More Recent News

  • Meta

  • Advertise here

  • I bet online readers haven't read
  • Old Chika


  • View My Stats

Katrina Halili on fight for justice: “Dasal pa rin at tapang ang kakampi ko.”

Maganda ang aura ni Katrina Halili nang bisitahin namin siya sa set ng Darna sa Bulacan. Bukod sa first taping niya iyon para sa top rating telefantasya ng GMA-7, lumabas noong November 20 ang decision ng Professional Regulation Commission na i-revoke ang lisensiya ni Hayden Kho Jr. bilang doctor.

Natuwa si Katrina dahil natupad ang isa sa mga pinagdarasal niya na mangyari. Panay nga raw ang pasalamat niya sa Diyos dahil hindi napunta sa wala ang kanyang pinaglaban sa taong ito.

“Marami na akong iniluha at mga naisakripisyo. Maraming nawala sa akin nang dahil sa ginawa niya [Hayden] sa akin.

“Hindi lang naman ako ang masaya kundi pati na ang buong pamilya ko at mga taong sumuporta sa akin. Hindi nabale-wala ang mga pinaglaban namin. Una nga ay ang masampahan na siya ng kaso ng DOJ [Department of Justice], tapos itong pagtanggal ng license niya bilang isang doctor. Kaya maraming salamat sa Diyos talaga,” ngiti ni Katrina.

EFFORTS BEAR FRUIT. May trabaho siya noong araw na iyon nang may tumawag sa kanya upang ibalita ang pagkansela ng lisensiya ni Hayden. Pinakumpirma pa raw niya ito sa ilang tao hanggang sa makuha na niya ang official na pahayag ng PRC.

“Para akong nabunutan ng isa pang malaking tinik sa dibdib ko. Talagang napangiti ako sa balitang iyon. Pero hindi na ako naiyak. Talagang sobrang napangiti ako at nagsabi ako ng thank you kay God.

“Patunay lang naman ito na nasa tama ako at may pinaglalaban ako. Kahit na alam kong makakasira sa akin ang lumaban, still ginawa ko at hindi ko na naisip ang mga mawawala sa aking mga trabaho.

“Pero sobrang pasasalamat ko pa rin sa GMA-7 dahil despite of everything, nandiyan sila for me. Binigyan pa rin nila ako ng role sa Rosalinda at ngayon binigyan ako ng role sa Darna. Pati na ang mga sponsors ko na Bench at Kawasaki, nandiyan pa rin sila para suportahan ako. Tapos yung mga publications na kinukuha pa rin akong mag-cover ng magazines nila, naniwala sila sa pinaglalaban ko.

“Siyempre, pasalamat din ako sa iba't ibang organizations na tumulong sa akin. Hindi ko na sila mapangalanan lahat pero kilala ninyo kung sino kayo. Taus-puso ang pasasalamat ko sa inyong mga grupo.”

FIGHT NOT OVER. Pero, dagdag ni Katrina na hindi pa daw tapos ang laban. Patuloy pa rin daw siyang makikipaglaban dahil may mga ibang kaso pa sila na hindi pa natatapos.

“Hindi naman dito nagtatapos, e. Meron pa kaming hinihintay. Nakakadalawa pa lang naman. Dasal pa rin namin na makuha namin lahat ng mga pinaglaban namin at doon lang kami makaka-claim ng victory. Sa ngayon, dasal pa rin at tapang ang kakampi ko.”

Inamin ni Katrina na matagal na raw siyang hindi umiiyak. Last na iyak niya sa publiko ay noong mag-guest siya sa Showbiz Central.

“After no'n sinabi ko na ayoko nang magpakita ng kahinaan ko. Magiging firm na ako kapag ito na ang pinag-uusapang bagay… Sa Rosalinda na lang ako umiiyak dahil trabaho na iyon, e,” sabay tawa niya.

REPENTANCE AND FORGIVENESS. Sa kabila ng lahat, handa naman daw si Katrina na magpatawad. Pero magpapatawad lang siya sa taong humihingi ng tawad sa kanya.

