Diether Ocampo goes back to work after suffering seizure last June

Nag-alala ang mga tagahanga at taong malalapit kay Diether Ocampo nang mabalitaang nagka-seizure ang actor habang nagre-rehearse for the Star Magic Tour in Ontario, California.

Mabuti na lamang at sa pag-uwi niya sa bansa last July 1 ay kinumpirma mismo ng actor na okey na siya at wala nang dapat ikabahala ang publiko sa kanyang kalagayan.

There’s nothing to worry about.  Pahinga lang talaga ang kailangan and taliwas sa mga naunang nai-report na medyo seryoso ang kundisyon, hindi totoo.  I mean, sabi ng doctors kasi pagod, overfatigue lang. Akala ko may kinalaman sa heart ko, nag-worry nga ako, so nung nasa America ako, nagsagawa ang mga doctor ng series of tests. It turned out na negative naman lahat.  May mga cardiologist and neurologist na nagsagawa ng mga tests, siyempre di namin puwedeng balewalain yung mga nangayri kasi baka mag-alala na yung mga tao ‘saka ako rin.

“Nagkasunud-sunod  kasi yung trabaho dahil bago ako umalis, tinapos ko muna yung mga eksena ko sa Only You. Gusto kong makapag-advance din ng episodes bago umalis, and then after that may mga inasikaso din akong mga businesses ko at sa KIDS Foundation, kaya pagdating ko dun medyo jet lag.

“Tapos sunud-sunod yung trabaho. Yung katawan ko di pa nakakapag-adjust sa time zone kaya nanibago yung katawan ko, kaya nag-shutdown.”

“NATAKOT DIN AKO.” Ikinuwento sa amin ni Diet kung saan at kailan nangyari ang kanyang seizure. He even admitted to us na iyak siya nang iyak noong nagkamalay na siya, a second life na dapat ipagpasalamat ni Diet.

“Nakapag-rehearse pa ako the day before the actual show. Nung mismong araw ng show may rehearsal uli, general rehearsal namin. Dun nangyari, sa actual na araw ng show.

“Umiiyak ako the whole time kasi it’s a weird feeling yung na-experience ko, hinding-hindi ko makakalimutan. Natakot din kasi ako. First time na nangyari sa akin kasi malakas ako, imposible na mag-collapse ako nang ganun.  Siguro minsan din, kahit naman siguro sinong tao bibigay din ang katawan kung di natin masyadong iniinda ang mga pagod. Workaholic kasi ako. Kapag wala akong trabaho, naghahanap ako ng magagawa.”

Sa nangyaring ito kay Diet, nabalita na ang ex-wife raw na si Kristine Hermosa ang nag-asikaso at sobra daw nag-alala sa kalagayan ng actor.

“Di ko alam kasi unconscious ako, although alam ko yung mga kasamahan ko sa Star Magic, siyempre ayoko namang mag-alala sila nang ganun dahil di ko naman ginusto yun.  Nagpapasalamat ako sa  mga nag-asikaso sa akin kung sino man ang naging taong involved dun. Kasama yata dun sila Kristine, sila Claudine, sila Tita Monch, ‘saka yung mga kababayan natin dun na tumulong sa akin.  May isa ngang Pinay na nurse dun, si Tita Malou, kakilala yata ni Claudine yun.

“Yung kay Kristine kasi nalalagyan lang ng di magandang kulay yung sa amin.  We’re okey. Sa mga ganitong pagkakataon, maasahan mo kaming dalawa.  Kahit siya ang malagay sa ganung sitwasyon, I will do the same thing kaya nagpapasalamat ako.”

Labis din ang pag-aalala ng current girlfriend ni Diet na si Rema Ostwani.

“Nag-worry din, siyempre, pero okey naman.  Constantly ina-update siya ng brother ko.”

Maging ang kasama sa Only You na si Angel Locsin ay nagpahayag din ng sobrang worry sa sinapit ng kapareha sa nakaraang Thanksgiving party ng aktres.

“Kausap ko siya pagbalik ko.  Sabi ko ready na akong magtrabaho, kahit siya ayaw niya. Magpahinga daw muna ako, ‘wag ko raw pilitin ang katawan ko.”

SECOND OPINION. Nagpahinga si Diet mula nang umuwi siya last July 1 hanggang sa araw na ito.  Balik trabaho siya bukas para sa taping ng Only You.

“Nag-adjust ang production, magpahinga daw muna ako till I’m really okey.  Magsisimula uli akong magtrabaho on Monday, taping ng Only You.”

To make sure, magpapatingin uli dito si Diet for a second opinion.

“May naka-sked din ako dito just to make sure pero di na naman kailangan.  Parang requested ‘yan by Mr. M and Tita Mariolle kasi iba yung doctor dun, di ba? At iba rin ang doctor dito sa atin.  Sabi nila just to make sure, kailangang humingi tayo ng second opinion.”

Nag-iwan din ng mensahe si Diet sa mga taong sobrang nag-alala sa nangyari sa kanya.

Read full story via PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | News | Diether Ocampo goes back to work after suffering seizure last June.

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Diether Ocampo goes back to work after suffering seizure last June"

Leave a Reply

%d bloggers like this: