Marco Morales once again shows what he’s got in Big Night

Nararamdaman na siguro ni Marco Morales ang repercussions ng ginagawa niyang paghuhubo’t hubad sa pelikula. Kaya mayroon siyang pahayag na last few movies na lang at mag-iiba na siya ng style.
“Hindi naman dapat kasi na bawat pelikulang gawin ko, kailangan kong magpakita ng ano. Never akong nag-inarte pagdating diyan, because I believe that’s just part of being an actor. I should say that I have to slow down a bit and be more picky.
“Hindi ko masasabing wala na akong tatanggapin na pelikulang may hubaran, ’cause let’s face it, ‘yan ang mga ino-offer sa akin ngayon. I just have to think of a strategy to get through the next level.”













