Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Sexy actor Paolo Rivero agrees to do frontal nudity for the first time in Bayaw

bayaw_janvier_paolo_andrew2

Kainitan ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines nang mai-premiere doon kamakailan ang Bayaw, isang kakaibang gay film na nagtatampok kina Paolo Rivero, Janvier Daily, at Andrew Miguel.

Ayon sa ilang nakapanood ng Bayaw, mukhang si Paolo ang nagdala ng pelikula. Halata raw na pinaghandaan ng aktor ang role niya rito bilang isang psychologically disturbed cop na nagkaroon ng homosexual involvement sa kanyang bayaw portrayed by Janvier.

Lately, nalilinya sa gay roles si Paolo. Mukhang nag-e-enjoy siya rito at natsa-challenge kaya tinatanggap niya.

“Being gay in the movies is the most challenging role,” pagsang-ayon ni Paolo nang makapanayam siya. “Next na doon yung psychotic. Kapag lalaki ka talaga, ang hirap gumanap ng gay, kung paano mo makukumbinsi ang mga manonood. Iba-iba rin ang klase ng bading.

“Yung makipaglaplapan ka na lang sa kapwa mo lalake, it takes a lot of guts and enthusiasm to do that I’m just putting myself into the character’s shoes. All of a sudden, magugulat ka, ikaw na pala yun.

“So far, pinaka-daring na ito. Nakumbinsi ako to do frontal nudity here sa Bayaw. Yung ibang nagawa ko, daring na rin in the aspect na may mga gay lovemaking. Iba kasi ito. I really showed my private part here. Naniniwala ako sa film, kaya ginawa ko.

FUTURE POLITICIAN. Lingid sa kaalaman ng karamihan, balak ni Paolo na tumakbo bilang vice mayor ng Limay, Bataan. Medyo namomroblema nga siya dahil kumalat bigla ang frontal nude shots niyang kuha sa Bayaw, at baka nga raw gamitin itong pangontra sa kanya sa pulitika.

“Totoo, nag-worry ako dahil diyan,” napapailing na sabi ng aktor. “Pero alam naman kasi ng mga taga-Limay na artista ako at lumalabas talaga ako sa daring films, na for adults ang tema.

“Hindi pa naman sigurado ang pagkandidato ko, pero involved kasi ako sa maraming youth projects sa Limay. I might back out, kasi ang makakalaban ko, cousin ko. Nagpapakita naman ako sa Limay, Bataan. By Christmas season, doon natin malalaman kung sigurado na ang pag-run ko. Kapag nag-file ako, automatic ‘yan, tatakbo ako for vice mayor.”

SPREAD OF SEXY PHOTOS. Hindi raw maiiwasan ang paglalabas ng stills mga kuhang eksena sa isang pelikula para sa publicity o promo ng pelikula. Kumalat nga raw ang mga litrato niya sa Bayaw sa Internet. Wala na raw magagawa doon si Paolo.

“Nasa tao na yun kung paano nila mai-interpret,” sabi ni Paolo. “Pero alam naman nilang artista ako, at part yun ng pagiging artista ko. Kakalat at kakalat yun. Pero naiisip ko na lang, baka lalo pang ma-curious ang mga tao to my advantage. Parang yung nangyari kay Isko Moreno sa Maynila, nag-vice mayor siya kahit kumalat pa yung mga lumang litrato niya para sa mga pelikulang nagawa niya sa Seiko Films noon.

“Baka maawa pa ang mga tao sa akin, na pinagpipiyestahan nang ganoon ang hubad na photos ko. Puwedeng ganoon pa ang mangyari. I find it alarming, pero wala na rin akong magagawa pa doon.”

Magkakaroon ng additional screening ang Bayaw sa Cultural Center of the Philippines this Sunday, July 26, at 3:30 p.m.

via PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | News | Sexy actor Paolo Rivero agrees to do frontal nudity for the first time in Bayaw.

Related Posts with Thumbnails

2 Responses to Sexy actor Paolo Rivero agrees to do frontal nudity for the first time in Bayaw

  1. Pauline says:

    Natawa ako kay Paolo with this one. Can’t believe na magagawa nya mga ganitong scenes. I saw some comments na bading sya. Pero they’re wrong about it. He’s really nice and hindi nawala respect ko after seeing the articles. :) If you get to know him, masarap sya kasama and so much professional. Matalino pa.

  2. pinkee says:

    Never thought that I’ll fall for you Pau. Sorry, I don’t have the intention to ruin our friendship. You’re just too nice for me. I’ll try my best to hide my feelings for you. I love your company and I want you to stay just the way you are.

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com