Ruffa Gutierrez reveals a guy is keeping her inspired

“It’s a secret,” sambit ng The Buzz host na si Ruffa Gutierrez nang tanungin kung sino ang sinasabing inspirasyon niya ngayon. “Tao siya, binata naman siya. I think ‘yun ang pinakaimportante kasi mabuti na ‘yung mga pumuporma walang asawa, di ba? ‘Yun ang pinaka-ayoko, ‘yung may asawa.”
Boto rin umano ang striktong nanay ni Ruffa na si Annabelle Rama sa diumano’y inspirasyon ng anak at may tiwala rin daw siya sa kanyang anak. “I’m so happy talaga at least nagtitiwala na si Mommy sa akin and I’m sure naman she knows na I won’t do anything na makakasira sa akin o makakakasira sa mga anak ko,” reaksyon ni Ruffa. “If I introduce my inspiration to my mom and dad, ibig sabihin he’s worth it di ba?”
Samantala, sa The Buzz kahapon ay sinabi ni Kris na by September next year ay may ipakikilala umano siyang lalaki kay Ruffa. Sa ngayon ay dalawang pulitiko umano ang napipisil niyang ipakilala kay Ruffa. Ang isa ay binata habang ang isa ay biyudo umano.
Samantala, happy na makakatambal ni Ruffa ang ex-boyfriend nitong si Zoren Legaspi sa upcoming movie na Shake, Rattle and Roll. Gaganap na magkasintahan ang dalawa sa nasabing pelikula. Pagbubulgar pa ni Ruffa, masaya siya na okay na sila ni Zoren ngayon dahil may time na pitong taon din silang hindi nag-usap. Subalit pareho na silang masaya ngayon sa kanilang mga personal na buhay. Si Zoren ay ang kasalukuyang partner ng kumare ni Ruffa na si Carmina Villaroel. Pag-amin pa ni Ruffa, sa simula’t simula pa lamang umano noon ay si Carmina na ang crush ni Zoren.
via Ruffa Gutierrez reveals a guy is keeping her inspired :: ABS-CBN.com.












