More Recent News

  • Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

    Chemistry.com

  • Recent Chorvas


  • View My Stats
  • Advertise here

  • Follow Chuva Chienes on Facebook

Rachelle Ann Go finds new love in Gab Valenciano

rachel_ann_go

Kitang-kita sa ngiti at pagkislap ng mga mata ng Ultimate Champion na si Rachelle Ann Go na in love siya. Hindi naman itinatanggi ng dalaga ang relasyon nila ng kasamahan niya sa ASAP ’09 na si Gab Valenciano, anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

Dahil may bago na siyang pag-ibig, nagawa na ring magkuwento ni Rachelle sa naging pagtatapos ng relasyon nila ng kapwa niya singer na si Christian Bautista. Para kay Rachelle, past na raw ‘yon at more than a year na silang wala ni Christian. Wala naman daw issue sa present boyfriend niyang si Gab kung pag-usapan man ang kanyang ex-boyfriend.

Ayon kay Rachelle, ang naging dahilan ng paghiwalay nila ni Christian ay ang maraming bagay na hindi nila napagkasunduan. Nabanggit pa nga niya na on-and-off ang two-year relationship nila ni Christian dahil hindi sila magkasundo.

“We tried working on it for a long time,” sabi ni Rachelle. “Hindi lang talaga kami nag-jive sa ibang bagay. It wasn’t working talaga. Though they see us na okay in front of the cameras, nagiging professional naman kami sa trabaho.

“Napagkasunduan namin na kesa naman tumagal pa ang mga differences namin, nag-decide kami ni Christian to end it at maging friends na lang kami. Sa totoo lang, mas okay kami as friends. Mas nagkakaintindihan kami ngayon kesa noong may relasyon kami.”

Isa pa raw sa naging dahilan ay ang kakulangan nila ng oras at panahon sa isa’t isa. Kahit nga napapanood silang dalawa sa ASAP tuwing Linggo, mas marami raw ang time na hindi nila nakikita ang isa’t isa.

“Tuwing ASAP lang naman kami talaga nagkakasama nang matagal ni Christian,” banggit ng female singer. “After naman no’n, sa mga shows na lang kami ulit kami nagkakasama. Most of the time, may sarili siyang trabaho at ako rin naman.

“Kung sa two years namin, mas marami ang time na magkalayo kami talaga kesa sa magkasama. I guess isa rin yun sa nakaapekto sa amin. Kaya we really talked about it at nag-decide kaming to let go of the relationship and be friends na lang. Like what I said, mas naging maayos kaming dalawa.”

IN LOVE WITH GAB. Ngayon, ang ngiti ni Rachelle ay mula sa magkabilang tenga dahil may bago na siyang inspirasyon sa katauhan ni Gab Valenciano. Tamang-tama nga ang title ng concert ni Rachelle na Falling In Love dahil in love nga siya ngayon.

Fresh na fresh nga ang relasyon ni Rachelle kay Gab na nitong nakaraang December 2008 na naganap. Inamin ni Rachelle na noong una ay hindi sila nagpapansinan ni Gab. Kapag nagkakasalubong daw sila ni Gab sa hallways ng ABS-CBN, hindi raw sila nagbabatian man lang.

“Akala ko kasi noon, mayabang si Gab,” ngiti ni Rachelle. “Kasi nga sa porma niya and the way he talks to people. Yung parang mayabang talaga. Tapos anak pa siya ni Gary V., kaya siguro naiisip ko na sobra ang confidence ng taong ito.

“But when I got to know him na, mahiyain din pala siya. ‘Tsaka hindi naman siya mayabang. Gano’n lang daw siya magsalita. I guess na-develop lang ang friendship namin noong parati na kaming magkasama sa production numbers sa ASAP. Tapos nakakasama ko pa madalas ang father niya kaya mas nakilala ko si Gab.”

Dagdag niya, “Bagung-bago pa lang kami ni Gab kaya medyo nag-a-adjust pa ako sa mga pagbati ng mga tao sa akin. It feels good and I’m very happy sa nangyayari ngayon.”

Noong Pasko ay niregaluhan daw ni Gab si Rachelle ng MacBook laptop. Ang iniregalo naman ni Rachelle ay isang computer chair na gustung-gustong bilhin ni Gab bago pa naging sila.

“Pina-reserve ko talaga yung computer chair kasi gusto niyang bilhin noon pa. Noong ipinakita niya sa akin, pinigilan ko siyang bilhin. Sinabi ko na ang mahal-mahal naman no’n. Maghanap na lang siya ng less expensive. Tapos noong Christmas, kasama ko ang mommy ni Gab na naglagay sa kuwarto niya. Kaya noong pag-uwi niya noong Christmas, nakita na niya sa room niya at tuwang-tuwa siya.”

Pinabulaanan naman ni Rachelle ang balitang hindi raw siya gusto ng mommy ni Gab. Natawa na lang si Rachelle dahil magkasundo raw sila ni Ms. Angeli.

“Nagulat ako kasi hindi naman totoo ‘yon,” sabi ni Rachelle. ” Noong una siyempre, naiilang pa ako. Nahihiya ako sa mommy ni Gab. Pero Tita Angeli made me feel na I was part of their family. Noong magkaroon kami ng time na magkausap na dalawa, she was open naman to me at na-appreciate ko ‘yon.

“In fact noong Christmas Day nga, nandoon kami ng family ko sa house nila Gab. They invited us for dinner at wala namang problema. Nag-bonding kaming lahat. My parents naman noong una, hindi nila gusto si Gab. Hindi pa kasi nila kilala. Noong mag-effort si Gab na makilala ang parents ko, nabaitan sila sa kanya. Kaya okey ang both families sa amin ni Gab.”

PRE-VALENTINE CONCERT. Sa January 30 and 31 na ang pre-Valentine concert na Falling In Love ni Rachelle Ann Go sa Music Museum. Kasabay rin nito ang launch ng bagong album ni Rachelle with the same title under Viva Records.

Produced by Viva Concerts and Events, special guests niya sina Gab at Christian, with Ogie Alcasid and Richard Poon.

Related Posts with Thumbnails
«
»

Comments

One Response to “Rachelle Ann Go finds new love in Gab Valenciano”

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...


Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge
Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com