Anne Curtis admits that she and Kris Aquino share similar traits

Nito lamang huling panayam sa kanya patungkol sa pinaplanong biopic ng namayapa niyang ina na si Dating Pangulong Cory Aquino, buong galak na ipinaalam ni Kris Aquino ang kagustuhang niyang gampanan ni Kim Chiu ang role niya. Ani ni Kris, bagay na bagay di umano ang young actress to play her part during her younger years dahil liban sa paghanga niya sa talento nito bilang artista’y kuhang-kuha raw ng dalaga ang ilan sa prominent physical attributes niya, specifically her eyes.
Ganito man ng personal na pahayag ni Kris, mayroon namang ilang miyembro ng press na nagsasabi na mas bagay di umano ang artistang si Anne Curtis sa naturang role. Ayon nga sa kanila, the character truly fits Anne because her aura as is speaks so much of Kris’ bubbly personality.Sa isang maikling panayam sa SNN, nagreact naman na si Anne kaugnay nito. Truly flattered ‘di umano si Anne sa naturang comment, and on a more personal note, she adds na siya mismo ay nakakakita ng ilang similarities nila ni Kris kaya raw siguro ganoon na lang ang comment ng ibang press people.
Ilan nga sa mga nasabi niyang pagkakapareha nila ng ‘Queen of Talk Show’ ay ang pagiging kikay, makulit and as she puts it, “hindi masyadong mahinhin.” Pagbibigay diin nga niya kaugnay ng pahayag, “Personality wise siguro, doon kami match ni Ate Kris.” And regarding sa pagpili ni Kris kay Kim over her, Anne gladly exclaims na wala naman siyang sama ng loob or anything against her Ate Kris.
via Anne Curtis admits that she and Kris Aquino share similar traits :: ABS-CBN.com.













