More Recent News

Ruffa Gutierrez accepts Kris Aquino’s apology

Tinanggap na ni Ruffa Gutierrez ang paumanhin ni Kris Aquino.

Matatandaang pagkatapos ng napaulat na pagwu-walkout ni Ruffa sa The Buzz noong Linggo, March 7, ay agad na humingi ng paumanhin si Kris sa kanya at sa pamilya nito. Ito ay kaugnay ng pagpaparinig diumano ni Kris sa kanya sa “P.O.V.” segment ng The Buzz noong araw na yun. (CLICK HERE to read related story.)

Unang humingi ng paumanhin si Kris kay Ruffa through online, sa pamamagitan ng text message na ipinadala niya sa PEP na nailathala ng madaling-araw ng March 8. (CLICK HERE to read related story.) Pangalawa, sa pamamagitan ng pagpapa-interview sa TV kahapon. At pangatlo, sa pamamagitan ng print na lumabas ngayong araw, March 9.

Sa panayam ng GMA News kay Kris kahapon, March 8, sinabi niyang pinanood niyang muli ang video ng episode ng The Buzz noong Linggo kung saan nagsimula ang isyu sa kanila ni Ruffa.

“I wanted to make sure na nung pinanood ko sarili ko, ako mismo, as a viewer, mapi-feel ko na affectionate naman yung teasing. Nung sinabi ko na, ‘Aminin mo, iba talaga ang level ng saya dito,’ parang ang ibig kong sabihin do’n is mami-miss mo rin kami talaga,’” paglilinaw niya.

Ayon kay Kris, pinanood din daw ng mga kapatid niya ang tape ng naturang episode The Buzz at isang importanteng bagay raw ang ipinunto ng mga ito sa kanya.

“Ang sinabi ni Ate [Ballsy], ‘Siguro Krissy dapat i-consider mo rin what it’s like to be saying goodbye. And siguro on our family’s end, kung tayo naka-cause ng pain para sa kanila, or nabigyan sila ng stress dahil sa hindi mo naman sinasadyang nagawa, take it upon yourself and do this for Mom,’ sabi ng ate pa,” kuwento ng bunsong anak nina former President Cory Aquino at former Senator Ninoy Aquino.

Ipinarating din ni Kris ang kanyang kagustuhan na magkaayos na sila ni Ruffa at ng pamilya nito.

“Kung ako po, bilang miyembro ng pamilya Aquino, nakasakit sa damdamin nila, ng mga Gutierrez, pinapaabot ko po, on behalf of my family, wala po talaga kaming masamang intensiyon and bukas na bukas po sa kalooban ko na sana maging magkaibigan pa kami ni Ruffa, most especially,” pahayag niya.

Naiintindihan din daw ni Kris kung bakit nakapagbitiw ng masasakit na salita ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama laban sa kanya at maging sa kapatid niyang si Noynoy Aquino. Sa panayam kasi ni Annabelle sa Showbiz Central noong Linggo rin ay nanawagan ito na huwag iboto si Noynoy bilang presidente dahil hindi pa man daw ito nananalo ay “mayabang” na si Kris.

Pero ayon kay Kris, “Kung anuman po ang nasabi ni Tita Annabelle laban kay Noy, that’s why we live in a democracy.” Sa text message na ipinadala niya sa PEP ay sinabi rin niyang hindi siya mayabang kaya nagpapakumbaba siya.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Kris para kay Ruffa.

Aniya, “Ruffa, sasabihin ko lang sa ‘yo, gusto kong humingi ng pasensiya sa ‘yo kung sa panahon na kailangan mo sanang mas maging maunawain ako at maging mas tahimik, hindi ko nagawa ‘yon para sa ‘yo. Pero buong-buo, galing sa puso ko, na hinahangad ko all your success in this world.”

RUFFA SPEAKS UP. Kaninang hapon, March 9, ay nagpaunlak naman na ng interview si Ruffa sa TV crew ng ABS-CBN at GMA-7. Dito ay malugod na tinanggap ni Ruffa ang apology ni Kris.

“I do appreciate and accept Kris’s apology,” nakangiting sabi ni Ruffa sa panayam sa kanya ng TV Patrol World.

Aniya pa, “Ako naman, you know, I’m a very fun-loving individual at  kaibigan ko rin naman si Kris, and I have the highest respect for her. I know that we love each other, and I know that we’ve been friends for a long, long time.”

Nakausap ng media si Ruffa kaninang hapon, March 9, sa first taping day niya bilang judge ng Talentadong Pinoy sa Skydome sa SM North Edsa. Ang Talentadong Pinoy ay isa sa mga programang gagawin ni Ruffa sa exclusive contract na pinirmahan niya sa TV5.

Inamin din ni Ruffa na nasaktan siya sa mga “parinig” sa kanya ni Kris sa “P.O.V.” segment ng The Buzz noong Linggo na naging dahilan ng kanyang pag-iyak.

“Medyo nasaktan lang ako no’n kasi dun sa mga parinig niya na, ‘O, you know, mahal na mahal ako ng mga taga-Laoag, 70 percent ng mga tao nakikita ako dito…’ Parang pinapalabas niya na walang manonood sa akin sa TV5,” saad ni Ruffa, na nakatakdang lumipat sa TV5 bago matapos ang buwang ito.

Pero nilinaw ng TV-host actress na hindi siya nag-walkout gaya ng mga lumabas na report.

“Hindi ako nag-walkout, ha!” natatawa niyang sabi. “Ikaw talaga! Ewan ko ba’t sinabi na nag-walkout, mga intrigero kayo! Masama bang umiyak sa dressing room? Grabe!”

