Kristine Hermosa says relationship with Oyo Sotto will soon be “boyfriend-girlfriend thing”

Photo Credit: PEP.ph

Hindi na nakapagtataka kung bakit nai-in love na rin si Kristine Hermosa kay Oyo Sotto. Ang sabi ni Kristine: “Very loving kasi si Oyo. Maka-Diyos at saka mabait din sa pamilya.”

Generous daw kasi sa pagmamahal si Oyo. Hindi raw si Oyo ang tipong nagde-demand ng kapalit sa magandang ipinararamdam niya sa babae.

“Na-prove ko kasi,” sabi ni Kristine. “Hoping lang siya, but not demanding. Kaya nga nakuha niya sa tiyaga. Doon ko naramdaman na talagang mahal niya ako, kasi nandiyan lang siya. Naghihintay lang. Hindi siya nag-i-impose. Yun yung klase ng love na ipinapakita niya sa akin kaya naa-appreciate ko.

“Hindi tuloy ako takot na kung hindi ko ma-meet ang expectations niya, mawawala na rin ang love niya. Hindi kasi siya ganoon. Na-prove ko kasi ‘yan, na kahit hindi ko siya tratuhin nang maayos, nariyan lang siya. Na-realize ko naman yun na hindi tama.”

Hindi naman daw perfect si Oyo. Malapit lang daw ito sa ideal na tinatawag para kay Kristine.

“Na-test ko lang yung gaano kahirap, yung kahit gaano katagal,” aniya.

Pero tinanong din ng PEP si Kristine kung okey lang na siya naman ang maghihintay para kay Oyo.

“Oh, yeah!” napapailing na natatawa si Tintin. “Why not? Pero si Oyo kasi ang nakakabilib, willing pa rin siyang maghintay kahit walang katiyakan. Wala siya yung grabeng expectations. Hindi ko rin kasi pupuwedeng sabihin kung kailan na.

“Hindi pa naman talaga boyfriend-girlfriend thing ito, pero malapit na rin talaga doon. Basta nandiyan lang kami para sa isa’t isa. Mas maganda yata yun. Gaya ako, may moods ako na hindi basta maiintindihan ng mga lalaki. Pero si Oyo, kung hindi niya maintindihan, hindi niya ipipilit yung gusto niya. Pababayaan lang niya ako.”

Malaki ang ibinahagi ni Jericho Rosales at ang naging relasyon nila para makapag-isip-isip talaga nang matino si Kristine tungkol sa kanyang sariling diskarte.

“Parang natakot din kasi talaga ako to cling to someone. Ganoon kasi ako noon kay Echo. Kaya nga I was devastated when I was left alone. Matagal na rin namang tapos yun. Napapag-usapan na lang, kasi dapat kong ipaliwanag kung bakit ganito ang pananaw ko sa pag-ibig ngayon.

“Maski ngayong nagtatrabaho kami ni Echo for Dahil May Isang Ikaw, wala na akong panahon pa para mag-isip ng kung anu-anong expectations sa kanya. Kasi, mayroon nang nagmamahal talaga sa akin.

“Alam naman ninyo na matagal din bago ako nakapag-move on talaga, and Oyo helped me a lot to go through that. Hindi sa wala akong pagpapahalaga sa pagsisikap ni Oyo, sa tiyaga niya, pero ayoko talaga yung parang naka-cling ako sa kanya, na bawat bagay hahanapin ko siya dahil nasanay ang sarili ko na ganoon.

“Parang nakakatakot lang kasi na parang lahat na lang ng bagay sa buhay ko, part na yung guy. E, paano nga kung mawala siya sa akin? Hindi natin alam kung ano ang pupuwedeng mangyari,” paliwanag ni Kristine.

via PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | News | Kristine Hermosa says relationship with Oyo Sotto will soon be “boyfriend-girlfriend thing”.

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Kristine Hermosa says relationship with Oyo Sotto will soon be “boyfriend-girlfriend thing”"

Leave a Reply

%d bloggers like this: