Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Jericho Rosales reacts on his rumored romance with Cristine Reyes

Kagabi, mariin muling itinanggi ni Jericho Rosales sa isang maikling panayam sa SNN ang kontrobersyang pilit na nag-uugnay sa kanya sa dati nitong girlfriend na si Heart Evangelista. Hindi raw totoo ang mga bali-balita kaugnay ng madalas di umano nilang pagkikita ng dalaga; at higit pa rito’y wala rin di umanong katotohanan ang kumakalat na chismis na nagkabalikan muli sila.

Hindi pa man humuhupa ang pang-iintriga sa pagitan nilang dalawa ng dating karelasyon, tila mayroon na naman di umanong panibagong pangalang nali-link ngayon sa hunk na si Echo—at ito’y walang iba kundi ang young sexy actress na si Cristine Reyes. Ayon sa ilang kwento, madalas di umanong mamataan ang dalawa na lumalabas, kaya naman ganoon na lamang ang pagkakabuo ng bali-balitang nagkakamabutihan ngayon ang dalawa.

Pagbibigay linaw naman ni Echo kaugnay ng nasabing isyu, magkaibigan daw talaga sila ni Cristine kaya hindi na dapat bigyan pa ng malisya ang madalas na pagsasama nila. Paliwanag nga niya, “We’re friends… Wala naman kaming [romantic] relationship. We go out, kami, magkakasama kaming magkakabarkada.”

via Jericho Rosales reacts on his rumored romance with Cristine Reyes :: ABS-CBN.com.

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com