More Recent News

Kris Aquino confirms selling her house for brother’s campaign fund

Photo Credit: ABS-CBN.com

Naibenta na umano ni Kris Aquino ang kanyang bahay sa halagang humigit daw sa P50 milyon. Ang pera na ito ay magsisilbing campaign fund ng kanyang kapatid na si Sen. Noynoy Aquino sa presidential elections sa 2010. Sa ulat ng TV Patrol noong September 24, inamin ni Kris nai-close na niya ang deal para sa pagbebenta ng kanyang bahay.

Matatandaang kamakailan lamang ay ibinahagi ng actress-host na hindi pumayag si Noynoy na ibenta ang bahay ng magasawang si Kris at James Yap dahil ayaw umano niyang mawalan ang bahay ang mga anak ni Kris. Gayunpaman, mukhang itinuloy pa rin ni Kris ang kanyang plano.

Nilinaw naman ni Kris na kinausap niya ang kanyang asawa at pumayag naman ito sa kanyang plano. “Tinanong ko si James sabi ko, ‘Okay ba sa ‘yo ito, baka naman after May (2010 elections) sisisihin mo ko,’ tapos sabi niya, ‘Hindi. Eto na ‘yung tulong natin talaga,’” kuwento ni Kris.

Sinabi rin ni Kris na bibili sila ng mas maliit na bahay. “It’s not that were going to be homeless, we’re buying a smaller place, a condominium.”

Samantala, naiyak naman si Kris sa mga batikos ngayon na ipinupukol sa kanyang kaibigan at co-host na si Boy Abunda dahil sa paglipat niya ng ieendorsong kandidato sa eleksyon. Dati kasi siyang sumusuporta kay Manny Villar ng Nacionalista Party subalit lumipat siya sa Liberal Party para ikampanya si Noynoy. Kuwento ni Kris sa pambabatikos kay Boy, “Parang sinabihan siya, tinatanong kung totoo daw na tumanggap siya ng pera galing sa mga Villar, ngayon ayaw niyang ibalik dahil sa nag-Noy na siya and it’s so untrue.”

Sa ngalan naman ni Villar na nasa ibang bansa ngayon, sinabi naman ng kanyang mga kapartido na wala silang alam na ganoong kasunduan sa pagitan ni Villar at ni Boy Abunda at kahit na lumipat ng ibang partido si Boy ay mananatili siyang kaibigan.

Hindi rin masama ang loob ni Kris kung mas pinili ng ibang artista na ikampanya ang ibang kandidato at hindi si Sen. Noynoy, gaya ni Willie Revillame na pro-Villar. Mayroon lang umanong isang pakiusap si Kris kay Willie, “Sabi ko, ‘Alam ko na kailangan mong ikampanya ang kandidato mo. ‘Wag mo lang babuyin ang kapatid ko, ‘wag mo lang atakihin ang kapatid ko—the term is balahura—‘Wag mong ibalahura, walang problema sa kin kasi nauunawaaan ko ‘yan.”

via Kris Aquino confirms selling her house for brother’s campaign fund :: ABS-CBN.com.

Related Posts with Thumbnails
«
»

Comments

4 Responses to “Kris Aquino confirms selling her house for brother’s campaign fund”
  1. jeda says:

    gusto ko talaga c krissssssss……….

    ewan ko ba,basta kung saan hapi c krisss………….

  2. jeda says:

    basta no matter what kriss decision okay lang kahit magbenta pa siya ng sang katirbang bahay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    i like her talaga………………………………………………….

  3. marnie says:

    i love u krizy. . . . keep smiling,God bless!

  4. monisette says:

    siempre ibenta nya for noynoy’s campaign fund kasi pgnanalo c noynoy three folds or more ang balik nang 50million.

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge
Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com