Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

It was Vicki Belo who broke the news to Hayden Kho that his license had been revoked

Hindi raw inaasahan ni Vicki Belo na ire-revoke ng Professional Regulation Commission ang lisensiya ni Hayden Kho Jr. Mismo ang duktora ang naghatid ng balita sa dating karelasyon.

“Ang nanay niya, si Irene [Kho] ang tumawag sa akin, kasi hindi niya mahanap si Hayden. So, ako ang nagsabi sa kanya [kay Hayden]. And medyo na-shocked siya, of course.

“Kasi, yung PMA [Philippine Medical Association] ang nagsabi na two years suspension. We thought it could only be two years and nagplano na kami. Na-accept naman niya yun.

“So, medyo shocking lang na na-revoked talaga.”

Ayon kay Vicki, “Doctor rin ako kaya alam ko kung gaano kahirap mag-aral. Hindi lang mag-aral kundi mag-duty. Tapos yung sakripisyo ng pamilya. Nagdarasal lang po. Nag-a-appeal na lang po kami siguro.”

HAYDEN'S PLAN. Kinuwento rin ni Vicki sa Startalk na plano raw mag-aral muna ni Hayden habang dalawang taong suspendido ito.

“Actually, nag-enroll na siya sa Ateneo Business School, mag-e-MBA [Masters in Business Administration] siya. So, inisip niyang two years lang ang suspension and by the time na grumadweyt siya ng MBA, tapos na rin ang suspension niya.”

Hanggang ngayon, buo pa rin ang suporta niya kay Hayden.

“Oo, naman. Of course. I think the more that we should support each other lalo na in the hard times, di ba?”

via PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | News | It was Vicki Belo who broke the news to Hayden Kho that his license had been revoked.

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com