Judy Ann Santos reveals what’s special about bed she shares with hubby Ryan Agoncillo

Sa pelikula ni Judy Ann Santos with Ogie Alcasid na OMG! (Oh, My Girl!) ay artista sa rin ang role ni Juday rito. May mga pagkakahawig ba ang character na ginagampanan ni Juday sa pelikula sa totoong buhay?
“Actually, ang masasabi kong pagkakapareho lang ni Darling at ako, sa mga kaibigan. Si Darling kasi, hindi siya makalakad na walang kaibigan. Parang ako, ganun din ako. Hindi ako makakalakad na hindi ko kasama ang mga kaibigan ko. Pero yung prima donna, maarte, wala akong ganoon. Baka ipako na krus ni Tito Alfie [Lorenzo, Juday's manager]!” natatawang sabi ni Juday sa presscon ng OMG! kahapon, July 15, sa Valencia home ni Mother Lily Monteverde.
Bukod sa may guest appearance si Regine Velasquez sa OMG!, ang Asia’s Songbird din ang kumanta ng theme song ng pelikula na isinulat naman ni Ogie. What about Juday’s husband, Ryan Agoncillo, may participation din ba ito sa movie nila?
“Originally, dapat may cameo siya,” sabi ni Juday. “Kaso, naisip namin, dalawang solo movie na rin namin ang pareho kaming may cameo role. Yung Umuulan, Umaaraw at saka Ouija. Parang ayaw naman namin na isipin ng mga tao na kada-movie namin, may cameo yung isa’t isa sa amin.
“So, mas mabuting sa mas malaking pelikula na lang siguro naming dalawa kami makita. Like a movie with Ogie Alcasid and Regine Velasquez,” tila pahiwatig pa niya.
BED TALK. May dalawang buwan na rin ang nakalipas pagkatapos ikasal sina Judy Ann at Ryan. Pero ang tungkol pa rin sa mga kaganapan sa buhay ng aktres after their wedding ang kinumusta sa kanya sa naganap na press conference ng OMG!.
Paano ba nila nae-enjoy ang buhay may asawa?
“Kapag walang trabaho, yung role-playing ng misis. Luto nang luto. Gagawa kayo ng homework ni Bagets,” sabi ni Juday.
May mga bago ba siyang nadi-discover kay Ryan ngayong kasal na sila at magkasama sa isang bubong?
“Ano nga ba? Well, mas relaxed na siya, mas kalmado, mas mahirap gisingin. Siguro kasi ngayon, mas may sarili kaming bahay. May sarili na kaming room, sariling kama. Si Yohan, may sarili na rin siyang room. So, mas enjoy kami ngayon. Parang naglalaro lang kami. Hindi pa namin alam yung mga babayaran namin monthly, mas nag-e-enjoy lang kami,” kuwento ni Juday.
Dahil nabanggit ni Juday ang “kama,” siya na rin ang natawa dahil ang tungkol dito ang sumunod na itinanong ng press sa kanya. Nae-enjoy na ba nilang mag-asawa ang bago nilang kama ngayon?
“Hayan na naman! Bakit ba ako nagsasalita ng mga kama!” natatawa niyang sabi.
So, ano nga ba meron dun sa kama na special mention niya?
“Hindi… Kasi ako naman, for the longest time, kaya malaking isyu sa akin ang kama dahil malaking bagay sa akin yun. Simula noong bata pa ako hanggang sa ngayong nag-asawa, wala naman talaga ako sariling kuwarto. Hindi ako nagkaroon ng sariling kuwarto. Hindi ako nagkaroon ng sariling kama.
“So, yung binili naming kama, sinigurado namin na parang hotel bilang nag-honeymoon kami sa Boracay. Hinanap talaga namin yung kama na ginagamit sa Shangri-La Boracay. Yun ang kama na halos hindi kami makatayo dahil ang sarap ng tulog namin,” paliwanag niya.
Nakapag-adjust na ba siya na ngayong may katabi na siya sa kamang matulog?
“Nakapag-adjust na. Buong buhay ko naman, palagi akong may katabi, e. Kung hindi si Ate Binay, si Mommy.”
SLEEPING HABITS. Kuwento ni Juday, pareho raw sila ni Ryan na malikot matulog.
“Hindi kami sanay na natutulog na magkayakap. So, magkatalikuran kami.”
Hindi sila magkayakap?













