Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

‘Pilipinas Got Talent’ successfully stages first auditions

Nagsimula na ang Pilipinas Got Talent sa paghahanap ng mga Pinoy na may kakaibang galing at talento. Noong November 6, 7, at 8 ay ginanap ang unang auditions ng Pilipinas Got Talent sa Lyceum of the Philippines, Batangas. Halos isang libong katao ang dumagsa sa audition upang ipamalas ang kanilang mga kakaibang talento sa pag-asang maiuuwi ang P2 Million papremyo para sa magiging kampeon ng Pilipinas Got Talent.

Napabilib ang pamunuan ng programa sa iba’t-ibang talento kanilang nasaksihan. Expected na magpapamalas ng galing sa pagkanta at pagsayaw ang iba. Subalit hindi rin nagpadaig ang ilang nagpakita ng kanilang kakayahan na kumagat ng blade, maglakad sa bubog, magpasok ng thumbtacks sa ilong, magbalanse sa pole, at mag-juggle ng mga bote at iba pang bagay. May mga grupo namang nag-perform ng mga nakakamanghang acrobatic dance routines. Ang ilan ay kasa kasama ang kanilang mga cute alagang aso at pusa sa pag-perform ng mga tricks. Nakakabilib din ilang mga walang paningin at may ibang uri ng kapansan ngunit may ibubuga pa ring talento.

Inasahan na ng mga producers ng Pilipinas Got Talent na may mga gagawa ng mga delikadong talento kaya bago sumalang sa audition ay kinausap nila ang mga tao upang malaman kung talagang bihasa sila sa paggawa nito. Upang makasiguro sa kaligtasan ng lahat, may mga paramedic at ambulansya ring naka-stand by habang ginaganap ang audition.

Ang kakaiba sa Pilipinas Got Talent ay hindi lamang iisang klaseng talent ang makikita. Dahil dito ay hindi naging madali para sa mga producers ng show na sabihin kung sino nga ba ang magaling dahil bawat isang talento ay masasabing unique.

Patuloy pang lilibutin ng Pilipinas Got Talent ang buong bansa upang maghanap ng iba pang mga talento. Sa pagbisita ng programa sa bawat probinsiya ay inaasahang matutuklasan ang iba pang nakakabilib na kakayahan ng Pinoy.

Abangan ang Pilipinas Got Talent auditions sa inyong lugar: November 19, 20, and 21 – Baguio Country Club, Baguio City at November 25, 26, and 27 – Cagayan De Oro.

via ABS-CBN.com.

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com