More Recent News

Sen. Francis “Kiko” Pangilinan proud of KC Concepcion’s advocacies

kiko_pangilinan_for_president.JPG

(Chuva Insert – KIKO PANGILINAN FOR PRESIDENT 2010!!!)

Isa sa isyung patuloy na ipinupukol sa relasyong Sen. Francis “Kiko” Panngilinan at Sharon Cuneta ay ang pagiging “on the rocks” na raw ng pagsasama nilang dalawa.

Humantong pa nga ang isyung ito sa paghahamon ng Megastar na magbibigay siya ng P10 milyon sa kung sinumang makapagpapatunay na may babae talaga ang asawa at may anak, gaya ng noon pang usap-usapan. At hindi pa man humuhupa nang tuluyan ang isyung hiwalayan ay nasundan agad ito ng tsismis na hindi naging maganda ang Carribean cruise ng pamilya Pangilinan upang makalayo sa mga intriga sa kanila sa showbiz.

IT’S ALL POLITICS. Sa panayam sa Cinema News Weekend Alert kay Sen. Kiko last Dec. 16 sa 6th TAYO (Ten Accomplished Youth Organizations) Awards, kung
saan member ng panel of judges ang senador, ay nagbigay ito ng pahayag sa mga isyung patuloy na kumukuwestyon sa pagsasama nila ng Megastar.

“Alam mo, sa palagay ko walang tigil ‘yan, kasi walang tigil yung intriga sa pulitika.  Maya’t maya ibabalik. Sa atin dapat siguro matuto yung mga nagkakalat ng mga walang-katotohanan na it’s not working.  If you think speading rumors will bring me down, obviously, it’s not working. So, sana matuto na sila na hindi nagagawa yung layunin nila.  Obviously, it [separation rumor] is politically motivated.”

Dahil din sa mga negatibong isyu ay may ilan tuloy na nag-iisip na womanizer o babaero talaga si Sen. Kiko.

“Alam mo sa pulitika, ganun, e, marumi.  Ang ano lang natin, alam naman natin na di totoo. Ang katotohanan ay lalabas din sa huli.”

Sa nakaraang isyu na nagsasabing muntik nang magkahiwalay sina Sen. Kiko at Sharon ay naghamon na ang Megastar na handa siyang magbigay ng P10M sa sinumang makapagbibigay ng ebidensiya na may mistress at may mga anak nga sa ibang babae ang senador. Para kay Sen. Kiko, ay mas mabuti pang ang asawa na lang ang tanungin tungkol dito.

“Siya ang tanungin ninyo kung ano ang feeling niya tungkol dun. As far as I’m concerned, ganyan naman talaga, kasama sa pulitika ang paninira. Nakalungkot mang isipin, but I believe in the end, the truth will come out.  Lalabas at lalabas din ‘yan.”

PG-13 DETAILS. Nang tanungin kung ano nga ang nangyari sa Carribean
cruise ng kanilang pamilya, masaya ang description na ibinigay sa amin ni Sen. Kiko.

“Basta masaya, nakakatuwa. Yung detalye, sa amin na lang yun. PG-13, e.”

Hiningan din namin ng mensahe ang senador para naman sa mga taong patuloy na sumusuporta at naniniwala na maayos ang pagsasama nila ng asawa.

“Ako ay patuloy na nagpapasalamat sa pagmamahal ninyo sa akin, lalo na kina Sharon at KC [Concepcion]. At ang kanilang panalangin sa amin, mahalaga ang kanilang panalangin , di biro ang aming sitwasyon. Kumplikado ang pulitika, kumplikado ang show business ngunit dahil
na rin sa tiwala sa Diyos at pagmamahal namin sa isa’t isa, patay na patay pa rin kami sa isa’t isa.

“I thank those who have been praying for us, for those who have been supporting us all through these years, nakakataba po ng puso na nariyan pa rin kayo.”

PROUD OF KC. Known to be a supportive and loving stepdad to KC, nagpahayag si Sen. Kiko ng labis na kasiyahan sa aktibidades ni KC bilang Ambassador Against Hunger ng United Nations sa Pilipinas at sa pagdalo nito recently Clinton Global Initiative Asia. Masaya rin ang senador na aktibo sa pagtulong sa mga foundations at mga nangangailangan si KC. Sa TAYO nga ay isa sa naging presentor ng awards ang aktres.

“Siyempre, di natin maiiwasang matuwa at maging very proud gaya nga dito sa TAYO, kung saan isa rin  siya sa board members. Ine-encourage naman siya na mag-participate at maging involved para makita niya kung anu-ano ang mga ginagawa ng mga kabataan sa iba’t ibang lugar. I’m very proud of her advocacies, malaking bagay na ang mga kabataan natin ngayon, binibigyang halaga ang ating komunidad at ang ating bansa.

“Sa akin kasi molde na niya ‘yan kasi yung lolo niya, my father-in-law, half a decade ‘yan sa public service. Nasa dugo na ni KC ang pagtulong.”

CELERATING CHRISTMAS. Ang selebrasyon ng Pasko para kay Sen. Kiko ay ang tradisyonal pa ring paraan kung saan ang sentro pa rin nito ay ang pamilya.

“Christmas Eve is usually with the Cunetas, ever since Sharon and I got married. Christmas day with Pangilinan side naman.  We have our gift- giving sa amin.  It’s a family tradition and keeping the tradition, that’s our celebration.”

Related Posts with Thumbnails
«
»

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com