More Recent News

Bianca Gonzalez admits dating a non-showbiz guy

bianca_gonzales

When KC Concepcion and director Lino Cayetano broke up last year, inakala ng marami na magkakabalikan na si Direk Lino at ang ex-girlfriend nitong si Bianca Gonzalez, lalo’t nabalita noon na nagkakamabutihan na uli ang dalawa. Nakunan pa nga ang dalawa na magkasama sa isang beach resort sa Singapore, na kahit na sino ay mag-aakala na nagkabalikan na nga sila.

Pero bigla ay nanahimik ang mga balita tungkol kina Bianca at Direk Lino. Balita na nasa United States ngayon ang direktor, samantalang naging bukas naman ang TV host that she’s seeing a non-showbiz guy.

Sa interview  kay Bianca sa dressing room ng Entertainment Live last Saturday, January 17, ipinaliwang niya kung bakit hindi natuloy sa pagbabalikan ang inakalang reconciliation nila ni Direk Lino.

“Regarding Direk Lino, start of last year, when they did break up ni KC, when we became friends again [ni Lino], naging close kami uli. Ang maganda dun sa stage na magkakilala na kami dati, we can talk. We’re saying na hindi naman porke’t pareho kaming single, e, magkakabalikan na kami. Parang, ‘Better ba na hindi na lang tayo or we’re back together?’ So, ang naging ending, better na hindi na kami,” esplika ng TV host.

Any chance for reconciliation?

“Tahimik na kasi kami pareho ngayon,” sagot ni Bianca. “I’m not closing my doors to anything at all, but happy siya sa life niya, happy din ako sa life ko. Yun na muna ang life namin for now. But I’m very, very hapy for him, kasi he’s doing everything he wants to do. Right now, he’s in the States, studying. Rarely nakakapag-communicate kami.”

BIANCA’S NEW GUY. Madalas na niloloko noon ng co-host niya sa Entertainment Live na si Luis Manzano si Bianca na “68 years old” daw ang bagong boyfriend nito. Inamin naman ni Bianca that she is indeed dating, pero hindi naman ito ganun katanda gaya ng laging binibiro sa kanya ni Luis.

“He’s non-showbiz, business. We met through a common friend. Si Luis, niloloko ako, luko-loko talaga yun! Sobrang hindi malayo ang age namin, 30 years old siya!” natatawang depensa ni Bianca.

Dagdag niya, “I can’t tell you anything about him, kasi nga he’s a very, very private person. Saka considering na, yun nga, we’re just getting to know each other. Baka pag masyado akong nagbigay ng details, baka maudlot. Hindi ko rin siya naisasama pa sa mga showbiz gatherings, kasi there’s nothing certain pa kaya rin reserved ako pag pinag-uusapan. Although, Mariel [Rodriguez] has met him, si Luis also.”

“Exclusively dating” ang cliché term na ginagamit ng mga tag-showbiz sa ganitong klase ng relasyon. Aminado si Bianca that this is something new for her.

“I’m not together with anyone now,” sabi niya. “I’m single, pero gaya nga ng sinabi ko before sa E-Live, I’m seeing someone and, so far, happy naman. Exclusively dating yata ang tawag dun. Pero ako kasi, it’s first time for me na parang date. Kasi all my past relationships, ligaw talaga.”

Hindi rin itinago ni Bianca na ang mga heartaches na pinagdaanan niya ang rason kung bakit hindi siya padalus-dalos ngayon sa pagpasok sa isang relasyon.

“Nothing holding back except me. Parang, di ba, pag naransan mo na yung heartaches, gusto mo next time maging mas sure ka? For me, dahil sobrang kakakilala pa lang namin, gusto ko pa talaga na mas kilalanin siya totally.

“Saka bata pa naman ako, I’m only 25, parang hindi pa naman ako natatakot. Pag tinatanong ako, ‘Ilang taon ka na ba?’ Sasabihin ko 25, ‘Oh my God! Take your time, you’re still young. Enjoy life.’”

Sa ngayon ay visible si Bianca sa mga shows ng ABS-CBN, Cinema One, at TV5.

“I do a show for TFC and a show in TV5, yung I Am Ninoy. I have Y Speak [in Studio 23] and E-Live [in ABS-CBN],” banggit ni Bianca. “I’m very happy with all my shows, especially with E-Live kasi naka-one year na yung show. So parang ngayon kami nakapag-form kung ano talaga ang identity ng show. Yung chemistry ng mga hosts, we’re okay na okay. Sobrang enjoy namin every episode talaga.

“Saka dito, lahat kami naggu-grow ng sobra-sobra kasama ang show na ito. Sa pag-handle hindi lang ng mga intriga with other people, pero with us na rin. Sobra din kaming inaalagaan at inaalalayan ng lahat ng mga staff.”

Related Posts with Thumbnails
«
»

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com