Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Mariel Rodriguez talks about seeing Willie Revillame again

Napaka-seksi ng suot na black dress ni Mariel Rodriguez nu’ng mag-pinch hit siya kay Kris Aquino sa Showbiz News Ngayon. “Binili ko ito sa US. Hindi kasi ako pwedeng mag-black outfit sa Wowowee kaya dito na lang sa SNN,” nakangtiing simula ni Mariel. Nu’ng Miyerkules lamang dumating si Mariel mula sa show nila ng Wowowee sa US. “Tapos gusto nila mag-SNN ako. Sabi ko, pass muna. Alam mo ba na, I promised Bianca (Gonzales), ‘Bianca I’m gonna watch you,’ ganyan-ganyan. Kasi nga nanood kami ng In My Life. Tapos sabi ko panonoorin ko siya (sa SNN). Pero sa bahay, bagsak talaga ‘yung mata ko. Kaya 4:30 ng umaga gising ako. Kasi super jetlag,” lahad ni Mariel.

Tinitext din daw niya si Bianca nu’ng Huwebes bago sumalang si Mariel sa SNN na mag-abot sila sa primetime showbiz-news oriented show nina Boy Abunda at Kris Aquino. “Bibigyan niya ako ng moral support, ganyan. Tapos parang kampante lang ako. Tapos inisip ko on my way here na bakit ako kampante? E, grabe! Ang laki ng shoes na pini-fill ko ngayon. Doon ko lang na-realize nu’ng papunta na ako dito. Doon ako bigla ako’ng na-tense. Kasi siyempre nauna ‘yung jetlag na inaantok ka pa. Na ‘yun ang nagunguna, sige tapusin na natin ito. Tara na. Tapos after ko na lang na-realize, ‘Oh, my God! Ang laki ng shoes na pini-fill ko ngayon dahil si Ate Kris ito. Nag-ano nga ako kay Ate Kris ng, ‘Oh, my God! I can’t believe it.’ Wala pa’ng sagot kasi baka tulog pa sila doon,” kwento ni Mariel.

Okay naman daw ang naging show nila sa US. At doon na lang din daw nila nakita ang main host ng Wowowee na si Willie Revillame. Kumusta na si Willie? “Okay, okay siya. Mataba siya at tan! Masaya kami. Marami ang naka-miss sa kanya. Parang feeling ko siyempre lahat ng nagpunta doon gusto talaga siyang makita. Alangan namang hate siya nila tapos pupunta sila doon ‘di ba?” Ano ang sabi sa kanila ni Willie after hosting Wowowee for more than a month? “Ano, wala naman. Sabi niya okay naman. Okay naman daw kami ni Pokie (Pokwang). Nice things naman, oo. Naglalambing kami ng bonus. Parang denied. Hahaha!” natawang tapos ni Mariel.

via Mariel Rodriguez talks about seeing Willie Revillame again :: ABS-CBN.com.

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com