More Recent News

  • Meta

  • Advertise here

  • I bet online readers haven't read
  • Old Chika

Freddie Aguilar says Charice and Arnel Pineda prove that Filipinos are “monkeys”

Photo Credit: PEP.ph

Matitindi ang naging pahayag ng legendary singer-composer na si Freddie Aguilar ukol sa ilang kaganapan sa music scene, partikular ang hinggil sa piracy sa music industry, pati ang adhikain niyang pagpapalit ng ilang linya sa Lupang Hinirang, at ang pagiging prominente ngayon ng ilang Pinoy talents sa States tulad nina Charice Pempengco at Arnel Pineda ng Journey.

Hindi maganda ang masasabi ko, e, gusto n’yo sabihin ko?” tila parang pasintabi niya na may halong paghahamon nang tanungin  si Freddie tungkol kina Charice at Arnel noong July 3 sa grand opening ng kanyang Ka Freddie’s Music Bar and Restaurant sa Adriatico, Manila.

“E, pinatototohanan lang ang sinabi ni Mariah Carey na tayong mga Filipino ay mga unggoy. Kasi, wala tayong sarili, gaya-gaya lang tayo. Nasa Amerika ka na, binigyan ka na ng pagkakataon na kumanta sa Oprah, bakit kumanta ka pa ng kanta ni Celine Dion? Sinabi ni Mariah na mga unggoy ang Filipino, gaya-gaya lang kayo, e, di napatunayan nga, totoo nga.

“Kasi, di ba, what monkeys see, monkeys do. Dapat ang kinanta niya, bakit hindi ‘Dahil Sa Iyo’ o kaya ay kahit ano, basta kantang Filipino? O kaya Visayan, Ilocano… lalo siyang sisikat sa buong mundo nun,” pahayag ni Freddie.

Pero hindi naman talaga napatunayan na sinabi ni Mariah na “monkey” ang Pinoy.

STAYING FILIPINO. Ano kaya ang dapat gawin nina Charice at iba pang Filipino international artists para masabing proud siya sa kanilang ginagawa?

“Kasi, sasabihin ko na naman, katulad ng ginawa ko, e, puro na lang ako,” may himig ng pagkabantulot na paliwanag niya.

“Kasi, inalok ako ng mga Kano noon [1980], noong kasikatan ng Anak,” pagpapatuloy ni Freddie. “Inalok nila akong doon na tumira sa Amerika, sampung milyong dolyar, guaranteed na income ko in ten years. Sa madaling salita, one million dollars a year, guaranteed, ilalagay sa akin pagkapirmang-pagkapirma ko ng kontrata. Ang kapalit, kaluluwa ko bilang isang Filipino.

“Hindi ko alam na ‘yon ang kapalit dati. Nag-recording ako sa Hollywood. Ang mga musikero ko ay puro puti, ako lang ang Filipino doon. May back-up singer akong tatlo, si Teri DeSario [ kumanta ng 'Fallin'] ang isa sa back-up singer ko, si Teri. Sumikat siya sa buong mundo, back-up singer ko lang ‘yon kung tinanggap ko yung kontrata. Hindi ko muna tinanggap, nag-recording muna ako ng sample ng international album sa Hollywood. Maganda, Ingles. Marunong din akong kumanta ng Ingles.

“E, di ang ganda, inuwi ko muna ‘yong produktong album sa Pilipinas. Pero hindi ako pumipirma, sabi ko ay tingnan muna natin. Pero ang pagkanta ko ng English ay may kapalit ‘yon, papayag akong gumawa ng Hollywood album, pero yung kantang ‘Anak’ at yung ‘Alaala ni Ama,’ huwag ninyong pakikialaman. Kung ano yung original recording nun, isasama ninyo, ‘ika ko doon sa international album na gagawin ko sa Hollywood. Puwede kang mag-demand, e, hindi ka nila didiktahan dahil kailangan ka nila, e, nagko-compromise.”