Dahil sa pagiging emotional ni Ruffa ay hindi na raw niya nagawang bumalik pa sa studio upang tapusin ang The Buzz.

“I really wanna go back on air but I couldn’t stop crying. So, natanggal na yung pilik-mata ko, nag-smear na yung liner ko. And I admit, I was emotional. Kung akala ng mga tao OA, e, OA. Ganun talaga emotion ko nung time na ‘yon, wala akong magagawa. But, hindi ko talaga sinasadya ‘yon,” paliwanag ni Ruffa.

Ipinarating din ni Ruffa ang saloobin ng kanyang ina na si Annabelle Rama tungkol sa pagtanggap niya ng paumanhin ni Kris. Ito ay sa kabila ng hindi pa sila personal na nagkakausap ng kanyang co-host sa The Buzz.

Kuwento ni Ruffa, “Sinabi lang niya [her mom], ‘Naku, Day, tanggapin mo na yung apology ni Kris, Day. Kasi nakita ko naman, nagpakumbaba na siya. Sige, okay na ‘yon, Day.’ Pero Mommy ko naman, para siyang volcano, ‘no.”

Aware din si Ruffa na may kanya-kanyang panig ang mga tao tungkol sa isyung ito sa kanila ni Kris kaya sabi niya, “Let’s move on with dignity and honor. Wala nang Team Ruffa, Team Kris. Team Friendship na lang, di ba?”

“Feeling ko, kasing tindi ‘to ng naghiwlaay kami ni Yilmaz, ha!” natatawa pa niyang pahabol.

Bagamat sinabi ni Annabelle sa interview sa kanya ng Showbiz Central na hindi na niya pababalikin si Ruffa sa The Buzz, nakatakda pa ring bumalik ang huli sa showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN sa March 14. Ito na ang magsisilbing huling paalam ni Ruffa sa show at sa Kapamilya network bago siya lumipat sa TV5.

via PEP.ph

Related Posts with Thumbnails
«
»

Comments

6 Responses to “Ruffa Gutierrez accepts Kris Aquino’s apology”
  1. MJ says:

    My opinion about this incident, mashadong BASTOS si Kris parati niyang binabastos si Ruffa sa the BUZZ. Kris is very insecure of herself. She’s envious of Ruffa very obvious naman eh. When I watch Kris sa The Buzz, makikita mo siya how she looks at Ruffa, sinisipat niya nang may halong inggit talaga. Considering the Queen of media siya, pero she’s nasty and very tactless walang BREEDING and she loves to talk about her self. HUNGRY for attention kay it doesn’t matter how expensive the clothes she wears or ang mga accessories pa niya, those are just material stuff. Her attitude makes her look UGLY talaga. She needs to learn from MEGA Shawie. She’s very rich, very successful, merong breeding, also ang family nasa politics then yet very down-to-earth si Mega talaga. Totoong tao. Si Kris she is the MOTHER of tactless people nakakaloka. She needs to go to school to learn interpersonal skills at proper etiquette ha. This is my opinion…

  2. GEME says:

    I agree with you MJ. Kris claimed na affectionate ang teasing niya kay Ruffa. She is such a LIAR LIAR LIAR. I used to love Kris Aquino but now I hate her talaga. I love Kim and Gerald but because of Kris Aquino, I don’t watch “Kung tayoy Magkakalayo anymore” because she is so annoying. She’s very nasty you are correct, mayabang, insecure lahat lahat na. She always talk about herself nakakaloka rin talaga. Nauubos ang oras nang programa dahil she wants to talk about herself, James Yap and every opportunity she gets siya nalang ng siya. For example nalang nang hungry for attention, nag guest siya sa Mega Birthday, supposedly when you are a guest, you should always make the celebrant feel the most important person on that day, what did Kris do welp… she sang with her husband, “ALL ABOUT HERSELF AGAIN”. I look at the MEGA whom I love dearly, she’s just watching on the side while Kris and James are stealing the spotlight from her and worst, they didn’t even look at the MEGA while they were singing talagang TURN OFF AKO ridiculous. Kaya if I am Sharon CUneta, I will not even consider Kris to be my close friend… PLASTIC na INSECURE pa. I will just turn my TV off whenever I see her. I love Ruffa, she’s educated, polite and nice. A true BEAUTY QUEEN… kaya MJ I AMEN to that sa mga sinabi mo.

    AMGIRL from Maryland USA

  3. jod says:

    Totoo lahat yan grabeh, I dislike Kris bastos

  4. ann says:

    SI KRIS NO BREEDING.. SHE NEEDS TO THINK TWICE OF WHAT SHE’S GOING TO SAY,,,don’t like her anymore. She’s very RUDE TALAGA, I wonder how james can put up with her BIG MOUTH

  5. mharay says:

    kris is kris

    remember that!

    no one is perfect

    she can commit mistakes

    however

    I know she should change a bit.

    guys,

    don’t be so judgmental

    you really don’t know who is kris tlga

    just by accident

    nagcriticize na kayo agad

    that’s unfair for her part.

    and by the way

    you don’t need to include others

    like kim and gerald just because of kris

    wla nman silang kinalaman sa issue eh.

  6. chika says:

    Kris needs a lot of growing up to do.. and for her to cry at the BUZZ mahirap ng makuha ang simpatya nang mga tao if she keeps making the same mistakes…She needs to learn how to humble herself at magpakatototoo… “HUMILITY” my dear

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge
Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com