Joross Gamboa gets acting tips from Albert Martinez in Beijing
Maaaring sa iba, masasabi nilang hindi ganoon kabongga ang nakaraang taon para kay Joross Gamboa as far as career is concerned. Pero para mismo sa aktor, positibo ang tingin niya rito lalo pa nga raw at lahat naman ng projects na ginawa or nakasama siya ay masasabing tinangkilik ng tao mapa-telebisyon or pelikula man ito.
HAPPY FOR YOU’VE CHANGED MY LIFE. Malaking bagay raw sa kanya na nakasama siya sa box-office hit movie na A Very Special Love at ngayon nga ay nagsu-shooting na siyang muli para sa sequel ng movie na ipapalabas sa February, ang You’ve Changed My Life.
“Happy ako na nakasama ako sa movie. Na kinonsider ako ng Star Cinema na makasama sa movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo at ngayong nagkaroon ng sequel, kasama pa rin kami. Ang pagkakaalam ko, kaming lahat din yata makakasama pa rin sa part two. Ang madaragdag lang yata ay si Rayver Cruz dahil parang magiging triangle na silang tatlo.
“Masaya, kasi, natatandaan ko pa yung shooting namin noong A Very Special… ang saya rin sa set. Hopefully, tulad ng part one, marami pa rin ang manood ng part two, and malay natin, magkaroon pa pala ng part three,” natatawa niyang biro.
SUMPA WITH MOCHA. Dugtong pa niya, “Masaya naman ang 2008 ko. This 2009 naman, may indie movie akong ginawa na sa March pa yata ipapalabas, ito ‘yung Sumpa with Mocha. And sabi ng manager ko, baka may gawin ding soap opera, pero, ayaw na muna niyang sabihin hangga’t hindi pa talaga confirmed.
“Right now, kung ako ang tatanungin, gusto ko talagang i-try lahat ng klase ng characters. Okey sa akin na at this point, parang nasa stage ako na puwede kong i-try kahit na ano, kahit yung mga off-beat roles.”
Tinanong namin si Joross kung bakit masyado yatang naha-highlight yung love scene na ginawa nila ni Mocha for Sumpa?
“It’s a sexy-horror. Actually, first time ko pa nga lang gumawa ng love scene na ganoon. Mas medyo sexy siya kesa sa Eva Fonda. Dalawa kasi yun, e. May ipapalabas sa sine at yung ia-out sa DVD. Yun yata yung ‘director’s cut.’”
How was it working with Mocha?
“Masaya naman…although, first time yata nilang mag-acting. Nabibigyan ko sila ng konting tips at nakukuha naman nila.”
MMK IN BEIJING. Bukod sa bago niyang movie, si Joross din ang mapapanood sa special episode ng Maalaala Mo Kaya sa Sabado, kunsaan, makakasama niya si Albert Martinez, at sa Beijing, China pa sila nag-taping.
Tila Chinese New Year episode na rin daw ito ng MMK.
“First time kong magpunta ng China, hindi pa basta-basta kasi sa Beijing. Nakita ko na yung Great Wall of China. Nakita ko na rin ang Bird’s nest kunsaan nag-Olympics, although, hindi kami nag-shoot doon kasi, ang story na ito, mga 2004 nangyari kaya wala pang Bird’s Nest noon. Yung Great Wall pa lang at saka, Forbidden Kingdom.”
Mga OFW (overseas Filipino workers) raw sila ni Albert Martinez rito. Pero sa part niya, isang challenge na raw sa character niya ang pagiging polio victim pa niya. Pero ayon kay Joross, first time raw niyang makasama sa isang project si Albert at out-of-the-country pa sila kung kaya’t ang dami raw niyang natutunan sa aktor.
“Five days din kami sa Beijing. Dapat four days ang taping namin, pero nakuha namin ng three days kaya may two days kaming lakwatsa. Nakapasyal kami, kaya ang saya!
ACTING TIPS FROM ALBERT. “Idol ko si Albert. Dahil sa kanya, mas naging madali ang pag-arte ko. May iba akong pina-planong atake, pero dahil sa kanya, mas nagiging natural. So, happy ako dahil ang dami ko rin natutunan. Gumimik din kaming dalawa na kaming dalawa lang. Nakakatuwa pa, hindi lang kami ang first time sa Beijing, cast ang crew, lahat, first time sa Beijing.”
Nagkataon pa raw na sobrang lamig noong nasa Beijing sila dahil umbaot daw sa negative 18 ang temperature. In fact, ang suut-suot daw niyang damit ay tatlong thermal, dalawang shirt at dalawang jacket.
Sa kabila ng lahat, puwedeng sabihin na ang maganda kay Joross ay hindi niya binibitawan ang regular schooling niya sa Southville International School taking up Mass Communications.