Patuloy niya, “Inuwi ko sa Pilipinas yung album, ang ganda, ipinarinig ko sa lahat ng mga kababayan natin na kaibigan ko, ipinagyabang ko. Sabi ko, ‘Heto na yung international album ko.’ Lahat ng nakarinig sinabi nila na, ‘Freddie, ayan na ‘yan, ayan na ang pinapangarap ng lahat ng Filipino na sumikat sa Amerika, ayan na ‘yan. Stateside na ang tunog mo, Freddie.’

“Ako naman, proud na proud ako, ‘Tama, international na ako talaga.’ Ganoon ang feeling ko. Pero ‘pag mag-isa na ako sa gabi at matutulog na ako, ang laki-laki ng question mark sa puso at sa utak ko. Naiisip ko kung tama ba ang ginawa ko, tama ba yun? Isang araw, wala akong inimbitang kaibigan, mag-isa lang ako at pinakinggan ko yung album na ginawa ko sa Amerika. Sabi ko, ‘Ay, hindi ko gagawin ito.’

“Alam mo kung bakit? Kasi, hindi na ako ‘yon, hindi na Filipino, Amerikano na yung nandoon. Kapag hindi sinabing ‘Freddie Aguilar from the Philippines,’ hindi mo ako mapapagkamalang Filipino. Pati yung tunog, Amerikano na talaga.

“Bumalik ako doon [U.S.], tinakot nila ako na, ‘Freddie, you will be forgotten. That’s it, that’s the end of your career, man. Nobody says no to this kind of offer.’ Sabi ko, ‘Are you kidding me? I did not say no, I said I cannot do it, because I want to be me.’ Sabi ko, ‘I’m giving you a choice,’ ika ko, ‘bring me to Nashville and I will make lampaso…’ Sabi ko, ilalampaso ko ang mga country singer ninyo sa Amerika, kaya kong lampasuhin ‘yan. Sabi ko ay dalhin ako sa Nashville, doon na lang masaya na ako doon, pero huwag na huwag mong papalitan ang kanta ko, Tagalog. Pero magko-compromise ako, kakanta ako ng English, huwag mo lang talaga akong gawing pop. Pop star na ako, e, ginawa akong pop.

“Anong sabi ko, hindi ko kaya, hindi ko sinabing ayaw ko. Sinong may ayaw ng sampung milyong dolyar, ano ako baliw? Gusto ko rin ‘yon, pero hindi naman kapalit ng puso ko. Hindi ko lang pinanghinayangan yung sampung milyong dolyar, talagang maluha-luha yung wallet ko. Pero ‘yong puso ko ay ayaw pumayag, e.

“Sabi nila ay malalaos na ako, pero natsambahan ulit natin sa ‘Magdalena’ at hindi naman pala totoo na malalaos na ako. Sumikat ulit ‘yong ‘Magdalena,’ sa buong mundo ulit. Kung na-promote ko lang iyang ‘Magdalena,’ baka tinalo pa ng ‘Magdalena’ ‘yang benta ng ‘Anak.’

“So bakit hindi ko pinromote? Iyan dapat ang susunod na tanong, di ba? Kasi pinatay si Ninoy Aquino. Sumikat ang ‘Magdalena’ sa buong mundo at imbes na mag-promote ako sa buong mundo, nandiyan ako sa rally, kumakanta ako ng bagong version ng ‘Bayan Ko,’ na later on, naging international ulit. So, mali pala ‘yong mga sinabi ng mga Kano na malalaos na ako, na makakalimutan na ako ng buong mundo. Dahil lalo akong minahal ng buong mundo, dahil nanindigan pa ako, hindi ko ibinenta yung soul ko at hindi ako naging unggoy. So, hindi ako unggoy na Filipino at maraming hindi unggoy na Filipino.

“So, sabi ko rin, si Gary Valenciano, hindi siya sisikat kung gagayahin niya lang si Michael Jackson. So, ‘ika ko, kung gusto niyang sumikat sa buong mundo, iyong energy niya, iyon ang ilagay niya sa plaka niya. Kasi, nakita n’yo naman si Gary, kahit nakaupo lang sa isang sulok ay may energy talaga yung tao.

“And isa pang masasabi ko, napatunayan natin na kaya pala nating gumawa ng kantang pang-universal, nandiyan yung Anak, e,” mahaba niyang kuwento.

