Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Cristine Reyes shares her rather traumatic ‘Typhoon Ondoy’ experience

Ilang oras ring na- stranded si Cristine Reyes sa ibabaw ng bubong ng kanilang bahay sa Provident Village, Marikina kasama ang ilan sa kanyang mga kapamilya, bago di umano masagip kahapon (September 27) ng madaling-araw ng kaibigan nitong si Richard Gutierrez lulan ng isang speed boat. Halos mangiyak-ngiyak si Cristine habang binabahagi ang tila kahabag-habag na naging sitwasyon nila ng kanyang pamilya sa kasagsagan ng Bagyong Ondoy na nanalanta di lamang ng kanilang bahay kundi kabuhayan ng libo-libo pang mga Pilipino sa buong bansa. Pagbabahagi niya, “ Nginig na nginig ako at basang-basa sa sobrang lakas ng hangin… Buti na lang kinaya. ”

Sa muling pagbabalik niya sa kanilang tahanan upang magsalba pa ng ibang mga gamit, masasalamin ang ani mo’y malagim na pinagdaanan nila. Basang-basa na sa matagal na pagkakalublob sa tubig ang lahat sa kanilang mga gamit at lubog pa rin sa putik ang sahig ng unang palapag ng kanilang tahanan; ngunit sa kabila ng lahat ng ito, lubos pa rin ang pasasalamat ni Cristine dahil sa mala-delubyong pinagdaanan niya’y maayos silang nakaligtas ng buo niyang pamilya.

Kaugnay naman ng naging pagsagip sa kanya, hindi maiwasang bahagyang mahiya’t manghinayang ni Cristine. Noon raw kasing mga oras na bumibiyahe na sila papalabas ng danger zone na siyang pinanggalingan din nila, kitang-kita daw di umano niya ang iba pang mga taong nananawagan sa kani-kanilang mga bubong at humihingi ng tulong; ngunit sa kasamaang palad, gustuhin man niyang tulungan ang lahat ay wala siyang magawa. Paliwanag nga niya, “Nung nandoon na ako sa speedboat, kitang- kita ko yung mga kapitbahay namin. Humihingi rin sila ng tulong, nakakawa. Pero syempre di naman lahat pwede makasakay… kundi lulubog din kami.”

via Cristine Reyes shares her rather traumatic ‘Typhoon Ondoy’ experience :: ABS-CBN.com.

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com