text Link Ads


Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.
Stumble it!