Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Survivor castaway John Lopez plays leading man of Rochelle Pangilinan in new season of Daisy Siete

john_lopez

Nakausap  ang dating Survivor Philippines castaway na si John Lopez sa presscon ng Season 21 ng Daisy Siete, na may pamagat na “Tarzariray: Amazonang Kikay” noong Lunes, January 12. Si John ang leading man ni Rochelle Pangilinan sa bagong episode na mapapanood sa dating timeslot nito pagkatapos ng Eat Bulaga! simula sa Lunes, January 19.

Tuwang-tuwa at may kasamang gulat si John sa pagkakapili sa kanyang makapareha ni Rochelle. Lalo’t alam niya na ang first choice sa role na napunta sa kanya ay si JC Tiuseco, ang kauna-unahang Pinoy Sole Survivor ng Survivor Philippines. Na-consider din si Paolo Contis bago mapili si John.

“Nagpapasalamat ako sa Focus E sa chance na ibinigay sa akin na muling umarte,” sambit ni John. “Sa Dear Friend ako unang nag-guest kasama si Nikki [Dacullo, another Survivor castaway] at nagustuhan ko naman. Nagwo-workshop ako ngayon under Jules Dacanay para hindi ako mapahiya sa SexBomb Girls, kay Ms. Joy [Cancio], at sa viewers ng Daisy Siete.”

LOVE TEAM WITH ROCHELLE. Bukod sa kakaibang istorya, ang love team nina John at Rochelle ang ibinibenta ng “Tarzariray.” Malaking tulong para mabilis umingay ang kanilang tambalan ang pagiging open ng dalaga na crush niya si John at talagang kinikilig ito sa kanya. Sa harap ng press, tinawag ni Rochelle na “baby” si John na ipinag-blush ng modelo.

Ano ang masasabi niya rito?

“Nagulat ako, masaya at flattered na ang isang maganda, magaling umarte’t sumayaw na dalaga ay crush ako,” sabi ni John.

Wala raw girlfriend si John sa ngayon. May balak ba siyang ligawan si Rochelle?

“As of now, focused ako sa trabaho ko. Kung may chance na magkamabutihan kami, hahayaan ko. Pero hindi ko ipipilit ang sarili ko.”

Ano ang first impression niya kay Rochelle?

“First time kaming nagkita sa taping ng Tok! Tok! Tok! at napansin kong tahimik at mabait siya. Wala lang kaming chance makapag-usap. Sa pictorial ng Daisy Siete kami nakapagkuwentuhan at talagang mabait at masarap siyang kausap. Kikay siya at alam kong mag-e-enjoy akong katrabaho siya.”

Pinuna namin ang poster ng “Tarzariray” dahil sina John at Rochelle lang ang may litrato. Pati ang billing ni John ay ka-level ng pangalan ni Rochelle at magkasing-laki ang letra ng mga ito. Ikinatuwa ito ni John nang husto.

Nakausap din ng PEP si Rochelle sa Mugen Bar, kung saan ginawa ang presscon. Inamin nitong nahiya lang siyang banggitin na si John ang gusto niyang makasama sa gubat halimbawang ma-stranded siya nang totohanan dahil nahiya siya.

“Pero una kong inalam kung may girlfriend siya dahil ayokong may masagasaan ako. Nang malaman kong single siya, inamin kong crush ko siya. Sabi ng ibang SexBomb, may chemistry raw kami at kinikilig din sila sa love team namin,” wika ni Rochelle.

CRUSH ON IZA. Wala ngang girlfriend si John, pero year 2003 pa ay crush na raw niya ang Kapuso star na si Iza Calzado, na gymmate niya. Pinanood daw niya ang Desperadas 1 & 2 dahil kay Iza. Bukod daw sa nagagandahan siya rito ay nagagalingan pa siyang umarte. Walang boyfriend ang aktres ngayon, kaya kailangang bantayan ni Rochelle si John at baka ligawan nito si Iza.

John is 27 years old. May managerial contract siya kay Raul Ramirez, bago pa man siya sumali sa Survivor Philippines. Ramp, print ad at commercial model siya at ngayon ay desididong mag-showbiz. Graduate din siya ng ComSci sa AMA.

Nag-graduate din ng Automotive si John sa Don Bosco at TESDA kaya mahilig siya sa mga sasakyan. Honda Civic at Mitsubishi ang gamit na kotse ni John, pero kung may pera na siya, gusto raw niyang bumili ng BMW, Audi, at ibang luxury cars. Pag-iipunan niya raw ang pambili sa kanyang dream cars at magandang simula ang pagkakasali niya sa Daisy Siete.

SURVIVOR SPOILER? Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni John sa akusasyong siya raw ang spoiler at nagkalat na si JC Tiuseco ang mananalo sa Survivor Philippines. Nalasing daw siya at naikuwento sa mga kainuman kung sino ang winner.

“Unang-una, paano ko sasabihin yun? Paano ako naging spoiler, pang-7th ako sa castaway na na-eliminate? Right after ma-vote out ako, ilang days lang ako nag-stay sa [Koh Tarutao] island at pinabalik na kami sa Manila nina Nikki, Vhev [Gador], at Niña [Ortiz]. Pagbalik ko dito, wala akong nakausap na castaway and no way para malaman ko kung sino ang mga naging Jury at kung sino ang naalis,” paliwanag niya.

Hindi ba siya nasaktan sa akusasyong siya ang spoiler?

“Hindi ako hurt, nagulat lang ako,” sagot ni John. “Bakit ako? On my side, wala akong kasalanan. Hindi rin ako guilty dahil wala akong ginawa.”

BUSY CASTAWAYS. Natutuwa si John dahil magaganda ang nangyayari sa kanilang mga castaway. Si JC ay nasa Unang Hirit, at ang best friend nitong si Jace Flores ay napapanood naman sa Luna Mystika. Si Patani ay nasa Ful House, si Marlon Carmen ay kasama raw sa Totoy Bato, at si John ay kasali sa Daisy Siete. Ang mga walang regular shows sa kanila ay madalas ding mapanood sa mga show ng GMA-7.

Welcome kay John ang pagkakaroon ng Season 2 ng Survivor Philippines. Sigurado raw siyang magiging kasing-successful ito sa Season 1 na kanyang pinanggalingan

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com