Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Noynoy deserves to be happy… Photos of Senator Noynoy Aquino’s rumored girlfriend spread on the Net

shalani_soledad

Sa speech ni Kris Aquino sa Requiem Mass para sa ina niyang si dating Pangulong Cory Aquino last August 5, binanggit ng TV host-actress na narinig niya na sinabi ng anak niyang si Josh na: “Please, Tito Noy, never get married.”

Ang tinutukoy na “Tito Noy” ni Kris ay ang nag-iisang kapatid niyang lalake na si Senator Noynoy Aquino. Pero idinagdag din ng bunsong anak ng Pangulong Aquino, kung saan masaya si Senator Aquino ay “puwede na rin.”

Lingid sa kaalaman ng marami, meron na raw palang girlfriend si Noynoy ngayon. Ito ay ang Valenzuela City councilor na si Shalani Soledad.

Ayon sa report ng People’s Tonight, isa si Shalani sa nagpunta sa unang gabi ng lamay ni President Aquino noong August 5 sa La Salle Greenhills. Pero sinadya raw ng konsehala, na nakasuot ng itim gaya ng karamihang nakikiramay, na dumistansiya kay Noynoy. May mga pagkakataon din daw na tahimik na nakatayo siya sa tabi ni Kris.

Ayon sa impormasyong nakalapl, si Shalani ay 29 years old at nagtapos ng kursong Human Resource Management sa De La Salle University-College of Saint Benilde. Nagtrabaho raw si Shalani bilang executive staff ni Senator Panfilo Lacson bago siya nahalal bilang konsehal ng Valenzuela City.

Kumakalat na ngayon sa Internet ang ilang istorya at mga litrato ni Shalani, na kuha sa kanyang Facebook at Friendster accounts.

Sa ngayon, kung totoo nga ito, hindi pa isinasapubliko ni Noynoy ang relasyon nila ni Shalani, . Pero sa isang interview ay inamin niya na kinukulit na siya ng yumao niyang ina na lumagay na sa tahimik dahil lagpas na siya sa marrying age.

Si Noynoy ay 49 years old na.

Naging balita noon ang pagkaka-link ni Noynoy sa broadcasters na sina Korina Sanchez at Bernadette Sembrano, at maging sa sexy star na si Barbara Milano. Pero walang inamin o itinanggi ang nag-iisang anak na lalaki ng yumaong Cory at Ninoy Aquino tungkol sa mga balitang ito.

via PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | News | Photos of Senator Noynoy Aquino’s rumored girlfriend spread on the Net.

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com