Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Janina San Miguel clears rumor linking her to businessman Tonyboy Cojuangco

Marami ang naaliw sa nag-resign na Bb. Pilipinas-World 2008 na si Janina San Miguel sa presscon ng third season ng GMA-7 Celebrity Duets kagabi, August 24. Very candid kasi si Janina sa pagsagot niya sa ilang mga katanungan at game na game naman siyang makipagtawanan sa mga taong kinatutuwaan ang mga sagot niya.

Wala naman akong magagawa kung natutuwa sila sa akin. This is me and I have more confidence now,” hirit ni Janina. “May nagtanong nga sa akin if I feel any pressure right now? I answered, ‘Yes, I feel pressure right now but I have confidence!’ Yun lang po.”

Okey lang ba kay Janina na pinagtatawan ang bawat hirit niya ng Ingles? Hindi ba siya nao-offend?

“Hindi naman po,” sagot niya. “I know that they find me funny, okey lang ‘yon. What can I do about it? Okey lang na matuwa sila kesa sa sungitan nila ako or isnabin nila ako. At least, they know that I am more confident right now.”

TONYBOY COJUANGCO. Naiintriga ngayon si Janina sa businessman na si Tonyboy Cojuangco. Ang balita nga ay siya na ang ipinalit ni Tonyboy kay Gretchen Barretto.

Ipinaliwag naman ni Janina kung paano sila nag-meet ni Tonyboy at kung saan nagsimula ang naturang tsismis.

Kuwento niya, “Ganito ‘yon, I met Mr. Tonyboy Cojuangco noong makipag-meeting kami sa kanya sa TV5. May offer silang show sa akin before. Noong ipakilala ako sa kanya, hindi ko nga alam na siya pala si Mr. Cojuangco.

“Anyway, nakailang meetings din kami regarding the show, pero hindi rin natuloy ‘yon because nagkaroon ng ilang changes hanggang sa hindi na natuloy. Since then, hindi na kami nagkita ni Mr. Cojuangco.

“Kaya every time na may magtatanong sa akin tungkol sa kanya, okey lang naman na pag-usapan ko kasi wala naman kaming naging relasyon. It was purely business.”

Kaya kung sakaling magkasama sila ni Gretchen sa isang event ay kaya raw niya itong lapitan at kausapin dahil hindi siya guilty sa anumang intriga.

“Gagawin ko ‘yon para lang ma-prove na wala akong ginagawang masama sa kanya or to anybody. Magpapakilala pa ako sa kanya. In that way, magiging clear ang lahat at walang masasabing may itinatago ako,” sabi ni Janina.

BLIND-ITEM RUMOR. Isa pang intriga kay Janina ay siya raw ang naba-blind item na isang former beauty queen na may sex video rin diumano with Hayden Kho.

“That’s not true! Hindi ako ‘yon!” mariing tanggi ni Janina. “Nagulat nga ako kasi maraming tumatawag sa akin at tinatanong ako regarding the sex video.

“Naguluhan ako kasi matagal ko nang hindi nakikita or nakakausap si Hayden. Oo kilala ko siya because nagkakasama kami sa mga modeling shows with different designers. I know Hayden pero hindi naman kami naging close. Actually, I find him weird kasi mahilig siyang magpa-impress sa aming mga girls. May pa-magic-magic tricks pa siya noon. Ewan ko ba bakit may gano’n siyang gimik noon.

“Basta, wala akong alam sa sex video na ‘yan. Baka si [pangalan ng isa pang beauty queen] ‘yon kasi nagkasama sila before sa isang show. Tinawagan ko nga siya regarding that at naubos pa ang load ng cell phone ko dahil hinahanap ko siya kung kani-kanino. Nainis nga ako kasi pati load ng cell phone ko, naubos dahil lang sa issue na ‘yan!” sabay tawa pa niya.

JANINA AS A SINGER. Ngayon nga at nasa showbiz limelight na siya via Celebrity Duets, bukod sa naging controversial na sagot niya noon sa Q&A sa Binibining Pilipinas, ano ang gusto niyang maalaala ng mga tao sa kanya?

“That Janina is very talented and can do whatever she puts her mind into. Noong i-offer sa akin ang pagsali dito, noong una ayoko kasi hindi naman ako singer. Pero naisip ko rin na magandang starting point itong show na ito. I can have fun and at the same time, learn how to sing and to compete again.

“Mga past contestants kasi na beauty queens sa Celebrity Duets at maagang natatanggal. Gusto ko na makilala nila ako as the beauty queen na tumagal sa competition na ito. Kaya sana ay suportahan nila ako sa pagsali kong ito,” sabi ni Janina.

Makakalaban ni Janina sa Season 3 ng Celebrity Duets sina Gina Alajar (actress-director), Jomari Yllana (actor-concert producer), Akihiro Sato (model), Maxie Cinco (fashion designer), Niccolo Cosme (photographer), Joel Cruz (entrepreneur), Mikaela (busineswoman), at Nonito Donaire Jr. (boxing champ).

Celebrity Duets will be hosted by Regine Velasquez and Ogie Alcasid. It wall start airing on August 29 at GMA-7.

via PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | News | Janina San Miguel clears rumor linking her to businessman Tonyboy Cojuangco.

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com