ANAK. Thirty one years ago na nang pasikatin niya ang awiting “Anak,” pero ano kaya ang maituturing niyang pinakamalaking kontribusyon sa music industry?

Follow the full story via PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | News | Freddie Aguilar says Charice and Arnel Pineda prove that Filipinos are “monkeys”.

Related Posts with Thumbnails
« KC Concepcion received a paperbag full of perfume from Piolo Pascual (Frederic Malle)
Mother Lily says Angel Locsin should learn “word of honor” from Sharon Cuneta »

Comments

25 Responses to “Freddie Aguilar says Charice and Arnel Pineda prove that Filipinos are “monkeys””
  1. Gorilla says:

    Ka freddy, idolo ko kayo and magaling kayong magsulat nang kanta. in fact, kung ikukumpara ko kayo sa kano, kayo siguro ang katumbas ni bob dylan sa pagsulat. pero sana po wag naman bigyan nang malisya ang pagsikat nang mga kapatid natin na sumisikat sa ibang bansa. Unang una, hindi nyo po kasing talentado si charice at arnel. Di ko alam kung sumusulat din sila nang sariling nilang mga awit in, pero cgurado ay nde naman sila sisikat (sa ngayon) sa ganong linya. Magagnda po ang boses nila at kung yun ang paraan para kumita sila nang magandang salapi, eh pabayaan po sana natin sila. Nde nila binibenta ang kaluluwa nila kundi ang oras lamang. Sa inyo pong kalagayan, masaya po ako at hindi kayo pumayag na mabago nang hollywood at maging pop star. Dahil kung hindi po, wala ang ilan sa pinakamatitinding awitin nang mga huling taon. Masakit po sa isang pilipino na tulad ko na matawag na isang unggoy lalo na kung ito’y nangagaling sa kapwa ko. Lahat po tayo dugong pinoy. At ang pinoy ay kilala sa kahusayan. Kung si pacquiao ay hindi pumayag na lumaban sa amerika, parang sayang po ang talento nya. Mas mabuti nang makilala sa magagandang bagay kaysa sa karangyaan (tulad nang iba sa ating mga pulitiko.)

  2. Mabuhay si Ka Freddie ang tindi ng manifesto niya cool. Go Go.

  3. magpuputo says:

    Bilib ako sa pagiging patriot ni Ka Freddie at sa marami sating mga kababayan. Kaso, nandun pa rin yung crab mentality. Sisiraan o hihilahin pababa yung nasa taas. Manong, suportahan natin sila saka sana bigyan ng magandang advice ni Ka Freddie si Charice at Arnel Pineda instead na magsalita ng maanghang na parang ang dating may sour graping (wag naman sana). Dumaan na yung panohon mo ng kasikatan, suportahan nyo naman yung iba. Napansin sila sa Youtube dahil sa style ng pagkanta nila na pinintasan mo. Kung ang kinanta nila sa You tube eh \Dahil sa yo\ palagay mo mapansin kaya sila? Manong bigyan mo na lang sila ng magandang advice, wag ng magsalita ng masakit…. ugali ng pinoy talaga o! Pinoy ka na ka Freddie!

  4. robin galang says:

    lahat nang mga kapwa natin mga kapwa pilipino ay may kanya kanyang opinyon,kung para kay ka freddie ganoon sila anong magagawa natin iyon ang paniniwala nang isang individual na tao,lagi mo nalang isipin ang kasabihang mapapalad ang mga hinahamak at inaapi na wala namang ginagawang mali sa kapwa tao!mabuhay ang mga pilipino saan man sulok nang mundo!!!!!ROBIN.

  5. robin galang says:

    kanya-kanyang opinyon lang ang bawat tao.

  6. robin galang says:

    nasa gitna lang ako,kasi nga kanya kanyang opinyon ang bawat tao,para bang everybody has a will to do good or bad.

  7. ANAK says:

    A typical case of CRAB MENTALITY masquerading as a NATIONALIST..
    Bago sina binuka ni Mr. Aguilar ang kanyang bibig he should have research his FACTS…

    FACT 1 : The comment of mariah carey about filipino being ‘monkeys’ has been proven to be an ‘urban’ legend and a hoax.

