Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Willie Revillame will soon be back in Wowowee

Photo Credit: ABS-CBN.com

Matapos ang mahabang pagbabakasyon, sa Lunes (September 21) ay muling nang magbabalik si Willie Revillame sa kanyang tinuturing na noontime tahanan, ang Wowowee.  Kinumpirma ni Willie ang nasabing balita sa isang panayam sa SNN, at dito rin ay masaya niyang ibinalita ang kanyang matinding pananabik. “Tuloy na ho ang pag-asa. Tuloy na ang saya.”

Kaugnay din ng nalalapit niyang pagbabalik-trabaho, malugod namang pinasalamatan ni Willie ang ilan sa mga kasamahan niya sa industriyang humalili sa pwestong nabakante niya ng pansamantala. Lubos raw niyang ikinatuwa ito lalo pa’t noong napanood niya’y kitang-kita niya gaano kahuhusay ang mga ito.

At tulad rin ng inaasahan, miss na miss na raw talaga ni Willie ang pagbabahagi ng saya sa sambayanan sa pamamagitan ng show na Wowowee; kaya naman di raw nito maiwasang maluha sa tuwing mapapanood niya ito sa telebisyon. Gawa naman ng ilang realisasyon patungkol sa malaking papel ng nasabing programa sa pagpapasaya ng lahat ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo, mabilis din niya di umano naisang-tabi ang kanyang agam-agam kaugnay naman ng permanenteng pamamaalam dito. Aniya, “Naiyak ako kasi nami-miss ko yung everyday Willie of Fortune… Tinamaan ako na napakaganda ng programang ito at kung magdedesisyon kang ‘di na bumalik, paano na itong mga taong ‘to?”

Sa usaping politika naman, wala pa ring kumpirmasyon si Willie kaugnay ng napapabalitang pagtakbo niya itong darating na 2010 election; ngunit isang maikling mensahe naman ang ibinahagi niya sa publiko patungkol dito. “Kapag nakikita kong may pangangailangan [tatakbo ako]… Huwag kayo mag-alala, hindi ako magnanakaw. Magbibigay ako. Tandaan niyo yan.”

via Willie Revillame will soon be back in Wowowee :: ABS-CBN.com.

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com