Janice de Belen scolds ex-hubby John Estrada via a social networking site: Facebook

Pangalawang pagkakataon na umanong nagmintis ni John Estrada na magbigay ng kanyang monthly support sa kanyang mga anak sa dating asawang si Janice de Belen kung kaya’t nakapag-post si Janice ng pagsumbat sa ex-hubby nito na lumikha ng ingay sa showbiz. Sa Facebook account ni Janice, inilagay niya ang mga sumusunod: “Mahirap bang intindihin na ang child support ay ibinibigay monthly as part of your obligation as a father. Hindi parang abuloy mo lang? Nangaliwa ka na, binigay na ang freedom mo, ‘yun lang kung ano ang dapat para sa mga anak mo, di mo pa maibigay?”
Depensa ni Janice, “Those were my thoughts. I was just thinking aloud.” Aniya naging big deal lamang ang kanyang post dahil malaking social network ang pinanggalingan ng kanyang shout-out. “Like I said I was thinking aloud and I think I’m allowed to do that,” sabi pa ng aktres. Inamin naman niyang overwhelming ang naging response sa kanyang post at maraming nagbigay ng kanilang words of encouragement.
Matapang ding sinabi ni Janice na kung kailangan pa niyang i-post uli ang comment ay handa niyang gawin dahil handa umano niyang ipaglaban ang karapatan ng kanyang mga anak. “Kung di ko kayang ipaglaban ang mga anak ko, sino’ng lalaban para sa kanila,” sambit niya.
Nang makapanayam naman ng The Buzz si John, maikli subalit makahulugan naman ang kanyang pambungad na sagot. “Ipagdadasal ko na lang siya,” ani John. Sinabi niya na handa niyang akuin na siya na ang masama sa sitwasyon at hindi umano niya kayang magalit o sumama ang loob sa ina ng kanyang mga anak. “Nanay siya ng mga anak ko, eh. Paano ako makakapagsalita ng masama sa nanay ng mga anak ko, di ko kaya,” dagdag pa ni John.
Sinabi naman ni John na nakakapag-usap naman sila ni Janice. “Wala tayong magagawa d’yan kasi parati naman sa Pilipinas na lalaki ang masama, di ba, ‘pag naghiwalay. Pero okay lang. Basta ako, alam ko ang obligasyon ko,” tapos ni John.
via ABS-CBN.com.















Ang kapal naman ng mukha ni John talaga. You have 4 kids hindi mo manlang sustentuhan. Sana paglaki ng mga kids mo hindi ka i recognize na tatay nila.
Dapat lang wala siyang masabi kay janice dahil siya ang nang iwan ng asawa gawin niya talaga ang obligasyon niya mag sustento ng tama para wala masabi sa kanya si janice
imagine 4 ang anak kung magkano lang ang ibibigay just be man enough na matuto kang mag sustento ng tama para wala masabi sa yo anyway matatalino ang mga anak mo ngayon bata pa sila pag lumaki na sila mararanasan mo din ang pag wawalang bahala sa kanila ganun naman kung ano ang iyong itinanim yun din ang iyong aanihin. KAYA MAG ISIP SIP KA JOHN.
tama lang na walang masabi siya kay janice siya ang nang iwan tapos hindi pa siya nag susustento ng tama.
be man enough harapin mo ang resposibility mo mag sustento ka ng tama para walang masabi sa iyo si janice.
Anyway ngayon mga bata pa sila pag lumaki na sila mararanasan mo din ang baliwalain ka kung ano ang itinanim yun ang iyong aanihin KAYA MAG ISP ISIP KA JOHN……
hey jonh guwapo ka panaman saan ang balls mo
anak mo yang may responsibidad ka sa anla
be a man naman
John… Anak mo, responsibilidad mo. Kawawa naman si Janice. Nakakahiya ka kapangalan pa naman kita. Leche!
For Jhon….i dont know where did u get that guts nagagawa mong mambabae ni mga anak mo di mo kayang suportahan….as in sobrang KAPAL ng FACE MO JHON! I DON’T EVEN UNDERSTAND BAKIT NAGUSTOHAN KA NI JANICE… SO WITH SOME OTHER GIRLS…. NI WALA KA NGANG KAYANG MAIPAGMALAKI KAHIT KANINO! or PROBABLY ITS UR BALLS… SHAME ON YOU!!!