Jolo Revilla says he respects John Prats and Shaina Magdayao’s relationship

Sinadya ng ABS-CBN.com ang set ng Ramon Revilla Series Presents: Pepeng Agimat sa Norzagaray, Bulacan kung saan naroon ang bidang si Jolo Revilla. Siya na ngayon si Pepeng Agimat, ang isa sa mga tagapagmana ng mga sikat na karakter na ginampanan ng lolo niyang si Ramon Revilla, Sr. Espesyal para kay Jolo ang pagganap niya bilang si Pepeng Agimat sa henerasyon ngayon siyempre dahil sa suportang binibigay ng amang si Senador Bong Revilla sa kanya. Halatang enjoy nga si Jolo at sinabi pa ng aktor na sa muli niyang pagti-taping ng ma-aksyon na seryeng ito, friendly daw ang atmosphere sa set, hindi mabigat ang dating. Dagdag pang sabi ni Jolo, guest role lang daw si Sen. Bong dito at hindi siya mapapanood sa kabuuhan ng seryeng ito.
So, ano naman ang masasabi ni Jolo na hindi siya pinabayaan ni Sen. Bong, at talagang nag-paalam pa ang ama niya sa GMA-7 para makasama lamang siya sa isang proyekto? “Actually, one day lang siya nag-taping, hindi siya sa buong episode o series makikita.” Eh, sinasabi ni Sen. Bong na loyal siya sa Siyete pero dahil sa pagmamahal niya sa anak, eh, gusto niyang bigyan ito ng suporta even if it means having to ask permission sa management ng GMA-7. Say naman ni Jolo, sabay tawa. “For the love of.”
Kasama rin sa Pepeng Agimat ang mag-amang Pen at Ping Medina at si Melissa Ricks. Napag-alaman naming kay Shaina Magdayao raw pala unang inoffer ang role na ito pero sa hindi malamang dahilan ay napunta kay Melissa. Matatandaan ding si Shaina ang unang ipinareha kay Jolo kaya lang, na-in love noon ang binata at nagka-relasyon sa iba. Ngayon ay muntik na sana silng magsamang muli ni Shaina pero naudlot na naman. Inintriga tuloy si Jolo, how true na hindi pinayagan ni John Prats ang nobyang si Shaina na lumabas sa proyektong ito with Jolo, as in, nagkaroon daw ng takot factor si John dahil matinik umano sa babae si Jolo? “Dahil matinik ako? Hindi naman!” biglang bawi ng binata. “Good boy naman ako, saka wala namang problema dahil single naman ako. Nabalitaan ko ngang sila, eh, di hindi napuwede ‘yun. Respeto na lang.” Anong ibig sabihin ng single siya? “Basta kailangan lang namin ng time para sa pag-aaral, sa pamilya. Kung ano man ‘yun (set up) sa amin na lang ‘yun. Basta hindi na kami.” Mariing sabi pa ni Jolo about the status of his relationship with her girlfriend, Lovi.
Binanggit din ni Jolo sa ABS-CBN.com na he’s now back in school. Yes, nag-aaral na ngayon muli si Jolo sa Asian Institute of Management. Pangarap talaga ng aktor na makatapos ng pag-aaral at eventually na magkaroon ng sariling negosyo kahit sabihin pang abala siya sa pagiging isang artista.
via Jolo Revilla says he respects John Prats and Shaina Magdayao’s relationship :: ABS-CBN.com.










