Former employee of Belo Clinic is the “missing piece” in Hayden-Vicki breakup
“She’s no longer connected,” ang sabi ng sumagot sa telepono nang tumawag kaninang hapon, January 5, sa Belo Medical Office sa Medical Plaza Building, Makati City, para hanapin si Princess Velasco.
Si Princess Velasco ang “missing piece” sa puzzling breakup nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Si Princess ay dating manager sa Belo Medical Clinic at girlfriend siya ng best friend na doktor ni Hayden.
Lumitaw ang pangalan ni Princess dahil sa mga impormasyon na natanggap ng PEP matapos ipalabas ng Startalk noong Sabado, January 3, ang kanilang exclusive interview kay Hayden. Nadamay ang pangalan ni Princess dahil na rin sa mga pahayag ni Hayden at sa rebelasyon ni Butch Francisco sa Startalk na sangkot din sa breakup nina Dra. Belo at Hayden ang girlfriend ng isang doktor.
Carlene Aguilar makes waves in FHM debut
“Eat your heart out!” Beauty queen-actress Carlene Aguilar says as she makes waves in her very first FHM cover shoot. Dennis Trillo, father of Carlene’s son Calix Andreas, may be doing just that as Carlene shows off her stunning, post-pregnancy figure by posing in a two-piece swimsuit while “swimming” inside a giant aquarium—a concept which Carlene herself chose and marks a first in the history of FHM.
“I just want to experience how it is to pose on a cover of a magazine in a bikini,” says Carlene, who hopes people will give positive feedback on her FHM debut, considering it’s been fairly recent since she gave birth. “Iba pa rin pag nanganak na rin ang isang babae,” she says. “I think kahit mom ka na you should never stop being hot. Taking care of your body shouldn’t end at motherhood.”
Cherry Pie Picache on winning acting awards: “Okay na ako sa prestige, gusto ko rin naman ng cash ngayon.”

Walang naging problema sa set ng Tayong Dalawa sina Cherry Pie Picache at Ms. Helen Gamboa, kahit na magkakontra ang mga characters na ginagampan nila sa bagong teleserye ng ABS-CBN that will start airing on January 19.
“She’s a very pleasant lady, napaka-grasyosa,” pahayag ni Cherry Pie nang makausap sa presscon ng Tayong Dalawa sa Annabel’s resto sa may Tomas Morato Ave., Quezon City noong Sabado, January 3.
”She takes care of all of us, hindi lang yung sa cast, kundi pati na rin ang masisipag na production staff. Kaya naman we all describe her na napaka-gracious. Wala kaming problema. Pagdating naman sa trabaho, objectively, napakasarap din naman niyang katrabaho.
Jolina Magdangal confirms breakup with Bebong Muñoz but keeps mum on the reason
Unang lumabas sa PEP ang kumpirmasyon, sa pamamagitan ng ama ni Jolina Magdangal na si Mr. Jun Magdangal, na break na nga ang anak niya at ng boyfriend nito of eight years na si Bebong Muñoz.
Kahapon naman, ika-4 ng Enero, sa Showbiz Central ay ekslusibong nakapanayam ni Raymond Gutierrez si Jolina, na sinegundahan ang sinabi ng kanyang ama.
Aniya, “Totoo po…totoo yun na wala na kami. At saka, yung pagkakakuwento ni Daddy, hindi naman siya nagkuwento ng agad-agad. Tinanong muna ako ni Daddy kung dapat ko ngang sabihin. So, sabi ko, sige na nga, para na lang matapos na yung… Kasi, yun naman talaga ang pinakatanong nila, e, ‘Totoo bang break o hindi?’ So, ako na po ang nagsasabi, totoo po.”
`Marley & Me’ remains top dog with $24M weekend

LOS ANGELES – Jennifer Aniston, Owen Wilson and their little dog have not lost their box office bite.
The family tale “Marley & Me,” starring Aniston and Wilson as owners of an adorably mischievous pooch, took in $24.1 million to finish as the No. 1 movie for a second-straight weekend, according to studio estimates Sunday.
The 20th Century Fox flick raised its total to $106.5 million since opening Christmas day.
With no new wide releases, the weekend shaped up largely like the previous one, with Disney’s Adam Sandler comedy “Bedtime Stories” in second place with $20.3 million.
Dr. Hayden Kho: “Naglaro ako sa apoy at napaso ako.”
