Krista Ranillo’s manager says rumors linking the actress and Manny Pacquiao are “unfounded”

Hindi man direktang napag-usapan ang tungkol sa balita kina Manny at Krista, sinabi ng Pambansang Kamao sa isang interview pagdating niya na walang problema sa kanilang pamilya. At upang patunayan ito ay naghalikan pa sila ni Jinkee sa harap ng kamera. Ganito rin ang naging eksena sa victory party na inihandog sa kanya ng GMA-7 sa SM Mall of Asia kinahapunan.

Ilang araw lamang ang nakalipas mula nang siya’y dumating, nagsalita na rin sa wakas si Manny tungkol sa nababalitang relasyon nila ni Krista. Kung noon ay “no comment” ang isinasagot niya sa tuwing tinatanong tungkol sa kanila ni Krista, sa pagkakataong ito ay idiniin ng Pambansang Kamao na “matalik na magkaibigan” lamang sila ng aktres.

Nagpaunlak na rin ng interview si Jinkee sa Showbiz Central noong Linggo, November 23. Hindi man direktang sinagot ni Jinkee ang pag-uugnay sa kanyang mister at kay Krista, inamin niya na ito na ang pinakamalaking pagsubok na dumating sa pagsasama nila ni Manny.

Sinabi rin ni Jinkee na naniniwala siyang maraming babaeng “lumalapit at nagpapapansin” kay Manny dahil sa tagumpay na tinatamasa ng kanyang asawa.

Sa ngayon ay si Krista na lamang ang hindi nagsasalita tungkol sa isyung ito, bagamat nagbigay na ng kanilang pahayag ang kanyang pamilya at ang kanyang manager upang ipagtanggol siya.

Ayon sa reports, nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Krista sa susunod na linggo. Magkakaroon din daw ng press conference kung saan inaasahan na sasagutin na ng aktres ang mga intriga at batikos sa kanya kaugnay ng relasyon diumano nila ni Manny.

via PEP.ph

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Krista Ranillo’s manager says rumors linking the actress and Manny Pacquiao are “unfounded”"

Leave a Reply

%d bloggers like this: