Lorna Tolentino to launch “Hope” CD featuring music recordings of celebrity friends
chuvachienes on Uncategorized
Pinangunahan ni Lorna Tolentino ang blessing and opening ng 25th branch ng Flawless sa East Wing ng Robinson’s Galleria, Ortigas Center, kahapon, November 22. Kasama niya ang co-endorsers niya ng Flawless na sina Richard Gutierrez, Mark Herras, Katrina Halili, and PBB Teen Edition 2 winner EJ Falcon. In-introduce din nila ang promo nilang “Facial of the Stars” na ang clients nila sa lahat ng branches ay tatanggap ng services
ng personal facialists of the stars. Tatagal ito up to December 31 at may winners na tatanggap ng all-expense paid vacation for two sa Boracay.
NO BIRTHDAY PARTY FOR LT. After the blessing, nagkaroon ng chance na kumustahin si Lorna after almost six months nang yumao ang husband niyang si Rudy (Fernandez). Napansin kasi, na sa kabila ng pagiging maganda ni Lorna, may lungkot pa rin sa kanyang mga mata. Malapit na ang Christmas, ano ba ang plano niya at ng mga anak niyang sina Raphe and Renz?
“Definitely, wala akong birthday party sa birthday ko sa December 23,” nakangiting wika ni Lorna. “Pero si Raphe, baka magpaabot kami ng 12:00 midnight sa December 18, sa The Heritage Park. Ganoon din ang ginawa namin noong birthday ni Renz last September 8, doon niya sinalubong ang birthday niya. Hindi pa tapos iyong mausoleum na ipinagagawa ko, pero bubuhusan na ang second floor nito. Hindi naman ako
nagpalagay ng room, may roof deck lang iyon at may loft, kung gusto naming mag-stay doon, pwede.”
May time ba na nagparamdam si Rudy sa kanya?
“Wala naman, hindi siya nagpaparamdam, hindi ko rin siya napapanaginipan,” wika pa ni Lorna. “Doon nga ako natutulog sa side na tinutulugan niya noon, pero wala. Kung minsan naman, nanonood lamang ako ng TV, ‘tapos mapapansin ko, umaga na pala. Wala, wala akong nararamdaman.”
TAKING CARE OF WHAT DABOY LEFT BEHIND. How true na ibebenta niya ang bahay nila sa White Plains?
“No, hindi totoo. Wala akong balak ibenta iyon. Ang balak ko, magpatayo ng bagong bahay, doon din sa White Plains, ‘tapos pauupahan ko ang dati naming bahay. Pero matagal pa siguro iyon, magtatrabaho muna ako.”
Naayos na ba niya ang mga gamit ni Rudy?
“Hindi pa, hindi ko pa binubuksan iyong mga gamit niya, hindi ko pa inaayos, hindi ko pa rin kaya,” may lungkot na wika ni Lorna.
Dapat pala last week, pumirma na ng contract si Lorna sa ABS-CBN, para sa bagong teleserye na gagawin niya, pero hindi pa iyon natuloy.
“Sa Wednesday, November 26 na matutuloy ang contract signing ko,” paglilinaw ni Lorna. “May inaayos pa kasi si Inang [Director Olive Lamasan] sa script. Binasa niya kasi, mayroon daw siyang gustong baguhin. Kaya hindi pa rin sure kung sinu-sino ang
makakasama ko sa teleserye. Una kasi, sabi nila si Gabby Concepcion, then, nagkaroon na ng Albert Martinez, may Christopher de Leon pa, kaya hindi ko alam kung kasama ko silang tatlo. Basta ngayon, si Gabby pa lang ang sure.
“Hindi ko pa rin alam kung kailan kami mag-i-start dahil wala pa ngang casting at si Gabby ay sa January, 2009 pa babalik from the States, nagbabakasyon siya roon.”
May gagawin na rin ba siyang movie sa Star Cinema?
“Wala pa, hindi pa kami nakikipag-usap ni Nanay Lolit [Solis] sa Star Cinema.”
HOPE. Natawa si Lorna nang tanungin ng PEP kung may birthday wish ba siya?
“Ang birthday wish ko, mag-platinum agad ang Hope CD na ginagawa ko,”
nangingiting sagot ni Lorna. “Bukas, November 24, ilo-launch ko na
ang album sa Boy & Kris at 10:30 a.m., live iyon. Eleven cuts ito: ang epilogue ko para sa album, then ang song kong “Far From Home,” “Special Memory” of Sharon
Cuneta, “Doon Lang” nina Senators Jinggoy Estrada and Bong Revilla and Phillip Salvador, “Stand By Me” nina Christopher de Leon, Ricky Davao and Edgar Mortiz, “Awit ni Daboy” ni Tirso Cruz III, “I Will Be Here” ni Piolo Pascual, “Ikaw Lamang” ni Gary
Valenciano. Ako rin ang kumanta ng “Kalooban Mo” and extro, narration ko.” Ang proceeds nito, ilalaan ko sa Rudy Fernandez Foundation.”
NO CHRISTMAS, NO NEW YEAR. So, paano nila isi-celebrate ang Christmas?
“Kung pwede nga lang wala nang December 25 at January 1,” medyo malungkot na wika na ni Lorna. “Depende na rin sa mga bata, baka sa Wack-Wack Country Club kami sa December 24, kasi iyon na ang nakaugalian namin noong kasama pa namin si Rudy. Kapag January 1 naman, family reunion namin iyon, dumarating sa bahay lahat ng members ng family, sama-sama kaming kumakain at nagsasaya, nagpapa-cater pa kami, at sina Rudy, nagsisindi ng mga fireworks. Ngayon, wala na lang, hindi namin
magagawa iyon nang wala na siya.
“But life will go on, ayaw ni Rudy na nalulungkot ako, ayaw niya akong umiiyak. Ang mga bata, very supportive naman sa akin. Si Raphe, may ginagawa siyang short film para sa Mowelfund, si Renz, busy sa school niya na two years na lang, tapos na niya ang
Interdisciplinary Studies niya, major in Philosophy sa University of the Philippines. At bukod sa teleseryeng sisimulan ko, magiging busy pa rin ako sa advocacy ko to help the cancer patients.”










