Edu Manzano bids farewell to ‘Pilipinas Game KNB?’

Dinalaw ng ABS-CBN.com si Edu Manzano sa last taping day niya sa Pilipinas, Game ka Na Ba? (PGKNB) noong Lunes, Oktubre 19. Sa aming pagpunta sa studio ay napanood din namin ang masayang pagsasama-sama ng mga previous winners na muling naglaro para sa victims ng bagyong Pepeng at Ondoy. Bukod sa kasiyahang ito, mas naging espesyal ang araw na yun para kay Edu dahil matapos ang ilang buwang absence sa Umagang Kay Ganda (UKG) ay muli siyang nagbalik sa kanyang early morning hosting stint that same day. If we can still remember, Edu left UKG when he decided to concentrate more on his job as chairman of the Optical Media Board (OMB).
Now that his term in OMB is about to end in December at nag-season ender na rin ang kanyang sikat na game show, diretsahang tinanong namin si Edu tungkol sa balitang pagtakbo umano nito sa darating na 2010 elections bilang senador. Isa raw kasi siya sa pinagpipilian ng partido ni dating pangulong Joseph Estrada na maging bahagi ng kanilang senatoriables. “Well, pinag-iisipan pa rin. Marami ang nago-offer, maraming dapat pag-isipan,” seryosong pahayag ni Edu.“ Kung ire-rate ko? 85% siguro yung kung tatakbo man ako at 15% yung hindi pa sigurado kasi may mga bagay pa ring kailan kong isaalang-alang.”
Inamin din ni Edu na personal siyang nilapitan ni Senator Jinggoy Estrada para imbitahan siyang sumapi sa Puwersa Ng Masa (PNM, Philippine opposition’s coalition party) pero hindi pa siya nagko-commit ng kahit na ano. “Yes, wala pang finality. Hindi pa kami nakapag-reach to an agreement. So, imbitasyon lang. ‘Yan din naman ang ginagawa ng ibang partido eh, ini-invite rin ako.”
So why did his term in OMB end? May mga ispekulasyon kasi kaya niya ginive up ang kanyang posisyon bilang OMB chairman ay dahil plano na talaga niyang tumakbo bilang senador sa 2010 elections. Ngunit paliwanag ni Edu, “Well, kasi sa OMB naman, as per law, hanggang dalawang termino ka lang ng tigti-three years so wala kang magagawa. E magsi-six years na ako eh. Since malapit na rin mag-December, naisip ko lang na umalis ng maaga.” Ganunpaman, confident si Edu na maayos niyang iiwan ang kanyang trabaho sa OMB. “Maganda naman ang naging reputasyon ng OMB here in our country, sa U.S., at sa iba pang bansa. Remember ang OMB nananalong Asia’s Copyright Enforcer of the Year,” pagmamalaki pa niya.
via Edu Manzano bids farewell to ‘Pilipinas Game KNB?’ :: ABS-CBN.com.












