“Maalaala Mo Kaya” stint rekindles Jake Cuenca and Roxanne Guinoo’s friendship
Bukas ng gabi, January 3, ay mapapanood na ang episode ng Maalaala Mo Kaya, tampok ang former lovers na sina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca.
Bagama’t parehong professional ang dalawa pagdating sa kanilang trabaho ay aminado naman si Jake na nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila ni Roxanne noong first taping day. Hindi naman kaila sa publiko na hindi naging maayos ang paghihiwalay ng dating magkasintahan na nasundan pa diumano ng isang pagtatalo sa Guam.
“Siyempre may konting ilangan sa simula pero true enough ‘yong first two sequences, ‘yong first sequence kissing scene, ‘yong second scene parang bed scene. So, when we got that out of the way, nung nagawa na namin ‘yong dalawang eksena ‘yon na smooth sailing na the whole time,” kuwento ni Jake nang makausap ito at ilan pang entertainment reporters noong December 30 sa CRIBS Foundation sa Marikina City kung saan nagdiwang siya ng kanyang 21st birthday.
THANKFUL FOR THE OPPORTUNITY. Malaki ang pasasalamat ni Jake sa country’s longest running drama anthology series dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kanila ni Roxanne para makapag-usap nang maayos at maplantsa kung anumang unresolved issues meron sila. Magaan na raw ngayon ang pakiramdam ni Jake sa pagsisimula ng 2009.
Enjoy si Jake na ka-trabaho si Roxanne at umaasa ang batang aktor na muling magkakasama sila sa ibang future projects.
“Ako, sa totoo lang, nabitin nga ako, e,” pahayag ni Jake na may panghihinayang. “Parang sa totoo lang, I wish we could do something ulit in the future kasi talagang nung nagkatinginan kami nung ginawa na namin ‘yong huling sequence, nagkatingan kami. Bitin talaga and sana maulit.”
Dahil mag-asawa ang papel na ginampanan ay hindi maiiwasang magkaroon ng intimate scenes ang dalawa, bagay naman na sinang-ayunan ni Jake: “Very intimate. Actually, hindi lang ‘yong kiss but very intimate ‘yong mga scenes.”
Hindi ba niya na-miss ang kiss ni Roxanne sa tunay na buhay?
“Siyempre nakaka-miss ‘yong kiss,” nangingiting sagot ni Jake. “Pero ano naman ‘yon, pagdating sa eksena, and I consider the both of us very professional, kasi pagdating sa roles namin, pagdating namin sa set hindi ako si Jake, hindi siya si Roxanne. So, siyempre, when we were in the moment that was the moment of the two characters not Jake and Roxanne.”
Dahil maayos na ulit ang relasyon ng dalawa at open na ulit ang communication lines ay may posibilidad kaya na muling manumbalik ang kanilang matamis na pagtitinginan?
“Sa ‘kin naman the most valuable thing for me is friendship. And to be honest, I’m very happy with what happened in MMK. Masaya ko dahil nag-usap kami ni Roxanne. I really value her friendship,” paliwanag ni Jake.












