Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Cristine Reyes pissed off by rumors about her typhoon ordeal

Bagamat ilang linggo na rin ang nakalilipas nang maging biktima si Cristine Reyes at ang kanyang pamilya ng bagyong Ondoy, ang naturang pangyayari pa rin ang isa sa kinumusta ng entertainment press sa kanya sa grand press conference ng Patient X kahapon, October 15, sa Dulcinea restaurant, T. Morato Ave., Quezon City.

Hindi na raw sila bumalik sa bahay nila sa Provident Village sa Marikina. Nakahanap na rin daw siya ng sariling bahay sa may Batasan Hills.

“Okey naman yung sa Batasan, safe siya, hindi siya binaha. Solo ko na yung bahay, pero katabi ko yung sa Mommy ko. Yung sa akin, ako ang solong magbabayad. Sa Mommy ko, hati kami ng Ate ko.”

Ano na ang plano nila sa bahay nila sa Provident?

“Hindi ko pa napagpaplanuhan. Pero for sure, hindi na kami babalik dun,” sagot niya.

Sa mga gamit nila, wala na raw silang na-save o nabalikan pa bukod sa mga alahas nila. Fresh start na lang daw talaga.

“Yun, nilinis na lang.”

Wala ba siyang trauma na nararamdaman pagkatapos ng naturang bagyo?

“Hindi naman…hindi naman ako natu-trauma. Kasi, gusto ko naman yung weather na rainy, malamig. So, hindi problema sa akin if ever man na malakas ang ulan, hindi ako natatakot.”

IRRITATING TALKS. Tinanong din namin si Cristine kung ano ang reaction niya sa mga naglalabasang balita na kesyo bumalik daw siya sa Provident, sakay ng army truck. May ilan daw sa mga residente ng Provident ang humingi ng tulong niya, pero nilagpasan lang niya. May mga nag-post pa nga ng mga litrato sa iba’t ibang networking sites, gaya ng Facebook, although malayo ang kuha at hindi rin naman maaninag kung sino ang nakasakay.

“Hindi totoo yun,” tanggi ng young actress. “Kasi, hindi naman ako sumasakay ng army truck. Kung totoong may picture, ilabas nila kasi hindi talaga ako yun. Baka naman maputi lang, sinabi na agad na ako.

“At saka noong magpunta ako dun, gamit ko ang car ni Ate. Kasama ko ang kapatid ko. ‘Saka, sino ang hihingi ng tulong, lahat na nga okey na dun, di ba? Ako nga yung humihingi ng tulong that time. Yung mga nandun, naglilinis na lang. Anong hihingin nilang tulong? What’s the point, para makapanira lang? So, ano pa ang gusto n’yo, nabaha na, nasiraan na at lahat, sisirain n’yo pa?” himutok niya.

Ano pa’ng kinaiinisan niya?

“Yung part na ganoon… yung parang may mga ibang tao na hindi pa kuntento sa nangyari sa amin. Parang gusto n’yo lumubog na ‘ko nang todo. So, mas maganda kung huwag na lang nating pansinin ang isyu,” sabi ni Cristine.

Itinanggi rin ni Cristine ang balitang nagtampo raw siya sa ABS-CBN dahil hindi siya natulungan ng kanyang home network during the time na nanghingi siya ng tulong.

“Hindi po ako nagtatampo sa kahit kaninong tao,” paglilinaw ni Cristine. “Kasi, lahat naman po sila, gumawa ng way para tulungan ako. And then, thankful naman ako, kasi sa lahat sa kanila, may dumating kahit paano. So, wala akong ikinakatampo sa kahit na kaninong tao na hindi dumating.

“At saka, alam ko po, lalung-lalo na sa ABS, na talagang gumawa sila ng way para tulungan ako. Tsinek nila ang mga chopper, kaso hindi talaga puwede dahil zero visibility. Lahat po ng tao na hiningan ko ng tulong, gumawa ng way. It’s just that, hindi kaya dahil talagang delikadong pumunta sa bahay ko po.”

RICHARD TO THE RESCUE. Dahil ang kapareha niya sa Patient X na si Richard Gutierrez ang isa sa mga sumagip kay Cristine, naging malapit daw sila sa isa’t isa.