“Hindi naman siguro aabot sa puntong ito kung may humingi lang ng sincere na sorry ang isang tao sa akin. Yung talagang galing sa puso niya ang paghingi ng sorry sa akin at sa pamilya ko.

“Pero wala akong natanggap na ganyan. Tinakot pa ako at kung anu-ano pa ang mga sinasabi nila. Kaya sayang lang. Too late na para magpatawad ang kahit na sinong tao sa mga ginawa nila sa akin at sa ibang tao.

“Magpatawad man ako ngayon, nandiyan na ang mga desisyon ng DOJ at PRC. Hindi na mababawi iyon.”

SERPENTINE PLOT TWIST. Pagkatapos ng Rosalinda ay nabigyan ulit ng magandang role si Katrina sa Darna bilang ang nagdalaga nang si Serpina. Si Serpina ay kapatid ni Valentina (Iwa Moto) at anak ni Roma (Nadine Samonte) kay Cobra (Paolo Contis) na ama rin ni Valentina sa ina niyang si Soledad (Janice de Belen). Magkakaroon ng mala-love triangle twist sa pagpasok ni Katrina dahil magkakagusto rin ito kay Eduardo (Mark Anthony Fernandez) na siyang minamahal nina Narda/Darna (Marian Rivera) at Valentina.

“As in guguluhin ko silang lahat dito sa pagpasok ko!” tawa ni Katrina. “Pag-aagawan namin si Eduardo at madugong paglalaban ang magaganap sa amin nila Darna at Valentina. Exciting nga ang storyline na binigay sa akin kaya na-excite talaga akong mag-taping na.”

Itong Darna ang unang pagkakataong makatrabaho ni Katrina si Marian Rivera muli, magmula pa noong Marimar in 2007.

via PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | News | Katrina Halili on fight for justice: “Dasal pa rin at tapang ang kakampi ko.”.

Related Posts with Thumbnails
«
»

Comments

One Response to “Katrina Halili on fight for justice: “Dasal pa rin at tapang ang kakampi ko.””
  1. Katrina pumatol sa may asawa’t anak
    PERUSE ME Ni Ronnie Carrasco (Pilipino Star Ngayon) Updated December 17, 2007 12:00 AM

    Love comes from the most unexpected places. So does tsismis. Aakalain ko ba na sa minsang pakikipag-umpukan ko sa isang inuman, little did I know that one of my drinking partners happened to be an ex-boyfriend of Katrina Halili? Bagama’t ang tsika did not come straight from the horse’s mouth, ang hipag nito ang nagkukuwento.

    ‘‘Alam mo ba na iniyakan at hinabul-habol ni Katrina ’yang bayaw ko (Monching ang pangalan)?’’ sey ng aking source, na hindi naman nakapagtatakang mabaliw ang sexy actress sa tumaba, pero guwaping pa ring guy. Nasa late twenties pa lang si Monching, na noong nakarelasyon daw si Katrina ay meron nang asawa’t anak.

    ‘‘Ano pa?! Alam ni Katrina na may sabit na si Monching, pero pinatulan pa rin niya. Eto namang bayaw ko, ikinukuwento sa misis niya na kapatid ko. Siyempre, feeling honest. Pero inaway-away ng sister ko ang bayaw ko, hayun, nakipag-split siya kay Katrina. Magulat-gulat na lang kami, biglang nag-artista,’’ dagdag pa ng source ko.

    Bigla ko tuloy naalala ’yung tsismis na pinagseselosan daw ni Lucy Torres si Katrina na kasama ni Richard Gomez sa Marimar. Richard is very much married, tulad nu’ng Monching na nakainuman ko.

    So, do I say beware, Lucy?

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled
Pinoy TopsitesEntertainment & Lifestyle - Top Blogs PhilippinesBlog Directoryblog search directoryBlog Directory & Search engineBloglisting.net - The internets fastest growing blog directory Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com