PART 2: Kris Aquino asks for “time and space” from husband James Yap

Sumunod namang inihayag ni Kris Aquino ang kanyang saloobin tungkol sa pagsasama nila ni James Yap ngayon.

The marriage between me and James is not just between the two of us. In a way, I’m very lucky kasi ang support system namin ay very solid. He [James] can call Noy anytime because he’s more comfortable talking to Noy dahil lalake siya. I have three married sisters na all… two [whose marriages] are more than 20 years, one going on her 20th year, I think, maybe 18th, 19th year. So, stable ang mga relationships nila. So, meron mga gumagabay sa amin na maayos.

“Pero, Boy, I can’t lie to all of you. Kasi iko-contextualize ko rin po. Noy told me when I was saying, ‘Noy, I’m so sorry na yung marriage ko gagamitin pa para batuhin ka,’ ang sinabi ni Noy sa akin, ‘Kristina, kalimutan mo yung kampanya. Isipin mo yung dalawang anak mo.’ So, yun po ang iniisip ko, yung dalawang anak ko. Most importantly, Baby James, and James knows this because this was our conversation.”

At muling naalala ni Kris ang naunang pagsubok sa kanilang pagsasama ni James.

“Sinabi ko sa kanya, ‘We all know what we went through when I was pregnant with Baby James.’ Siguro now we can say it. I was in the hospital then, Boy. Meron akong statement na nagsasabing suko na ako, ayoko na.

“And my mom [the late President Cory Aquino] called you [Boy]. Tumawag ang mom ko sa iyo at nakiusap at sinabing, ‘Boy, ikaw na ang bahala. Huwag mo nang basahin ‘yang statement ni Krissy.’ Sinabi niya, ‘Boy, do this for me.’ Those were my mom’s words to you. And what did you tell my mom? Sabi mo, yes, di ba? And now my mom’s not here. I miss her so much. I’ve tried… God knows, I’ve tried. And in all fairness to James, he has also tried. But maybe in my opinion, not hard enough,” emosyunal na sabi ni Kris habang nanginginig ang kanyang boses.

LIVING WITH PINKY. Ikinagulat naman ni Boy ang sumunod na rebelasyon ni Kris na hindi na muna magsasama sa kanilang bahay sina Kris at James. Ayon kay Kris, umalis siya sa bahay nila kasama ang mga anak niyang sina Josh at Baby James. Nakikitira muna sila sa kapatid niyang si Pinky.

“Where do we stand now? Nakiusap ako sa kapatid kong si Pinky kung puwedeng doon muna kami. I’m taking my two sons with me to stay with Pinky. Not only because I need time and space to think, but we live in one village.

“On January 25, I turn over our home to the owners [in Valle Verde 2]. Di ba, may bago nang bumili ng bahay namin? Kaya lang, Boy, hindi mo maaalis sa akin na I pray every day… natatakot ako na baka naman yung mga anak ko ang balikan. Natatakot ako for the safety of my children.”

Ayaw raw niyang siraan ang asawang si James. Mahal niya ang asawa, pero pakiramdam daw ni Kris kailangan may gawin din si James para maging maayos ang kanilang pagsasama.

“I am not demonizing James,” diin ni Kris. “The fact that I’ve stayed with him for almost five years must prove to all of you na mahal ko siya. Kaya lang, hindi lang puwedeng ako lang ang nagmamahal. Hindi rin naman puwedeng ako lang ang umiintindi. Kumbaga sa basketball, the ball is now in his hands. I can’t forever be the one standing strong. Kasi darating din naman yung panahon na mapapagod ako.

“Yun ang pinaliwanag ko sa mga kapatid ko. Sinabi ko sa kanila, ‘Please allow me this. I’m not saying that the marriage is over because in my heart I still want it to work. I want it to work because number one, I will forever be grateful to James dahil pinakasalan niya ako. Na he loved me enough to marry me. But I want it to work because Baby James deserves a mother and a father. But he doesn’t deserve this gulo. So, kailangan maayos ko, maayos ni James. Ayusin namin ang isa’t isa before we can expect na maging okay kami. Hindi naman na siguro masama ‘yan, na gustuhin ko na ayusin niya ang sarili niya.'”

Ayon kay Kris, marami nang sakripisyo ang ginawa niya lalo na in terms of her career para lang hindi magkaroon ng pagdududa si James.

“Boy, ‘eto na lang, in all this time, kahit na nga sa pag-arte, lahat ng mga kissing scenes, lahat ng mga intimate scenes, tinanggihan ko. Dahil ayokong merong ikabahala ang asawa ko. Hindi naman siguro masama na hingin ko rin yun sa kanya. Na huwag mo rin naman akong bigyan ng dahilan para magduda. Hindi puwede talaga na in one marriage it’s only one person working. It takes two, di ba, for it to work.”

