More Recent News

  • Meta

  • Advertise here

  • I bet online readers haven't read
  • Old Chika

Annabelle Rama on dismissal of Richard’s libel suit vs PEP: “Hindi pa tapos ang laban!”

Photo Credit: PEP.ph

Hindi natutuwa si Annabelle Rama sa desisyon ng Department of Justice (DOJ) na ibasura ang libel case na isinampa ng kanyang anak na si Richard Gutierrez laban sa PEP.

Sa exclusive interview ng writer na ito kay Annabelle sa pamamagitan ng cell phone ngayong umaga, July 9, ni-lambast ng ina ni Richard ang desisyon ng DOJ, at nagdeklara siya na “hindi pa tapos ang laban.”

“Marami ang tumatawag sa akin kahapon [July 8] para interbyuhin ako, pero wala ako sa mood. Ngayon pa lang ako magsasalita dahil nasa mood na ako. Kailangang isulat mo ang lahat ng sasabihin ko para mauna ka dahil ito rin ang sasabihin ko sa mga mag-iinterbyu sa akin bukas,” pauna ni Annabelle sa pakikipag-usap namin sa kanya.

Patuloy niya, “May naglakad sa kaso dahil sa Makati kami nag-file, pero isang araw pa lang ang hearing, biglang nalipat sa DOJ ang kaso. Bakit hindi pinagbigyan ang fiscal ng Makati na maimbestigahan muna niya ang kaso? Wala bang tiwala ang DOJ sa mga prosecutor ng Makati? Bakit kinuha sa Makati ang kaso? Nagulat na lang kami dahil biglang sa DOJ ang hearing. May dumukot sa kaso.

“Sayang ang DOJ Prosecutor na si Sytat [Mary Jane W. Sytat, acting city prosecutor ng Makati City]. Siya ang humawak sa kaso ni Richard. Nagpadala siya sa mga sulsol. Bata pa naman siya. Malayo pa sana ang kanyang mararating. Paano pa siya magiging Justice? Hindi niya ni-review ang kaso dahil kung ni-review niya ang kaso, hindi matatalo si Richard.

“At yung lawyer ng PEP, alam ko na ngayon kung bakit tatawa-tawa siya. Alam niya na madi-dismiss ang kaso dahil nilakad niya. Ayokong banggitin ang pangalan niya. Basta, malaki ang kanyang mata at malalaki ang litid niya sa leeg!

“First round pa lang ‘yan. Mag-enjoy sila. Hindi pa tapos ang laban! Sure winner si Richard dahil umamin ang PEP sa kanilang pagkakamali. First round pa lang ‘yan. Mag-enjoy sila. Hindi pa tapos ang laban dahil kakampi ko ang Diyos!” pahayag ni Annabelle.

Sa panayam kay Annabelle, sinabi nito na ipinauubaya ni Richard sa kanilang legal counsel na si Atty. Angelica Y. Santiago ang mga susunod na hakbang. Ayon pa sa talent manager, nagulat din daw si Richard nang ilipat sa DOJ ang kaso.

via PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | News | Annabelle Rama on dismissal of Richard’s libel suit vs PEP: “Hindi pa tapos ang laban!”.

Related Posts with Thumbnails
« Where is Michael Jackson’s Remains?
Erik Johnston Chua accuses Dra. Vicki Belo of making him the “fall guy” »

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled

Spam Protection by WP-SpamFree

Pinoy TopsitesEntertainment & Lifestyle - Top Blogs PhilippinesBlog Directoryblog search directoryBlog Directory & Search engineBloglisting.net - The internets fastest growing blog directory Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com