    FACT 2 : Before he became famous with his ‘ANAK’ he was singing American folksongs and ACTING like some american folksingers of his time (like dylan etc etc).
    I should know I had watched him years before he became famous… so ginagaya niya yung mga americano rin.

    FACT 3 : Even his own daughter grew up singing janis joplin songs… better start nationalism in your backyard…

    FACT 4 : Maski pananamit niya foreign influenced din.

    Enough of this pseudo nationalism.
    PURE AND SIMPLE CRAB MENTALITY NG MGA PINOY

  8. robin galang says:

    ekung lahat na sumisikat na singer sa ibang bansa na tawagin nilang unggoy,ano na lang matitirang hayop sa pilipinas puro na lang bang mga buwaya?nagtatanong lang po!

  9. Melquiadez dela Cruz says:

    Eto palang si Freddie Aguilar ay kapareho ni Mariah Carey. Imbes na pumuri o magpayo o maggabay sa mga kapuwa artists ay namumuna pa! Nasapawan ba kaya siya o nainsecure? Magagaling talaga sina Arnel at Charice! Si Arnel ay Journey na at siya na ang gagayahin ngayon. At kahit nanggagaya, ano masama doon? Sina Lani Misalucha, Jun Polistico, Regine Velasquez at marami pa ay mga pawang “nanggaya” pero naging pasaporte nila ito para sumikat – sumikat na dala ang pangalang Pilipino at Pilipinas! Si Charice ay nagcocover ng mga kanta na feel nyang kantahin at nabigyan nya ng hustisya ang ginagawa nya, daan para makilala siya ng buong mundo. Kaya imbes na puro puna, maging proud tayo sa kanilang tagumpay na tagumpay din nating lahat!!!

  10. ka freddy ang bobo nang statement mo! mas maganda nga yan napapakilala nila ang mga talento nang mga pinoy.. dun sa statement mo na dapat hindi na kumanta c charise nang celine dion dun sa oprah dapat pinoy nlang, sa tingin mo bah maiintindiha nila ang language natin? uu tama ka na dapat ipag malaki natin ang sarili nating wika.. kaso ang bobo mo talaga kaya nga internatonal artist ang tawag sa kanila.. dapat international language din ang gagamitin nila. ikaw kaya ang mag audition sa airsupply or sa journey or sa ibang sikat na banda dun at kantahin mo yung kanta mo, tignan natin kung tatanggapin ka.. yung wondergirls nga na nobody but you may english version na nung nagin international artist na sila.. yung lang talaga ang masasabi ko sayo. sayang nirerespeto ko sana kayo kaso lang ang liit nang utak mo!

  11. Baboon says:

    robin galang, mukha kang unggoy…. pero opinion ko lang yun.

  12. naiibasalahat says:

    … buhay pa pala itong si ka freddie???!!! Kasi matagal ng panahon wala akong narinig sa kanya, ngayon lang ulit (nabuhay siya) dahil sa sinabi niyang \unggoy\ sina Charice at Arnel.

    Ang tindi talaga!!! Malayo sa isip ko na sabihin niya yan. Hindi ko akalain!!!

    Matindi na ba talaga ang inggit niya?! Dahil hindi na niya mapigilan ang sarili niya, pinakilala na niya talaga ang totoong ugali niya, na pangit na ugali!!

    Instead of \Congratulations! I am proud both of you Charice and Arnel!\ Sinabi pa niya na UNGGOY sila?!!!

    Noon hindi ko maintindihan kung anong meaning ng \crab mentality\. Ngayon, Freddie explained well. He is a true witnessing, his personality shows off kung ano ang selos (jealousy) at inggit (envy)…

    I am praying for the convertion of heart and enlightenment of Mr Freddie Aguilar and more success and blessings of Charice and Arnel!!! God bless us!!!