“Siyempre, mas parang na-prove ko kung paano siya maging kaibigan, di ba? Parang sobra yung ginawa niya sa akin that time. Parang maaasahan siyang kaibigan talaga. After what happened in Provident, siya ang nag-save sa akin, puwede niyang ikamatay or something, hindi biro yun. So, mas naging tight yung friendship namin,” sabi ni Cristine.

Idinepensa rin ni Cristine ang leading man sa mga negatibong komento na ibinabato rito sa kabila ng naging pagtulong sa kanya.

“May iba pa namang tinulungan si Richard, yun ang hindi nila alam. Hindi ko lang alam kung may gumagawa ng story about it na hindi tinulungan ang iba. Pero may tinulungan din si Chard na taga-dun din, sa Provident,” aniya.

During the Q&A segment, ibinuking naman ng Startalk host at talent manager na si Lolit Solis na noong Miyerkules (Oct. 14) ay magkasama raw sina Cristine at Richard sa Subic .

Sabi naman ni Cristine nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), “Before pang mangyari yung Provident, talagang nagyayaya na si Chard na mag-beach. Wala lang po talaga akong time kasi everyday po akong may work.

“So, after nitong baha, nagkaroon ako ng free day. So, sige, free ako, mag-beach tayo. Nag-jet-ski, nag-speedboat, sound, relax lang. First time na nag-speedboat kami na relax lang. Hindi delikado ang buhay namin. Masaya, having fun lang.”

Kasama raw ni Richard noon ang dalawang kapatid nito at siya naman ay kasama ang kaibigan niyang si Princess Ryan.

Sa pagiging close nila ni Richard ngayon, sa palagay kaya ni Cristine ay walang ibang taong masasagasaan?

“Sa akin wala,” mabilis na sagot ni Cristine.

Kay Richard? Open secret naman kasi sa showbiz ang relasyon ng young actor kay Jewel Mische, bagamat hindi pa umaamin ang dalawa.

“Hindi ko alam… siya ang tanungin n’yo d’yan,” iwas ni Cristine. “At saka, hindi ako nagtatanong. Single naman ako. Wala naman akong masasaktan. At saka kaibigan lang naman siya, wala namang… nothing more.”

Secure naman ang feeling niya na wala siyang nasasagasaan sa pagiging close nila ni Richard?

“I hope so,” nakangiti niyang sabi. “Hindi ko rin kasi alam, kasi ayoko rin namang magtanong dahil para sa akin, we’re just friends. Di ba, ayokong manghimasok sa ibang tao.”

Habang ini-interview ng press sina Cristine at Richard, kapansin-pansin na hindi rin sila nagbibitiw ng kamay habang magkatabi. After kaya ng movie nila ay magtutuloy-tuloy pa rin kung anuman ang meron sila ngayon?

“Ay, hindi ko alam,” sagot ni Cristine. “Hindi ko masasagot ‘yan sa ngayon.  Right now, we’re having fun lang naman. Hindi ko alam. Hindi ko masasabi.”

DENNIS TRILLO. Ang alam ng mga tao na last relationship ni Cristine ay sa aktor na si Dennis Trillo. Hindi ba niya naisipang tawagan si Dennis noong kasagsagan ng bagyong Ondoy?

“Marami akong hiningan ng tulong. Pero kasi that time, nagpa-panic na ‘ko. So, kung sino na lang yung fastest way na makatulong sa akin, like ABS, GMA, tapos yung mga friends ko na may connection sa mga Red Cross, NDCC [National Disaster Coordinating Council]… Si Ate [Ara Mina], siyempre mga kapatid ko, sila yung una kong iisipin.

“Nagkataon lang talaga na kausap ko noong morning na yun si Chard. Siyempre, kausap ko na, so siya ang unang makakabalita kung ano ang nangyayari sa akin,” paliwanag niya.

Kinumusta ba siya ni Dennis pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanya?

“Kinamusta naman… nag-text siya. Yun, nag-alala raw siya,” maikling sagot ni Cristine.

via PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | News | Cristine Reyes pissed off by rumors about her typhoon ordeal.

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com