More Recent News

John Lloyd Cruz finally speaks regarding his controversial photos with Ruffa Gutierrez

Photo Credit: ABS-CBN.com

Sa unang pagkakataon, nagsalita na si John Lloyd Cruz patungkol sa di umano’y naglipanang kontrobersyal na pictures nila ni Ruffa Gutierrez sa Amerika kamakailan lamang. Sa kanyang pahayag, hindi na niya naitanggi na naapektuhan siya ng nasabing pang-iintriga ng mga tao kahit noon pang nasa Amerika pa siya. Nang kamustahin nga ng SNN ang nasabing pagbabakasyon niya, ito ang naging tugon niya: ‘Okay ang bakasyon, refreshing pero di gaanong refreshing…Di naman lingid sa kaalaman ng lahat na wala pa ako dito e pinagpyepyestahan na ang mga pictures na binibigyan nila ng kulay.’ Ngunit ayon na nga rin sa kanya, kahit pa inasahan na niya ang pambabato ng mga ganitong uri ng intriga paglapag na paglapag pa lamang niya sa bansa, hindi naman raw siya kailan man natatakot na humarap sa publiko dahil mayroon naman raw karampatang paliwanag ang lahat ng mga isyu na maaari nilang ibato sa kanya.

Di pa man tapos ang intriga sa kanya kaugnay ang di umano’y pakikipagmabutihan nito kay Ruffa, isang intriga na naman ang tila isinasalubong sa pagbabalik-bansa ng nabanggit na aktor. Ayon sa isang lumabas na balita, tila nagtatampo raw ngayon kay John Lloyd ang minsang nakatambal na rin nito sa pelikula, at napabalitang sinusuyo, na si Sarah Geronimo. Naging kapansin-pansin raw noong linggo sa ASAP ang pagiging malamig ng Pop Princess sa binata. Maliban sa pagiging iwas nito sa pagtingin ng diretso sa mga mata ni John Lloyd, tila wala raw ang dalaga sa mood na makipagkulitan tulad ng madalas nilang gawin dati. Nang subukan namang usisain ng SNN si Sarah ukol sa nasabing balita, agad niyang pinabulaanan ang nasabing mga haka. Ayon sa kanya, okay lang naman daw sila ni John Lloyd at walang kahit na anong problemang namamagitan sa kanila ngayon. Sadya lang daw matagal na silang hindi nagkikita, dahilan marahil para bahagyang magkahiyaan sila sa muling pagsasama on-screen. ‘Hindi naman deadma. Parang medyo ‘di lang maiwasan na nagkakailangan…Naninibago lang po siguro kami’ maikling paliwanag niya.

via John Lloyd Cruz finally speaks regarding his controversial photos with Ruffa Gutierrez :: ABS-CBN.com.

Related Posts with Thumbnails
«
»

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com