Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Willie Revillame returns to Wowowee today

Photo Credit: ABS-CBN.com

Sa halos dalawang buwang pagkawala ni Willie Revillame sa Wowowee, inamin ng kontrobersyal na host na nagkaroon ng pagkakataon na naging emosyunal siya dahil na-miss niya ang nangungunang afternoon variety show. “Naiyak ako kasi na-miss ko ‘yun, eh,” pangungumpisal niya. “’Yung everyday na Willie of Fortune, parang tinamaan ako na ang ganda pala ng ginagawa ng programang ito.” Balik Wowowee na ngayong Lunes si Willie.

Sabi pa ng host, pumasok talaga sa isip niya na huwag nang bumalik sa nasabing show subalit nakatulong din ang nasabing bakasyon upang maisip na makabuluhan pala ang ginagawa niyang pagbibigay ng aliw sa maraming tumatangkilik ng Wowowee. “Kung magdedesisyon ka na huwag nang bumalik, paano na ang mga taong ito (na nanonood ng Wowowee)? Parang tinamaan lang ako.” Dagdag pa niya, naisip na lamang niya na mamuhay nang simple, walang iniisip na iba lalo pa’t nararamdaman niyang makagawa man siya ng mabuti o masama ay lumalabas pa rin siyang masama.

Sobrang laki naman ang pasasalamat ng host sa kanyang mga co-host na sina Pokwang, Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at RR Enriquez na nagtulong-tulong na mag-host ng Wowowee sa pagbabakasyon ni Willie. Nagpasalamat din si Papi sa mga naging guest co-host gaya nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Gabby Concecpion at Cesar Montano at sinabing na-touch umano siya sa kanilang ginawa.

Bulung-bulungan ngayon na diumano’y tatakbo sa darating na 2010 elections si Willie at hindi naman niya itinanggi na mayroon siyang balak. “Lahat yan kasi pag-uusapan. Kung magdedesisyon man ako na (papasok sa) politics ia-announce ko naman ‘yan, eh kasi kung tatakbo man ako, hindi ako magtatago. Bakit ko naman lolokohin ang sarili ko, ba’t ko naman lolokohin ‘yung sambayahan? Ang magdedesisyon naman nito ang tao, eh,” paliwanag ni Willie.

Samantala, kung dati ay naibalita nang may sariling yacht ang host, kinumpirma rin niya na nagbabalak siyang bumili ng sariling jet hindi para sa pansariling gamit kundi para pang-negosyo. “Hindi naman pagyayabang ‘yan, kundi in a business side. Gusto ko mag-aviation business. ‘Yung chopper, icha-charter ko,” aniya. Gusto raw kasi niyang umansenso sa buhay dahil alam niyang hindi habang panahon ay sikat siya at kung sakali mang hindi na mag-rate ang Wowowee ay may naipundar na siya. Gayunpaman, kailangan pa raw umano niyang pag-ipunan ang balak niyang bumili ng private jet.

via Willie Revillame returns to Wowowee today :: ABS-CBN.com.

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com