Toni Gonzaga has no regrets that she and Sam Milby never ended up together

Ibinuko ni Ruffa Gutierrez si Toni Gonzaga nang sabihin ng The Buzz host na sinabi umano dati ni Toni na dahil sa sobrang dami ng magagandang babae sa showbiz at dahil sa pinaghintay niya si Sam Milby ay napunta tuloy ito sa iba. Pero sinabi ni Toni na kung anuman ang kanilang nakalipas ay wala siyang panghihinayang. “Naging sobrang close kami at siyempre there are things na hindi naman natin hawak ang lahat ng pangyayari pero kung anuman ang nangyari noon at sa ngayon walang regrets,” paliwanag ni Toni at idinagdag na mas malalim pa nga ngayon ang pagkakaibigan nila ni Sam. Masaya rin ngayon ang love life ni Toni sa piling ni director Paul Soriano.
<–more–>
Kahit na hindi sila nagkatuluyan ay walang dudang malakas pa rin ang hatak nina Sam at Toni at muli silang magkakasama sa pelikulang Ang Tanging Pamilya kasama sina Ai-Ai de las Alas, Joseph Estrada at Mommy Dionisia Pacquaio. Ani Sam, excited siya dahil halos dalawang taon na ang nakalilipas nang magtambal sila ni Toni sa My Big Love at alam niyang maraming tagasubaybay nila ang matutuwa sa kanilang pelikula. Sambit pa ni Toni, kahit matapos nilang gawin noon ang pelikulang My Big Love ay hindi naman sila nawalan ng communication ni Sam pero hindi naman ganun kadalas.
Nang usisain ni Ruffa si Sam kung ano ang nagustuhan niya kay Toni, sinabi ni Sam na paglabas niya ng Pinoy Big Brother house noon ay nagkaroon siya agad ng crush kay Toni at lalo pa siyang humanga sa dalaga dahil sa tindi ng humor nito.
Samantala, sobrang natutuwa naman ngayon si Toni sa balik tambalan nila ni Sam na inilarawan niyang masarap katrabaho at mas matindi ngayon ang determinasyon at pagmamahal sa kanyang trabaho.
Nang tanungin ni Ruffa sina Sam at Toni kung ano ang dahilan kung bakit masyadong malakas ang kanilang chemistry, sinabi ni Sam na ang alam niya ay they compliment each other at isa ito sa mga bagay na hindi na maipaliwanag. Sinabi naman ni Toni na opposites attract at dahil magkaiba ang kanilang ugali at kultura ay marami silang natutunan sa isa’t isa dahil sa magkaibang kinalakhan.
Samantala, ang kanilang pelikulang Ang Tanging Pamilya ay ipalalabas na sa mga sinehan simula ng November 11.
via Toni Gonzaga has no regrets that she and Sam Milby never ended up together :: ABS-CBN.com.













