Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Eva Fonda cast and crew hold a thanksgiving lunch

Photo Credit: ABS-CBN.com

Nagdaos kanina ng isang munting thanksgiving lunch and cast at crew ng award-winning teleseryeng Eva Fonda upang ipagdiwang ang karangalang natanggap nila mula sa Seoul International Drama Awards 2009. Para makisanib sa kanilang pagsasaya, dumalo din sa nasabing munting piging sina ABS-CBN Channel Head Cory Vidanes at TV Production Head Linggit Tan.Matapos ang nasabing okasyon, excited na ibinahagi sa SNN ni Cristine Reyes, ang aktres na gumanap ng title role sa nasabing programa, ang ilan sa masasayang karanasan niya sa naging pag-attend niya ng awards night sa Seoul.

Ayon sa kanya, sadyang napakabongga raw ng nasabing event kung saan agad na tumambad sa kanilang lahat ang mala-Hollywood style na red carpet experience. At sa backstage naman daw, pinalad rin siyang makita in person ang isa sa mga hinahangaang miyembro ng F4 sa Koreanovelang Boys Over Flower.Maliban sa prestige bunsod ng pagkakanomina niya sa ‘Best Actress’ category ng nasabing award giving body, na flatter din di umano si Cristine sa pagbibigay sa kanya ng atensyon ng producer ng tanyag na American series na CSI, si Steven Felder. Maikling pagbabahagi nga niya, “Binigyan niya ako ng [business] card, and anytime na pupunta ko States papakita raw niya sa akin yung Universal Studio.”

via Eva Fonda cast and crew hold a thanksgiving lunch :: ABS-CBN.com.

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com