  13. fred aguy says:

    ito lng masasabi ko… freddie, matanda ka na talaga cguro… ang sungit mo.. ingitiro, bobo… sayang! wala ako makitang mali sa pagsikat nina Charice and Arnel Pineda at sa ibang pang international stars. dapat nga eh.. proud tayo.. kasi talento yan! buong mundo makilala nila ang pinoy ay may talento at nirerespeto.. di yun kapwa pinoy pa ang mang insulto!.. haayzz.. cguro dyan ka na lng bagay sa bar mo.. mag waiter ka na lng! galit ako sa yo!

  14. fred aguy says:

    bobo mo talaga freddy! so dapat pala sa concert ni arnel pineda i tagalog nya journey songs!? or kumanta cya tagalog songs..! i concert ng journey yun! freddie tell me your opinion about lea salonga? magaling yung! international singer!! proud lahat ng pinoy.. maliban sa you! ingitero! ano kaya tinagalog ni leah yung disney song ? hahaha bobo mo talga!

  15. cYreXz says:

    Ka Freddie!!..,, wag mong silipin ang kahusayan na ipinakikita ng mga kapwa natin Pilipino.,, Di mo pa rin matatawaran ang mga talento sa pag awit nina Arnel at Charice..
    Imbis na magsalita ka ng mga bagay na hindi mo naman dapat sabihin lalo pa’t sa harap ng kapwa mo Pilipino, bakit hindi ka na lang gumawa at magsulat ng mga kanta para kantahin nila.. at maipadama nila sa buong mundo kung gaano kahusay gumawa ng kanta ang mga Pilipino kasabay ang mga tinig na tatak Pilipino din…
    Huwag mo naman sanang hayaang na mawala ang respeto sayo ng nakararami dahil sa ganyang mga issue.. Maha ka namin at kagaya ng pagmamahal namin sa lahat ng mga Pilipino nagpapamalas kani-kanilang galing sa harap ng mraming banyaga at taas noong sinasabi na.. “I’M A FILIPINO from a beautiful country of PHILIPPINES”

  16. borabod says:

    its nice that freddie did this. so that other artist can have a choice on creating or recreating.

  17. dionisio cruz says:

    palibhasa si freddie aguilar ay isang laos na addict na hippie pa…..nya ha ha ha….haba pa buhok mo kamukha mo yung mukhang bangkay na lumalabas sa pinoy horror movies

  18. pinoyako says:

    musikero din ako, naiintindihan ko si Ka Freddie, oo kilala kaming mga musikero sa ibang bansa dahil sa magaling manggaya, samantalang yung bansa na pinupuntahan namin ay di sila kumakanta ng bnayagang kanta o musika o nagsasalita ng wikang banyaga, katulad nalang sa Japan, isipin nyo minamahal natin ang English pero di tayo basta makapunta sa Amerika, kailangan may Visa ka at kailangan na marami kang pera at pag aari bago ka makapunta doon, lalo na sa mga pangkaraniwang tao dito sa Pilipinas! Pilipino HINDI Filipino !!!!!

  19. pinoyako says:

    ganito lang kasi yan, sa pag tankilik natin kay Bon Jovi ,sa bawat pag bili mo ng plaka o CD ng mga Banyagang Artist, sino ang mas nakikinabang ?? natural yung nag Produce ng Music, at yung bansang pinanagalingan nung Music na tinangkilik mo ! simpleng simple lang po, kaya hang gang ngayun ay mahirap parin ang bansa natin, dahil tayo mismo ay walang pag mamahal sa ating bansa, nakita mo na ngang kulay pula (don’t walk) sige ka parin tawid ka parin, ganyan ang Pilipino, Nilamon ng Sistema !! nakuha nyo po ba ang tinutumbok ko??? kung malabo sa inyo wala na po akong magagawa, ikamamatay na natin na mahirap ang ating Bansa !!

  20. RoWyN says:

    alam ko kung ano sinasabi mo pero marami dun nde ganun kasimple baguhin. ikaw pre anong ginagawa mo para sa mga nilamon nang sistema na tinutukoy mo.

    ang problema sa music at movie industry natin is kontrolado pa rin tayo nang malalaking corporate offices. BMG, Sony, Universal, lahat yan base sa ibang bansa. So ang kapalit, kung anong hingin nila, yun ang kailangan natin i-deliver.

