Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

A Sharon Cuneta fan gives her take on Willie Revillame’s situation.

willie1

Dear Heart,

Cross My Heart talaga mga kabords, si Willie Revillame talaga ang nakakapag-patuwa sa mga lolo’t lola natin.  Dahil kahit ano pang sabihin ng iba, ang mga nanay at tatay natin ang nagpapatunay na magaling mag-entertain si Willie sa kanila. Minsan, sinabi pa nga ni lola ko na “My Only Love” daw niya si Willie.  At sa lahat ng mga host, si Willie ang kumita ng malaki, siguro ayaw rin ni Willie na mawala sa kanya ang Wowowee at iniisip niy na Sana’y Wala Nang Wakas.

Pero ang mga recent events na nangyari sa kanya ay nagbigay ng isang katanungin sa ating mga kababayan.  Ang tanong? Dapat Ka Bang Mahalin? May mga taong nagsasabing, Sa Hirap At Ginhawa ay sasamahan nila si Willie kahit na sa tingin din ng marami, sa mga nakaraang
pangyayari sa show niya na Wowowee at pagdidiin ng marami na siya ay tanggalin sa show niya, meron din silang tanong:  Bakit Ikaw Pa Rin?
Meron din naman na dati ay loyal sa kanya ngunit nagbago ang damdamin ng makita ang asta niya sa palabas niya, tumalikod at sinabing Minsan, Minahal Kita – pero ngayon hindi na.  Oras-Oras, Araw-Araw ay may nagmamasid sa mga aksiyon ni Willie sa Wowowee. Di niya nalaman ito hanggang mangyari ang pagpapatanggal niya ng imahen ng libing ng ating Pangulong si Cory Aquino. Biktima siya ng pagdadalamhati ng mga mamamayang Pilipino sa pagpanaw ng ating nakaraang pangulo.  Nakita nila na mayroon palang Tatlong Mukha Ng Pag-ibig.  1. Mahal ka
nila bilang host, 2. Napapaligaya mo sila pero 3. Hindi nila gusto ang paglabas mo ng init ng ulo mo sa harap ng mga camera.

Minsan Pa nangyari na raw ito, ngunit pinagbigyan ka nilang muli dahil sinabi mo sa kanila, Pangako Sa ‘Yo – hindi na mauulit.  Pero ngayon, ang nakita nila sa ‘yo ay parehas pa rin ng dati at ang bulung bulungan, si Willie – Di Na Natuto.  Sapat na raw, at ang sabi pa ng iba, Babangon Ako’t Dudurugin Kita.  Nagpaunlak ng petisyon upang tanggalin siya sa Wowowee at ang hiling ay huwag ka ng bigyan ng pag-asa pang bumalik, Ngayon At Kailanman.

Oo, humingi ka na ng kapatawaran.. lalong lalo ng sa pamilya ng yumaong Tita Cory. Pinatawad ka naman at sabi pa nga ni Kris, Kung Kailangan Mo Ako ay  susuportahan kita dahil daw sa kabaitang pinakita mo sa Magkapatid niyang anak.  Kahit Konting Pagtingin lang ang hinihiling mo sa mga manonood na sana’y pagbigyan ka nilang muli.  Crying Ladies nga ang dating niya ng pagharap mo sa telebisyon at interviews diba?
Pero parang manhid na ang mga manonood.  Ayaw na nila at sinabing, Kahit Wala Ka Na ay kaya nilang manood ng show mo.  Kahit ano pa, Maging Sino Ka Man.

Sabi ng iba, Ikaw na raw ang gumawa ng sarili mong problema dahil hindi mo tinutoo ang mga pangako mo.  Umasa ka na lang daw dahil ang sabi nila,
Bukas Luluhod Ang Mga Tala.  Pano yan Willie, kaya mo bang talikuran ang mga nagmamahal sa ‘yo at umisang tabi na lamang na parang isang Bituing Walang Ningning? Ang ibig sabihin lang, pana-panahon tayong lahat.  Minsan nasa itaas tayo, Pagdating Ng Panahon nasa ibaba naman.  Hindi rin naman siguro masasabi ng network na isa kang host na Walang Kapalit o di kaya maari din?  Hindi niya puwedeng isiping Walang Karugtong Ang Nakaraan dahil sa nakaraan ay nakita na raw ng mamamayan na ginawa mo na rin yan. Sabi din ng isang nagiwan ng salita sa petisyon, Kung Ako Na Lang Sana ang mag-host baka hindi umabot sa ganito.

Pero may mga sumusuporta din naman.  Sabi ni lola, Nang Iniwan Mo Ako – lungkot na lungkot na ang Wowowee.  Ikaw lang daw ang makapagbalik ng saya, Wala Nang Iibigin Pang Iba. Ang pagmamahal sa ‘yo ng iba, Kapantay Ay Langit. Nami-miss na raw nila ang pag-awit mo at hinihintay na dugtungan mo ang Kaputol Ng Isang Awit mo sa simula ng show.  Minsan, sa sobrang lungkot ni lola, mas gusto pang mag-Megamol kaysa manood ng TV.  Pero kahit na raw Buy One, Take One ang mga bilihin, ay hindi rin mapantayan ang Nakagapos Na Puso ni lola.  Pati Ba Pintig Ng Puso? Ang bigat daw ng nararamdaman ni lola ng mawala ka sa Wowowee.  Ika niya, parang “Pasan Ko Ang Daigdig”.  Minsan daw nagpapasalamat siya at may programang, Tayong Dalawa.  Dahil kung hindi daw, OMG (Oh, My Girl!) baka mangailangan na ng Caregiver si lola.  Parang ninakawan daw siya ng kaibigan ng mawala ang kanyang BFF (Best Friends Forever).  Sana raw ay magbalik ka na. Dahil gusto ni lolang ng chance para malaman kung “Kailan Sasabihing Mahal Kita?

Mayroong pa kayang nalalabi sa mga dati mong tagahanga na patawarin ka? Do you think they will have to courage To Love Again? Forgive And Forget ang sabi ng iba, dahil marami ka rin daw naidulot na kasiyahan.  Yung iba, umaasa sa pagbalik mo na parang walang nangyari, parang Friends In Love.

Sabi mo nga, handa kang matanggal sa trabaho.  “Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin”, sabi mo ay okay lang.  Pero sino kaya ang magwawagi sa huli?  Hintayin na lang natin ang susunod na kabanata.

P.S. I Love You,

Madrasta

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com