HOPING TO FIX THE PROBLEM. Hindi naman daw sinasabi ni Kris na maghihiwalay na silang mag-asawa. Umaasa pa rin siya at nagdarasal na magiging maayos ang lahat sa pagitan nila.

“And again, this marriage is not just about him and me. I explained to James, all eyes are on us. And I think it’s our responsibility to try our best to make it work. Pero kailangan fix yourself and let me fix me. And then later on, I’m not putting a period. I’m not saying that this is the end of the road. I’m really hoping and praying na maayos namin lahat.

“Pero, Boy, kailangan ko rin ng space for me. Kasi bugbog na bugbog na ako. Siguro naman hindi ako mag-i-snap nang ganun kung hindi marami na kaming pinagdaanan. So, now I’m just saying as any wife who’s watching me now or any girl in a relationship is watching me now, gusto mo naman ng assurance na mahal ka, nirerespeto ka at hindi ka niloloko. Yun lang.”

Hindi man daw sila magkasama ni James sa isang bahay ngayon, patuloy pa rin naman daw silang may komunikasyon at nagkakaroon ng pagkakataon na magsama.

“We were together in my brother-in-aw’s lunch. And we had lunch together,” sabi ni Kris.

Tinanong ni Boy si Kris kung naiintindihan ni James na kailangan niya ng space kaya nakatira muna sila ng mga anak kina Pinky?

“I think so. Kasi, Boy, noong umalis naman siya bago mag-Pasko, hindi ko siya ginulo. He needed time to think also, di ba?”

At naayos ba ang dapat maayos noon?

“I thought so. Now we’re going to try, di ba? Pero if you’re under one roof and then may ganito, sumbatan nang sumbatan, e, nakakapagod, di ba? And siguro hindi rin naman masama na hingin ko ngayon… na patunayan niya sa akin that this marriage is worth it. Because it can’t always be that it’s just my family telling me na, ‘Krissy, save the marriage. Krissy, sayang naman.’ I told my family, ‘E, hindi naman clear yung married sa kanya, e.’ So, kailangan sa kanya rin naman manggaling na make me feel… make me feel na I’m really your wife. Make me feel that you’re a responsible husband, a loving father and that this marriage has a future.”

KRIS ASKS FOR JAMES’ FIDELITY. Sunud-sunod naman ang naging tanong ni Boy, “Hindi ba niya ipinaramdam sa iyo that everything is all  right? Hindi ba niya sinabi na wala talaga ito? Hindi ba niya ipinarinig sa iyo that wala ka dapat pagdudahan? Hindi ba niya sinabi that we are okay, we don’t need to separate? Hindi ba niya sinabi that there should be no questions because buong-buo ako’y nandito, I am behind you. Wasn’t there any assurance?

“Yes, there was, Boy,” tugon ni Kris. “But also kasi… may mga sinumbat pa sa akin kasi. So, ang sinagot ko lang, ‘Don’t provoke me further.’

Aminado naman si Kris na mahal pa rin niya si James. Ang hinihingi lang niya kay James ay ang karapatan niya bilang asawa.

“But I love him and he knows I still love him. I don’t question the fact that he has been so good to Josh and loves Josh as his own. And he’s really loving towards Baby James. But now na alam na natin na may ganitong problema, huwag naman tayong lahat magbulag-bulagan. Kasi ako, puwede kong ipagmalaki that I have never given him any reason whatsoever to doubt my fidelity. I just want the same thing in return.”

Sa huli ay hiniling ni Kris sa taumbayan na maunawaan ang nararamdaman niya at maintindihan ang sitwasyong kinalalagyan niya ngayon.

“And again, sana ho klaro sa inyong lahat. Hindi po ang pamilya ko ang nagpa-interview. Hindi po kami ang nag-text tungkol dito. Pamilya po nila. Napilitan po akong sumagot dahil nilapastangan na ang pagkatao ko. Well, actually, ako naman po talaga ang biktima.

“Eto lang ang masasabi ko. Dinamay niyo ang kapatid ko. Ang kapatid ko na lang ang talagang natatakbuhan ko for anything and everything. You cannot blame me for wanting to defend Noy. And you cannot blame me for wanting to defend my marriage.”

Read Part I

via PEP.ph

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "PART 2: Kris Aquino asks for “time and space” from husband James Yap"

Leave a Reply

%d bloggers like this: