Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Gretchen Barretto saddened by sister Claudine’s network transfer

Sa interview ng ABS-CBN.com kay Gretchen Barretto after niyang manalo sa 23rd PMPC Star Awards for TV ng Best Single Performance by an Actress, napagusapan ang kanyang pag-venture sa teleserye sa ABS-CBN. Pagbalik na raw niya from the holidays ang umpisa ng paggawa niya dito. “Pagbalik siguro, mga February namin gagawin. Mag-iiba lang siyempre ng cast pero matutuloy.”

Supposedly makakasama kasi ni Gretchen sa teleserye niya with ABS-CBN si Claudine Barretto, na nag-ober da bakod na ng TV station. Ano ang masasabi niya sa paglipat ng youngest sister niya sa GMA7? “Nakakalungkot, kasi siyempre ‘yung chance at ’yung hope ko na makatrabaho ko si Claudine hindi natuloy. Pero alam ko later on pareho naman kami sa industryang ito, maliit lang naman ang industriyang ito, so, magkakabungguan din kami one of these days. Siguro hindi pa panahon.” Nanghinayang ba siya na hindi natuloy ang pagsasama nila ni Claudine sa teleserye? “Nanghinayang pero I trust in, you know, the plan. Kasi this is our fate. So, hindi natin masasabi.”

Na-ishare na rin ni Greta na wala talaga siyang idea sa ginawang move ng kanyang kapatid. “Hindi kami nag-usap tungkol doon. Hindi niya ako kinunsulta. Nagulat din ako. Kaya yata labis na parang mabigat para sa akin.” If ever tinanong siya ni Claudine bago niya gawin ang paglipat sa Siyete, ano ang maaari niyang sabihin sa kapatid? “Wala rin naman akong maiiba ‘di ba? Kahit kinonsulta ako. So, siguro okay na rin ‘yun.” Kailan sila huling nagkausap ni Claudine? “Ay, kanina, nagkita kami. Pero hindi namin pinag-usapan kasi mukhang sensitive pa ‘yung topic ‘di ba? Respeto ko lang ‘yun sa kanya. I wanna give her space.”

Naiba na ba ‘yung concept ng teleseryeng dapat ay gagawin nila ni Claudine o ‘yun pa rin pero ibang artista na ang makakasama niya? “Ah, hindi maiiba, ah, siguro konting-konti maiiba nila ngayon kaya February na kami.” Open ba siya sa ideya na si Angel Locsin ang ipalit kay Claudine? “Wala naman ako’ng problema dahil napakahusay ni Angel. ‘Di ba na-nominate siya sa Emmys? So, ah, kahit sino naman welcome sa akin.”

via Gretchen Barretto saddened by sister Claudine’s network transfer :: ABS-CBN.com.

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com