More Recent News

Ai-ai Delas Alas on winning another award: ‘Okay career ko, walang lovelife, ganu’n talaga’

062709-aiai

Naaliw ang audience sa Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas sa pagtanggap niya ng bagong karangalan sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) sa kanya bilang Comedy Box-Office Queen sa Carlos P. Romulo auditorium sa RCBC Building, Makati City last Sunday. Hindi pa kasi tinatawag ang pangalan ni AiAi ng mga presenters ay tumayo na siya sa kanyang kinauupuan dahil sa sobrang excitement. Kaya pinangatawanan na lang niya ang pagtayo hanggang banggitin ang name niya at lumakad papuntang stage para tanggapin ang kanyang plaque as Comedy Box-Office Queen.

Reynang-reyna ang dating ni AiAi sa stage habang nagpapasalamat sa ibinigay na karangalan sa kanya ng GMMSFI sa kanyang kasuotan na gawa ni Michelle Lim ng Okasyon. “Ginamit ito sa isang fashion show. Tapos nakita ko siya. Sabi ko, ‘yan ang isusuot ko sa Guillermo awards,” kwento ni AiAi paglabas niya ng auditorium. Pang-ilang award na niya ang Comedy Box-Office Queen sa GMMSF, Inc? “Pangatlo,” mabilis na bilang ni AiAi. “Box-Office Queen, tapos Comedy Box-Office Queen at saka Bert ‘Tawa’ Marcelo Achievement award.” May mahihiling pa ba ang isang AiAi delas Alas? “Ah, wala na. Ang patuloy na blessing na sana tangkilikin pa rin ng mga Pilipino ang mga pelikula namin, pelikula ko. ‘Tsaka sana parating ‘yung mga anak ko hindi nagkakasakit at ang pamilya ko.”

via Ai-ai Delas Alas on winning another award: ‘Okay career ko, walang lovelife, ganu’n talaga’ :: ABS-CBN.com.

Related Posts with Thumbnails
«
»

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com