Kahapon, January 3, sa Startalk, muling humarap si Dr. Hayden Kho sa dalawang hosts ng Startalk na sina Ricky Lo at Lolit Solis. Nag-back-to-back nga ang feature ng Startalk kay Hayden at kay Katrina Halili.
PLAY WITH FIRE AND YOU’LL GET BURNED. Unang tanong na ibinato ni Lolit kay Hayden ay kung talagang mahal na mahal niya si Dra. Vicki Belo, ano’t nagawa raw ni Hayden ang magkaroon ng affair sa iba?
“Hindi ko po ano…aaminin ko po, bata po ako, pero, it’s not an excuse. Bata po ako. Naglaro rin ako. Naglaro ako sa apoy at napaso ako.”
Katrina Halili to Doc Hayden: “Kung gusto mong maglinis, ayusin ang buhay mo, huwag mo na ‘kong idawit dito.”
Sa Startalk, kahapon, nakapanayam nga ng exclusive ni Ricky Lo ang maituturing na isa sa pinaka-controversial na young actress bago mag-end ang 2008 dahil sa pagkakasangkot niya sa breakup nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.
INTRIGUE-FILLED CHRISTMAS. Unang naging tanong nga ni Ricky kay Katrina ay kung paano raw siya nag-celebrate ng Pasko na punung-puno ng intriga.
“Siyempre Paskong-pasko po noong sinabi ni Doc Hayden, di ba? Para sa akin, regalo po sa akin yun, e.”
In what sense, Ricky asked?
“E, kasi, yun po ang pinaka-fear ko talaga sa buhay ko. Yun na ang pinakamasama kong ginawa sa buhay ko na kinakatakutan kong lumabas. So, lumabas na siya.”
Watch the Startalk VIDEO after the JUMP
Paolo Contis denies E.B. Babe Lian Paz is his new girlfriend
Tulad ng ibang artista, sa Boracay rin napiling magbakasyon ni Paolo Contis kasama ang kanyang kaibigang si Dingdong Dantes at ang pamilya ng huli. Nakausap din ng Startalk si Paolo while vacationing at this world-renowned vacation spot.
“Ayos! Masaya! Actually, last day na namin ngayong gabi nina Dingdong. So, baka mag-island hopping lang. Relax lang, bago magsimula ang trabaho next year,” pagbabalita ni Paolo nung makausap siya ng Startalk reportorial team a few days before the new year entered.
YEAR-END REPORT (Part 1): A recount of stormy showbiz issues in 2008
Ang showbiz sa taong 2008 ay parang bagyo. Halos buwan-buwan ay umuulan ng mga isyu na kadalasan ay nakagugulat o minsan naman ay nakalulungkot. May panaka-nakang intriga na biglaang natutuldukan. May kalakasan din ang buhos ng kontrobersiya, at ang ilan ay may matindi at matagal na epekto sa mga nasalanta.
That sums up the year that was. It rained hubbub!
Almost every month, there was real-life drama. Almost every week, a strong current of emotions among those involved. Almost daily, an impromptu quotable quote from the newsmakers.
Showbiz news had, in one way or another, helped the Filipinos deal with the oil price hike and looming financial crisis. Instead of talking about our daily problems, we discussed celebrities and their fascinating lives. Instead of fretting over the alarming cost of commodities, we diverted our attention to the continuing saga of hottest issues in the entertainment scene.
“Maalaala Mo Kaya” stint rekindles Jake Cuenca and Roxanne Guinoo’s friendship
Bukas ng gabi, January 3, ay mapapanood na ang episode ng Maalaala Mo Kaya, tampok ang former lovers na sina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca.
Bagama’t parehong professional ang dalawa pagdating sa kanilang trabaho ay aminado naman si Jake na nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila ni Roxanne noong first taping day. Hindi naman kaila sa publiko na hindi naging maayos ang paghihiwalay ng dating magkasintahan na nasundan pa diumano ng isang pagtatalo sa Guam.
“Siyempre may konting ilangan sa simula pero true enough ‘yong first two sequences, ‘yong first sequence kissing scene, ‘yong second scene parang bed scene. So, when we got that out of the way, nung nagawa na namin ‘yong dalawang eksena ‘yon na smooth sailing na the whole time,” kuwento ni Jake nang makausap ito at ilan pang entertainment reporters noong December 30 sa CRIBS Foundation sa Marikina City kung saan nagdiwang siya ng kanyang 21st birthday.