    Tama si freddie na kailangan natin gumawa nang mga original na komposisyon, pero maraming bagay na kailang din mabago tulad nang kumpyansa sa sariling gawa at abilidad. Marami pa. Isa jan ay ang pag-atake nang walang paki sa mga effort nang ibang tao. Tulad nang pag atake ni ka freddie kay charice.

    Merong right si freddie na sabihin ang mga sinabi nya. Kaya sana wag siyang magagalit sa mga sinasabi sa kanya nang mga tao. Mejo me pagkapalpak kasi talaga yun ginawa niya pre.

    ewan ko lito na ko.

  21. dionisio cruz says:

    naalala ko nga pala noon na itong si freddie adik aguilar yon pinag mamalaki nyang kantang anak may english version pa noon bakit sya gagawa non para sa abroad yun para maintindihan lyrics niya….kaya ingit lang ang laos na matandang h****t na ito.

  22. Melquiadez dela Cruz says:

    Can’t help but comment again! With the latest words from this guy this 15 July where he challenged Charice and Arnel to sing Filipino songs in their concerts, I have to say that this man called Freddie Aguilar is sick; a plastic nationalistic who uses what he has achieved to mudsling people. He’s got one (or two?) of the seven deadly sins!! Her daughter Meagan should ask her to just stop and just teach her the proper way of doing live performances, instead of giving unsolicited, ill, uncalled-for advices.

  23. Melquiadez dela Cruz says:

    Meron pa siyang banat na “bakit ako maiinsecure e hindi pa nila naaabot ang naabot ko”. Malinaw na pagbubuhat ng sariling bangko dahil sa mga bagong talento na napupuna ng mundo. Parang KSP kaya para kong naaawa na naiinis pero di ko maiwasang magkomento dahil unfair sa mga nasasagasaan niya. Sa mga sinasagasaan ni Aguilar, gamitin nyo itong fuel (pakopya Mr. Gary V) para sa mas ikakalakas nyo. Magkaroon sana tayong lahat ng magandang pagiisip para sa pagasenso sa lahat ng aspeto. Ang kailangan ng mundo ay isang pumupuri hindi pumupuna; nakikisama hindi makakasama; makikiisa hindi manggigisa. Magising sana tayong lahat! Mabuhay po tayong lahat, kasama ka na din Mr. Freddie Aguilar!

  24. wise monkey says:

    FA laos na Artist na. Dahil wala na siya magawa he try to master business and politics in music industry. Charice and Arnel popularity achieve globally sing mostly English songs which is getting more popular. So FA is afraid tuluyan na hihina ang mga tagalog songs.

    Yong “Anak” we back 80’s para makilala siya internationally sinubukan nya kumanta in English pero hindi sumikat dahil hindi maintindihan ang diction nya. So he fade slowly internationlly except dito sa Pilipinas.

    Dahil tagalog lang alam nya at para takpan and pag kabobo nya sa english, gumagawa siya nang issue BE NATIONALISTIC, SING TAGALOG”.

    We can be proud of FA as ” The Wise MONKEY Alive from the Philippines”

  25. wise monkey says:

    Freddie laos na Artist na. Dahil wala na siya magawa he try to master business and politics in music industry. Charice and Arnel popularity achieve globally sing mostly English songs which is getting more popular. So Freddie is afraid tuluyan na hihina ang mga tagalog songs.

    Yong “Anak” we back 80’s para makilala siya internationally sinubukan nya kumanta in English pero hindi sumikat dahil hindi maintindihan ang diction nya. So he fade slowly internationlly except dito sa Pilipinas.

    Dahil tagalog lang alam nya at para takpan and pag kabobo nya sa english, gumagawa siya nang issue BE NATIONALISTIC, SING TAGALOG”.

    We can be proud of Freddie as ” The Wise MONKEY Alive from the Philippines

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled

Spam Protection by WP-SpamFree

Pinoy TopsitesEntertainment & Lifestyle - Top Blogs PhilippinesBlog Directoryblog search directoryBlog Directory & Search engineBloglisting.net - The internets fastest growing blog directory Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com